Siguro nga nasa atin ang problema kaya hindi tayo masaya sa buhay natin. Lakas lang maka dahilan ng mga sisisihin pa ang ibang tao at nagkanda letse letse ang buhay nila.
Tulad nalang ng mga may problema sa pagibig at iniwan ng mga mahal nila sa buhay. Oo nga't maaring kasalanan yun ng isa kasi ipinagpalit ka. Siguro kasalanan nung isa kasi trinaydor ka niya. Pero naisip mo ba na siguro nasayo lang nga ang problema? Siguro boring ka kasama kaya ni throw away ka nalang. Siguro nagsawa na siya sayo. Minsan kasi dapat hindi natin binabaling sa iba ang problema lalo na't alam mo sa sarili mong ikaw ang mali.
Katulad nalang din kapag single ka. O diba siguro nasayo ang problema nun, hindi lang naman siguro dahil sa wala kang itsura, wala kang appeal or walang nanliligaw sa'yo, siguro dahil din sa hindi mo nadadala ang sarili mo.
Maaari ring sigurong iniisip mo na walang magkakagusto sa'yo kaya ganyan ka. Minsan kailangan mong magtiwala sa sarili mo at gawan ng paraan para sumaya ang buhay mo.
Kasi magkakadugtong yan e. Kapag naninisi ka ng iba, hindi ka masaya sa loob loob mo. Pero kung inaamin mo sa sarili mo na ikaw ang may problema at may pagkukulang, ma wowork out mo lahat ng mali at magiging okay ka, magiging masaya ka.
Lalapitan ka ng good vibes bilang good vibes ang dala mo. O diba bongga. At kapag nangyari yun, kahit ano pang itsura mo, keri na! Aura na!
No comments:
Post a Comment