Dilemna

Nilalandi ako ng isang lalakeng nasa isang relasyon. At nagpapalandi naman ako. ‘Coz we’re “two consecutive adults having fun” HAHAHA! Masaya naman ako.

Kaso parang nakilala niya ako na strong, na go with the flow lang.

E paano kapag na in love ako? Edi ako naman yung kawawa sa huli. Kasi kahit matapos yung kung ano mang meron kami, meron naman siyang syotang pwedeng balikan. E paano naman ako?

Sinabi ko yan sa kanya kaso ang sabi niya “Hindi mo ba kaya i control ang emotions mo?” Kaloka. Babae pa din naman ako, kahit pa strong strong ako diko padin kontrolado kung na po fall nako o hindi.

Hindi ko naman kayang sabihing “Ako pa. Strong kaya ako” Diko naman kaya lokohin sarili ko. Hindi ko rin kayang sabihing “Its a risk i’m willing to take” Ulul. Ano ako martir?

Alam kong mali ang gagawin ko kapag ipagpapatuloy pa kasi may girlfriend nga siya. Pano nalang kung ako ang nasa posisyon ng gf niya? Kahit epal ang gf niya, san mang banda mo tingnan, mali pa din.

Kaso, bet ko siya.

So ano na? Lalayo o lalandi? LOL.

Marami pa namang lalake e…

Bahala na. Kung ano mang maging desisyon ko, don’t judge. Tao lang ako, lumalandi, mahina, natutukso at nadadarang.

No comments:

Post a Comment