Mutual Understanding. O tinatawag din ng ibang, malabong usapan. Ano nga ba ang M.U. Eto yung para kayong may something pero hindi mo sigurado. Eto yung, wala kang kasiguraduhan kung pwede kang masaktan, kung pwede kang magtampo, kung pwede kang kiligin, kung pwede mo syang mamiss. Eto yung mahirap sa lahat. Kasi hindi mo alam e. Wala kang pinanghahawakan. Isang araw ang sweet sweet nyo. Todo text maghapon, todo usap magdamag. Todo lahat. Na akala mo, bukas, ganun padin.
Pero dadating yung araw na hindi ka nya maaasikaso. At mapapaisip ka. “Bakit kaya hindi ako tinetext nito?” At ayan na itetext mo na sya para tanungin ang nabuong tanong sa isip mo. Ngunit naisip mo ulit… “Sino ba ako para itext nya?”. Tapos hindi mo sya itetext kasi natatakot ka na kapag ginawa mo yun, isipin nya na masyado kang feeling at ayaw mong maging obvious na gusto mo yung tao.
Pero what if ganon din yung iniisip nya? Na ayaw lang din nyang maging obvious?
Ayan. Eto na yung part na malabo. Yung hindi mo alam yung iniisip nya, at hindi nya alam ang iniisip mo. Eto yung mahirap. Yung wala kayong napaguusapan, walang linawan ng bagay.
Hanggang pareho kayong natakot… hanggang pareho kayong nagpatigasan. Hanggang nawalan na ng communication. Hanggang nawala na yung koneksyon. Hanggang nawala na lahat.
No comments:
Post a Comment