Paano nga naman kung wala namang mali sa isang relasyon ngunit dahil praning ka, magiisip ka ng magiisip. "Mahal ba niya ako?" "Mahal pa ba niya ako?" "Baka naman nasasakal na siya sa akin?" "Baka naman may iba na siya?" at kung ano ano pang tanong na lalo lang makakagulo sa isip mo na mapupunta sa pag conclude na "Siguro ayaw na niya sakin" "Ay wala na, ayawan na to"

Kasi nga paranoid ka. Paano kung pinoproblema mo lang pala ang mga hindi naman dapat problemahin? E ikaw pala may problema e. Dapat kasi wag feeling.

"Feeling ko galit siya sa akin" "Feeling ko sawa na siya sa akin" E putangina lang diba? Anong magagawa natin niyan?

Kung feeling mo may problema, solusyunan agad bago pa lumala.
Wag yung wala kang gagawing aksyon kasi lalo lang lalala.

No comments:

Post a Comment