Loser to Langya

Naalala ko nung highschool ako, nung elementary ako, kung paanong parang hindi ako gusto ng mga tao, kung paanong may friends ako pero never the favorite friend, may ganon naman talaga diba? Yung kaibigan na parang paborito ng lahat. So ako, parang isa lang sa mga nakikihati sa atensyon. Gusto ko, ako ang laging kasama kung hindi magtatampo ako.

Naalala ko din nung elementary ako kung paanong dalawa lang yung itinuturing kong kaibigan. Yung isa nawala pa dahil lumalaking maarte naisip niya siguro na loser ako kasama katulad nung isa kong kaibigan na loser sa paningin ko kaya medyo nilalayuan para hindi maging loser. Lumaking tila loser kaya umiiwas sa loser.

Nakakalungkot isiping hindi talaga tayo pantay pantay. Na nandyan talaga ang mga taong kelangang ipagsiksikan ang sarili para matanggap sila ng iba. Na kailangan nilang magbago para maging "cool" sa paningin nang mga gusto nila maging kaibigan.

Naalala ko din nung elemetary ako kung paanong nagpanggap akong may sakit ng tatlong araw dahil ayoko na pumasok, yung tipong naglalagay ng bawang sa kilikili para uminit at hindi papasukin. Hindi ko na ginugustong pumasok dahil parang bumababa ang tingin ko sa sarili ko kapag nandun ako sa eswelahan na yun. Yung tipong ayaw na ayaw ko mag report sa unahan dahil wala namang nakikinig sa akin. Yung bobo ang tingin nila sa akin. Kung paanong pumupunta lang ang iba kong kaklase sa bahay dahil medyo may kaya nga akong tao.

Naalala ko naman nung highschool ako, kung paanong naiyak ako sa CR dahil pati apilyido ko pinaglalaruan, kung paanong walang gustong pumartner sa akin dahil marahil hindi ako kaaya aya (pero may mas malala naman sakin), kung paanong naguwi ako ng notebook ng isang "cool" na kaklase para masabi ko sa kaibigan ko na "Kay ___ yan e" At kung paanong sasabihinh niyang "Wow, close kayo?" Kung paanong iniisip ko na close nga kami.

Naalala ko din kung paanong nagsusulatan kami araw araw ng kaibigan ko nung highschool. Marahil dahil na din ito sa kawalan ng lakas loob na ikwento ang mga bagay bagay sa harap ng isat isa. Tapos naging busy siya, dumami kaibigan at ako naiwan.

Naalala kong nagsimula ang highschool na anim kaming magkakaibigan tapos pabawas ng pabawas dahil nagkakaroon ng mga sari sariling interes.

Naalala ko din kung paanong pinapasaya ko lang ang sarili ko sa pagtetext dahil kulang na nga ng atensyon sa bahay, iba pa ang atensyon na natatanggap sa eskwelahan. Naalala ko kung paanong ang daming naging kaibigan sa text, kung paanong ang dami kong natutunang mali dito, kung paano ako sinaktan ng tatay ko, kung paano ako kinilig.

Tapos kolehiyo, 'di ko inaasahang papasa ako sa UST dahil tanga nga ako e. Pero dahil nakapasa ako inisip ko nalang na tamad lang ako, dahil may iba akong kilalang bumagsak. Dito nagbago buhay ko.

Marami akong nakilala, natuto ako magpunta ng Maynila, Fairview, Malabon, Antipolo, Muntinlupa, Makati, Intramuros, Diliman, LB at iba pa. Natuto ako mas magsinungaling sa magulang ko, natuto ako maginom, mag yosi at kung ano ano pa. Pero ni minsan walang nag udyok sa akin na gawin ang mga bisyong to. Pinili ko talaga ang mga to. Sumasaya ako sa simpleng paglunok ng alak at pagbuga ng usok e. Anong magagawa ko?

Pero dahil sa maling daan na tinatahak ko, mas dumami ang naging kaibigan ko. Lagi akong masaya, kuntentong kuntento na. Naiisip ko tuloy minsan, tama ba itong ginagawa ko? Alam kong mali pero gusto ko pa din. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Naiisip kong kailangan ko ng tao na magpapabago ng mga pananaw ko sa buhay at magpapabago ng buhay ko or ayusin man lang kasi ligaw na ligaw na ako. Pero dahil mukhang wala pa siya, makukuntento nalang muna ako sa pag ba blog nito.

Note: Muntik na ako maiyak sa naisip kong pagkaloser ko dati at sa naisip kong napakasamang tao ko na ngayon. Walang maganda sa kahapon at ngayon ko. Sana yung bukas ang magbigay kulay. Hindi na ako makapag hintay.

No comments:

Post a Comment