HER. Being a GOOD mother.

Sa mga madameng araw na kasama ko nanay ko, kapatid ko. Madameng beses ko na nasubaybayang magsagutan sila. Na bastusen nang kapatid ko nanay ko. Na sinisigawan lang. Pero bakit ganon, hindi nya magawang saktan. Nagkakaayos din agad. Dati, nung bata pa ako; nagalit ako sa kanila kasi akala ko bias sila na porke’t hindi ako bunso lagi nalang ako ang mali. Lumaki ako, pinagsiksikan ko sa isip ko na panganay ako at kailangan ko silang intindihin. Na hindi sila bias. Pero WHAT THE HELL. Bakit ganon. Ginawa ko naman lahat nang kaya kong gawing pagpapakatino a. Kahit na HALOS LAHAT BAWAL, Okay lang iintindihin ko. Hindi naman ako magrereklamo. Kahit na yung ibang nakapagpapasaya sakin hndi ko makuha hndi ko magawa kase bawal. SIGE, PAGPAPASENSYAHAN KO. Hindi ko alam kung anong lugar ko sa pamilyang yan. HELLO, ANAK MOKO!

Ang dameng beses na nasubaybayan kong sagutsagutin nang kapatid ko yung nanay ko. To the point na, sasabihin nang nanay ko na “ANG BASTOS BASTOS MONG ANAK.” Then, magiiiyak ang mama. Ako, hind ko alam ang gagawin ko. IISIPIN KO SILA PAREHO. Hindi ko alam ang gagawin ko kase kapag pinanigan ko ang mama at patatahanin baka isipin nang kapatid ko na SA KANILA NALANG YUN. Ako, HINDI AKO MAGSUSUMBONG SA PAPA! Kase may pakealam ako sa kapatid ko e. Kase ayaw ko syang mapagalitan kahet sya yung mali. Ayaw ko din naming suwayin yung kapatid ko kase ANJAN ANG MAMA E. ROLE NYA YUN, DIBA! Hindi ko alam kung san ako lulugar so I’d rather just shut up.

August 12 2009. Dito sa apartment natulog ang mama kase wala ang papa, asa Cebu. Makalat sa apartment, naglinis sya. Dumating ako sa bahay. Masaya pa. Maya maya, nakaupo nako handa na magaral. Sabi nang nanay ko. “Alam mo tet, ikaw ang pinakaburara dito. Maglinis ka nga” Parang ako, “HELLO! Atleast naglilinis ako kapag wala ka, e yang is among anak. Anong ginagawa nyan? Puro kasipsipan sayo!” Pero, Chill. Panganay ko, may utak na. Pero nagsimula na kong mabadtrip. Tapos hinanap ko si ballpen kase magrereview nako.

Ako: Asan yung ballpen ko. Magrereview nako.
Sya: Diko nakita. Kung nasa isang pencil case lang diba di sana hindi nagkakandawala.
Ako: E ikaw yung naglinis, DIBA? Imposibleng di mo alam
Sya: E SA HINDI KO NGA ALAM.

(Ako, pinaghahalungkat yung mga gamit na nilinis nya. HINAHANAP KO ANG BALLPEN KO AT HINDI AKO NAGDADABOG.)

Sya: WAG KA NGA MAGDABOG DYAN.
Ako: Hindi ako nagdadabog.

(Ako, nakita na si ballpen.)

Sya: E ano yang ginagawa mo!
Ako: Nakaupo. Hinanap yung ballpen. Magaaral.
Sya: AT SUMASAGOT KA PA!
Ako: Hindi ako sumasagot. Sinasabi ko lang na hindi ako nagdadabog at hinahanap ko ang ballpen ko kase magaaral ako.

(Sya, tumayo. Lumapit sakin.)
(Ako, Sinabunutan.)
Ako: Aray. Wag nga. (Lumayo, Nagaral.)
Sya: Tatawagan ko ang papa mo! KAUSAPIN MO HA!
(Sya, Umiyak. Umiiyak.)
(Ako, Walang pake. Hindi ako mali. Nagaaral.)
(Sya, iyak.)


Kapatid ko: (sa pinsan ko) Tawagan mo nga ang papa.
Pinsan ko: Uy mama, tahan na.
Kapatid ko: (sa mama) Mama pahiram cellphone mo. Tawagan ko ang papa.

(Ako, Aral. Napaisip: WOW. Ang bait mo talagang anak! Woo. Palakpakan para sayo!)

Maya maya pa. Nagteks ang papa ko sakin “Pagod na pagod na kase, pinaglinis nyo pa.” “Ayusin mo yan kung hindi mananagot ka saken.” “Magsorry ka at umayos ka” “Show me that you care”
Oh my God. Touching? What the fuck. Magsamasama kayo.

Bottom line? For the sake na hindi ako mapagalitan, Nagsorry ako.

Ako ba ang mali? Ako nagpapakabuti lang. Nagpapakatino. Nananahimek. Ako pa talaga ang mali. Siguro nga, MAHAL NILA KO.

I love them too. Mahal na mahal!
Isn’t it ironic. Swerte ko, diba?

No comments:

Post a Comment