Siguro dapat ko na nga sigurong alamin ang magiging future ko. 4th yr na ko pero kung makapag sinungaling pako sa magulang ko, kung maging pariwara pa rin ako sa pagaaral ko. Dapat sigurong magseryoso na.
Dapat sigurong next sem ay magtino tino na ako. Huling sem na. Delikado pa kapag nag gago. Dapat sigurong di na ako magantay na ma e F.A na ako bago pa sipaging pumasok. Dapat na siguro akong maging mabuting anak. Yung ikaka proud naman kahit minsan ng mama at papa.
Feeling ko ang sama sama kong anak. Na puro disappointments ang dala ko sa kanila. Iniisip ko tuloy baka nagsisisi na sila na ako naging anak nila. Pero nagpapasalamat na din ako dahil sila ang magulang ko at kahit papano ay nararamdaman kong tina try nila ang best nila na intindihin ako. Malamang. Wala na magagawa e.
Anong nangyari? Bakit lumaki akong ganito? Napaka suwail ko. Huhu at diko alam kung kaya ko ba talaga magbago. Ang sama ko ba? Parang lagi nalang silang galit... Wala nang nagawang tama :(
No comments:
Post a Comment