Totoo ba? Naniniwala ka ba? Ikaw, ano sayo? Mas pipiliin mo ba yung dinidikta ng utak mo o yung sinasabi ng puso mo? Ako, depende.
Depende dahil malay natin ang dinidikta pala sakin ng utak ko ay yung tipo ko naman diba? Edi jakpat! Pero dun tayo sa hindi. Edi puso ang susundin ko. Totoo lang. Kahit hindi ako kumain nang tatlong beses sa isang araw, kahit araw araw kaming mag aaway dahil nagrereklamo ako sa aming kahirapan, basta kami ang magkasama, solb na. Ang korni ba? E ganun e. Mahal nga daw e.
Kesa naman dun sa ang ganda ganda nang bahay nyo tapos pagdating mo sa bahay ang tingin mo sa kasama mo, demonyo. Parang nadedemonyo ka na din tuloy at gusto mo syang patayin.
Nung isang beses natanong ang kaibigan ko nang ganitong tanong. Ang sagot nya, susundin nya yung utak nya. Kaya daw kasi ini design nang dyos na mas mataas ang utak kesa sa puso para utak daw ang paganahin. Sabi naman nang nagtanong sa kanya “Kahit hindi mo mahal?” Ang sagot nya“Matututunan ko din syang mahalin”.
Matututunan nga bang mahalin ang isang tao? Siguro oo. Kaso ang pangit diba? Parang iginuguhit mo lang yung tadhan mo. Gago, kaya nga tadhana e. You let things flow. Hindi yung ikaw ang magdedesisyon nang mangyayare sa hinaharap. Yun yung ikasasaya nang buhay e. Yung mga pagdedesisyon nang walang kasiguraduhan basta alam mong masaya ka, go lang. Kapag napunta sa mali, itama. Lahat naman masosolusyunan e.
Mali yung mamahalin mo sya dahil gusto mo, dahil dapat, dahil kelangan. Mahalin mo sya dahil mahal mo sya. Para sa huli, walang iiyak, walang mahihirapan, walang masasaktan.
No comments:
Post a Comment