Noon. Ni hindi man lang ako marunong mag byahe. Inis na inis ako sa usok na dult nang yosi. Badtrip na badtip ako sa mga manginginom. Jirits na jirits ako sa mga nagiingay habang umiinom. Noon mahal na mahal ako nang magulang ko. Noon mula school deretso bahay ako. Noon pumapasa pa ako nang medyo sa mga subjects ko. Noon hindi ako inaabot nang umaga. Noon hindi man lang pumasok sa isip ko na may mga tao talagang nagdo droga. Noon takam na takam ako magmahal.
Ngayon. Dala nang aking karunungan sa pagbabyahe, kung saan saan na ako nakakapunta. Halos masunog na ang baga ko sa kakayosi. Hindi lang yosi. Mumamarijuana pa. Badtip na badtrip ako kapag hindi ako nakakainom. Jirits na jirits ako sa loob loob ko kapag hindi maingay kapag nasa inuman. Ngayon halos hindi na ako pagkatiwalaan nang magulang ko. Ngayon kung hindi man late uuwi sa dorm, hindi na nga umuuwi. Ngayon halos lahat nang grade ko pasang awa, at okay na okay nako dun. Ngayon hindi pwedeng hindi ako matulog nang umaga. Ngayon gustongg gusto ko pa maranasan ang ma high sa droga. Ngayon medyo hindi ko na alam kung ano yung pagmamahal.
Sobrang panget nang pinagbago ko. Disappointed ba ako sa sarili ko? Oo kasi imbes na manatiling maayos ganitong daan ang pinili ko. Pinili ko to kaya ayun, hindi ako nagsisisi. Disappointed lang pero walang pagsisisi. Pinili ko kasi talaga to e. Walang peer pressure, walang lahat. Kagustuhan ko lahat. At masaya ako. Dissapointed ako pero at least masaya ako. Alam kong kahit masaya ako, mali pa din talaga. Pero yun pa lang talaga ang mahalaga sakin ngayon e. Yung masaya ako. Gusto ko naman to e. Mali to, oo. Pero pinili ko to, gusto ko to at masaya ako.
No comments:
Post a Comment