Martir.

Sinasaktan ka na nga, minumura ka na nga, dinuduraan, winawasak, pinupunit na nga ang pagkatao’t kaluluwa mo, hindi mo pa din iniiwan.

May mahal na nga syang iba, hinihiwalayan ka na nga, pinapamukha na nga nya sayo na hindi na sya masaya sayo, ipagsisiksikan mo padin ang sarili mo at hihintayin na magkapag asa pa kayong dalawa.

Wala na nga e. Hintay ka pa ding tanga ka.

Ang masama ay yung proud ka pa sa pagiging martir mo. Ipagmamalaki mo pa na mahal mo lang sya kaya ka nagkakaganyan. Ay mahabaging panginoon. Sana tamaan ka nang kidlat.

Yan ang hirap sa tao e. Lalo na sa mga taong nagmamahal. Alam na nga na wala nang aasahan, sige pa sa paghihintay. Alam na nga na wala namang mapapala, tina try pa din. Masokista. Martir. Putangina.

Alam kong hindi ko masisisi ang mga martir at nagpapaka tanga at sinasaktan ang sarili. Pero please lang, maawa naman sana kayo sa sarili niyo. Kung kaya mo namang mabuhay nang masaya, bakit ka magtitiis sa pasakit na nararamdaman mo sa kanya?

Wag mong idadahilan ang putanginang rasong “mahal ko sya”. Walang dulot na maganda ang pagmamahal kung pasakit lang ang nararamdaman mo. Oo kaakibat nang salitang mahal ang salitang sakit. Pero hindi sinasabing kaakibat nang salitang mahal ang salitang tanga. Okay?

Okay lang magmahal. Masaktan. Pero ilugar sa tama ang pagpapakatanga. Iayon sa tao. Magpakatanga sa tamang tao.

No comments:

Post a Comment