Since mothers day bukas at ngayon ako sinisipag mag post, gusto ko mag kwento tungkol sa mama ko. Sa totoo kong mama. Sa mama kong minsan iniisip kong sana hindi ko nalang nanay.
Bale ganito kasi yan, maaga siya nabuntis, kung nagbabasa talaga kayo nang posts ko parang naka ilang rants na ko patungkol sa hindi ko siya gagayahin na lumandi ng maaga—tho in some ways, malandi nga ako. Ibig kong sabihin hindi ako magpapabuntis ng maaga. Second year college ang mama nung nabuntis siya. E para sa future, nagaral pa din siya kaya hinabilin muna ako sa kapatid niya(na tinatawag kong mami) lumaki ako sa kanila. Sa mga mami.
Habang lumalaki ako, kinukuha na ako ng magulan ko. At kahit bata palang ako, ayaw ko na sila kasama. Kapag kinukuha nila ako sa mga mami, umiiyak talaga ako. Minsan nga sinasabi ng papa “Edi dun kana tumira! Sige magempake ka na!” Na nagpalala lang ng hate ko sa kanila.
Edi lumalaki na ako, sa kanila na talaga ako nakatira. Hindi ako masaya. Kahit na binibigay nila lahat ng makakabuti sa akin, private schools, school service, magagandang gamit, cellphones, computer. Lahat ng luho ng bata ako meron ako. Naaalala ko pa nung elementary ako at ako palang ang may cellphone sa amin sa klase.
Pero malungkot. Nasa akin nga lahat pero yung saya sa pamilya wala. Nandun yung times na may close ko pa yung katulong namin kesa sa magulang ko. Na mas gusto kong laging may pasok para wala ako sa bahay. Kahit alam kong mahal nila ako, hindi ako masaya.
Hindi nila ako pinapayagang lumabas. Para akong preso na class A, lahat na sakin. Nakakalungkot. Feeling ko etong mga bagay na ito ang naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Naiinggit nga ako dun sa mga taong magkahiwalay ang magulang e. Kasi nakakalabas sila, legal mag ka syota at mas close sila ng magulang nila. Pero nabasa ko sa The Rescue ni Nicholas Sparks na yung mga taong hiwalay ang magulang, naiinggit sila sa mga buong pamilya, naiinggit sila na may nagbabawal sa kanila lumabas. Pero in my case, umaabot ako sa puntong sana mag hiwalay na sila.
One time nagaway sila, umalis talaga kami ng mama sa bahay. Dun kami nag stay sa mami. At imbis na malungkot, masaya ako. Kasi mas masaya talaga ako sa mga mami e. Masayang masaya talaga. Kahit alam kong maghihiwalay sila, ang saya ko. Kaso sa kasamaang palad, nagkaayos pa din. Tapos hindi na naulit yun.
Tapos ganyan lang lagi. Ayoko na mag kwento dahil baga maging bibliography na ang labas. Hihi. Ngayon, hindi pa din kami close ng mama. Hindi ko pa siya nasasabihan ng ilove you. Laging sa letter lang. Christmas cards. Ganun lang. Naiinggit nga ako sa mga taong nakakapag iloveyou sa mga magulang nila e. Dahil ako, katulad nung mga tao sa Wowowee/Willing Willie, hindi pa talaga ako nakakapag iloveyou sa mama. Pati na din sa papa, sa dadi, sa mami.
This mothers day, wala sa plano ko ang mag Iloveyou. May gift lang ako. Gift na binili ko para sa sarili ko pero naisip kong diko gusto kaya pa mothers day nalang. Ang sama ko sigurong anak. Alam ko naman e. Pero I wonder, mabuti ba silang magulang?
I am hoping - each and every day - for them to understand me. Kahit kaunting pagintindi lang. Pero I think hindi na to mangyayari. And then I think, things will never be okay.
Anyhow, Happy Mothers Day!
Para sa inyo: I would like to say na mahalin niyo magulang niyo pero I can’t lie to myself and fool each and evryone of you. So, whatever. I don’t judge naman. So… bye.
No comments:
Post a Comment