Mahal mo. Mahal ka. Kayo. Kala mo sa kanya na umiikot mundo mo. Na sa araw na yun ayaw mo ng ibang kasama kundi sya. Ayaw mong may ibang tatawag kapag hindi sya. Ayaw mo nang ibang messages na hindi galing sa kanya.
Tapos isang araw nalang may pogi kang makikilala. Isang araw nalang may chix na mas hot sayo na dadaan sa harap nya. At dun. Sa moment na yun. Akala mo isang segundong napalingat ka lang. Pero don. Sa isang segundong yun. Unti unti. Nasisira kayo. Di mo man aminin, pero isang araw makikita nyo nalang ang sarili nyong naghahanap ng presensya ng iba. Makikita nyo nalang na hindi na ang presensya ng isa’t isa ang bumubuo nang araw nyo. At doon, magsisimula na yung labuan, away, pagdududa na kinalaunang mapupunta sa break up. Tapos yun na yun. Iiyak ka. Kala mo nasaktan ka. Na ayaw mong aminin sa sarili mo na nasa sayo yung pagkakamali. Isisisi mo pa sa kanya. Tapos iiyak ka pa ulit. At maghahanap. At magmamahal. At masasaktan. Tapos, yun na. Ulitin mo nalang.
No comments:
Post a Comment