May kaibigan akong may problema sa pag-ibig. Itago nalang natin sya sa pangalang Kurdaps at ang lalakeng mahal nya ay itago nalang natin sa pangalang Juanchuchu. Mahal na mahal ni Kurdaps si Juanchuchu. Or yun ang sabi nya. Si Kurdaps kasi, may anak na. Tapos napaka ganda nya. Dati syang naging commercial model. Makinis. Matalino. Halos perpekto. Tapos yung mahal nyang si Juanchuchu ay mayaman. Syempre sumusustento. Gwapo. Tiba tiba sya dun.
Last week nagkwento sakin si Kurdaps na hirap na hirap na daw sya sa estado nang relasyon nila nang boyfriend nya. Edi nagkwento sya. May sakit daw kasi sya isang araw tapos iniwan sya nung bf nya para bumili nang gamot tapos 30 mins na ang nakalipas hindi pa din bumabalik. Edi tinext na nya. “Babe, asan ka?” Sabe nung lalake pumunta lang sa kaibigan pero nalaman ni Kurdaps na umiinom lang pala yung boyfriend nya. Nung paguwi ni Juanchuchu, nagalit si Kurdaps. Mas inuna pa daw kasi nya ang inom kesa sa gf nya na may sakit at naghihintay. Tapos nagsinungaling pa daw sya dahil hindi sinabi agad na umiinom. Sabi nung lalake kaya daw sya nagkakaganon dahil wala na syang amor dito, sawa na sya dito, hindi na sya gusto. At habang sinasabi ito nang lalake, nakahiga lang daw ito, nakapikit at parang natural na natural lang ang pagkakasabi habang ang may sakit na si Kurdaps ay nandoon sa gilid, humahagulhol, sobrang nasasaktan.
Inis na inis ako. Kay Juanchuchu dahil sa ugali nya. Kay Kurdaps dahil sa katangahan nya. Sobrang martir nya! Ang sarap sabunutan. Hindi ko na tinanong kung mahal nya ang lalake dahil malamang diba! Tinanong ko “Mahal ka pa ba?” “Hindi ko alam” sagot nya. Yan ang mahirap e. Yung alam mong wala nang pagasa. Yung puros sakit nalang ang nararamdaman mo. Lahat ng pasakit nadama mo na. Pero, wala e, hindi mo maiwan. Kasi mahal mo e. At di mo sya kayang mawala. Sabi nga ni Kurdaps “Alam mo yun, iniisip ko pa din na sana may pagasa.”
Gusto kong sabihin sa kanya na “Te, hindi ka na nyan mahal. Tama na te. Hiwalayan lang din pupuntahan nyo.” Pero hindi ko masabi. Dahil kaibigan ko sya. Pero palagay ko kahit hindi ko sabihin yun ay alam na naman nya yun. Na wala nang kahihinatnan ang relasyon nila. Pero bulag lang sya sa katotohanan. Pinipilit nyang paniwalaan ang gusto nyang mangyari. Kahit halos lahat na sa paligid nya ay sinasabing wala nang pagasa, para sa kanya may pag-asa pa.
Ganon ba talaga kapag nagmamahal? Nagiging martir? Sobrang martir? Grabe major martir? Tulad ulit nang sabi ni Kurdaps “Alam mo Claire, yung ako dati, yung confident, sure sa lahat nang ginagawa, wala na yun e. Mula nung dumating sya sa buhay ko nasira na yung pagkatao ko. Sirang sira na Claire. Yung pagka tao ko, niyapakyapakan na nya, dinurog, winasak. Pero wala akong magawa. Mahal ko sya e.” At wala akong nasabi kundi Putangina.
Sabi naman nang isa pa naming kaibigan “Baka naman may nagawa ka na kinadahilan nang pagiging ganyan nya?” Ang sagot naman ni Kurdaps, “Alam mo __, yung ano sya ngayon, sya yun e. Hindi yun dahil sa nagyari dati o kung ano pa man dahil yung ngayon, sya yung responsable sa mga sinasabi nya e, sa mga ginagawa nya.” Sabi ko “At ikaw, alam mong masakit, sige ka pa din, ikaw yan e. Mahal mo lang sya.”
Alam nyo, sa ganitong mga pagkakataon ko naiisip na sobrang swerte ko sa pagiging single ko. Wala akong iniisip na kahit ano kundi ang pagiging single ko. Wala akong putanginang pinoproblema gabi gabi. Wala akong putanginang tinetext araw araw. Wala akong putanginang iisipin kung “Tangina mahal pa kaya ako nito” Wala akong iiyakan habang sinasabing “Bakit ka ba ganyan?”
Ang hirap kapag alam nang mahal mo na mahal na mahal mo sya.
No comments:
Post a Comment