Mag se share ako.

May crush ako sa school mula 1st year college, yung tipong freshmen palang ako tapos second year na siya nun tapos first day, ang classroom na nilabasan niya ay siyang classroom na papasukan ko naman. That moment na pagkakita mo sa kanya, para siya na lang lagi uli ang nakikita mo araw-araw. Crush ko siya mula first year pero ni minsan hindi ko kinuha ang pangalan niya.

Hanggang graduation nila nung March, ni research ko talaga ang pangalan ng lolo mo. Tapos ini add ko agad sa facebook. Kilig na kilig na ako nung inaccept niya pero syempre hindi ko siya icha chat para wala lang.

Tapos last week lang nag chat siya sa akin “How’s your senior year?” Edi kilig na kilig na ako. Tapos hindi ako nagkamali, may hihingin lang pala siya sa aking favor. Tapos nag chat kami at sinabi niya na “Anyway,” edi naisip ko, yess may ibang motibo! Edi happy happy na. Tapos salamat daw sa efforts ko sa pagtulong. Wala daw bang bayad yun.

Ang unang balak, punta lang siya UST, kain lang kami and all tapos biglang ni suggest niya na sa kanila na lang kami pupunta. Sabi ko bakit. Bottomline, ang gusto niya kisses. On bed. Badtrip. Hahaha!

Okay lang sana makipag laro e dahil crush na crush ko naman siya. Pero yun na nga e, crush na crush ko siya, yung ang laki nang paghanga ko sa kanya kasi akala ko ang tino tino niya tapos biglang first day namin magkakausap, yayayain niya ako ng ganun.

So ang ginawa ko, nakipag kita ako sa kanya ng Wednesday. Sabi ko sa sarili ko, kapag masaya siya kasama, papayag ako sa Friday pumunta sa kanila. Before namin magkita, uminom ako at nagjuts para madaldal ako. Tapos nalaman ko nung kasama ko na siya, na hindi pala siya umiinom, na sa kanila pala ang best thesis last year, na nag Mr. jrn pala siya noon.

Na realize ko na hindi kami bagay, na masyado siyang mabait, malibog lang siguro. And hindi kami magkakasundo.

Nakaka lungkot yung mga ganung bagay. Na gustong gusto mo siya pero hindi kayo ang tama para sa isa’t isa. Opposite attracts? Ulol asa.

1 comment: