Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob OngMy rating: 5 of 5 stars
Pinaka gusto ko na yatang libro ni Bob Ong. Mula sa cover hanggang sa back cover. Precious heart romances ang peg.
Pinakita dito yung mga stereotype shits sa mga pinoy movies. Kung paanong dapat may mga bandidong papatay sa bida pero yung bida hindi mapatay patay kahit madaming bandido. Kung paanong may mga lasenggero dapat sa kanto para manyakin yung leading lady at makikipagsuntukan ang bida. Kung paanong mas malupet pa ang special effects sa horror kesa sa storya mismo. Kung paanong O.A umarte ang mga nasa horror para madala naman ang eksena kasi nga pangit ang storya. Kung paanong pang witch ang tawa ng kontrabida. Kung paanong laging namamaltrato ang babaeng bida dahil may minahal na mayaman. King paanong langit ang isa at lupa ang isa.
Kung panong irelevant naman ang products sa eksena pero ipapakita talaga kasi sponsors sila. "Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon."
Pinakitang ang dami daming nangyayari sa eksena pero kailangan talagang may manuting asal na maipapakita. "Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura."
Pinakita rin na sa Comedy, kailangang may malalait o masasaktan para funny. Na sa Horror, kailangang magaganda ang visuals. "Ang comedy natin, puro slapstick. Ang horror natin, puro visual. I'm sensing a pattern here..." At sa sopa operas, kailangang may love triangle. Hihi.
Tapos syempre, magtatapos sa happy ending. Kasi gusto daw ng produce ng feel good ending. True enough, eto naman ang gusto ng karamihan sa mga Pilipino e. Filipinos are naturally happy nga kasi diba? Haha. Minsan lang magka bet ang bad vibes dito. Parang di naman.
"Ubos na ang dalawang oras. Anuman ang nangyari, automatic happy ending tayo."
Ganda! Award!
View all my reviews
No comments:
Post a Comment