magine this. Isang araw badtrip na badtrip ka, na para bang na create ang araw na yun para inisin ka. Na para bang lahat ng nangyayari ay against sa mga gusto mong mangyari. Pwedeng umulan pero wala kang dalang payong. Pwedeng ang ganda ng porma mo dahil sa jacket mo or sa longsleeves mo pero ang init init, jinajabar ka na. Pwedeng nakita mo ang syota mo sa mall pero sabi niya papasok siya. Pwedeng nainis ka sa boss mo kanina. Basta inis na inis ka na gusto mo lang ibaling ang inis mo sa ibang bagay.
Gusto mo sana bumili ng libro dahil baka mahanap mo ang sarili mo sa ibang character sa libro. Pero kulang ang budget mo. So as much as gusto mo magbasa, dahil lunch time na, kakain ka nalang.
12:00 pm. Ni try mo pumunta food court. Sakto may upuan. Naka earphones forever ka lang tapos biglang may lalapit sayo titingnan mo at bubuka bibig nya, kinakausap ka pala. Aalisin mo earphones mo na para bang nagambala ka talaga niya. “Ano?” “May kasama ka?” “Meron.” Nakakainis diba? Isipin mong apat na tao, iba ibang tao ang nagtanong kung may kasama ako.
Kahit na makikitabi lang sila sa lamesa, ayoko. Bakit ba? E kunwari may kasama ako e! Kita mong mag isa tapos tatabihan mo. Ayoko nga e! Kita mo nang nagiisa tapos tatanungin mo pa kung may kasama! Hay nako! Edi aalis ever ka nalang dun, kawawa naman sila e.
Edi mag isa ka lang diba? Hahanap ka ngayon ng kainan na kaunti ang tao para sure na may upuan ka. Jollibee 3rd floor, SM Manila. Bakit doon? Kasi may SM na sa baba. Meron din sa taas. Malamang mas kaunti nakain sa taas.
Edi ayun, pipila ka na. Badtrip na badtrip ka diba? Dahil ang dami nangyari at ang malala pa niyan, mag-isa ka lang. Tapos pag dating mo sa counter, si ate sobrang ngiti. Hindi naman siguro masama ngumiti pero yung uulitin lang yung order mo, nakangiti pa din. Maglalagay lang ng food sa tray mo, nakangiti pa din. At di mo mapigilang isipin. “Masaya ba kaya talaga to o sadyang plastik lang?”
So titingnan mo yung iba pang nasa counter at lahat sila nakangiti. Hindi mukhang friendly putangina. Badtrip na badtrip ka na nga tapos sila masaya. Anyare! Para bang gusto din nila nakangiti ka. E ayoko nga e. Gago ka ba!
Naisip ko tuloy na wag na wag kumain sa foodchains kapag badtrip. Nakangiti nga sila, di naman nakakatulong. Tss! Baliktad? E naiinis talaga me e.
Minsan talaga ang mga tao, kahit walang ginagawa, kahit nagtatanong lang, kahit ngumingiti lang, nakakainis! Badtrip is badtrip. Yun na yun!
No comments:
Post a Comment