TA KE

Huling boyfriend, Nov25 2009. He broke up with me Dec 26 2009. Matagal ko na siyang crush e. Tapos nagulat nalang ako isang araw ni chat niya ako sa facebook. Parang since 2008 kasi crush ko na siya. Tapos di talaga ako nagpapa pansin. Kaya ang saya ko nung ni chat niya ako, wall post, at mahabang usapan. Edi syempre kilig na kilig ako diba? Tapos textxt na no.

E busy siya sa buhay niya, so ako naman si tanga, ako pa ang tatawag. Para lang makausap siya. Syempre, patay na patay ako sa kanya e. Diko lang alam kung totoo pero ramdam kong mahal ko siya. Tapos after 3 days nanligaw siya. E sino ba naman akong maganda para magpakipot pa? Edi sinagot ko na din agad mga after 2 days yata.

Tapos edi kami na, e taga Alabang siya, taga Manila ako. Edi malayo, hindi nakakapag kita. Alangan namang ako pa pumunta Alabang diba? Pero honestly kung mayaman lang ako, pinuntahan ko na talaga pero hindi e. Edi text lang at facebook communication. Gabi ko lang siya nakakatext kasi nga "busy" siya.

Kung hindi siya nag pa practice sa banda, nag ma magic siya sa cards, nag iinom, or nag pa practice ng flair. Stop kasi siya nung time na yun so yun lang pinagkakaabalahan niya. SO busy siya all day. Kahit hindi naman valid ang reason niya para hindi niya ako itext man lang, okay lang mahal ko naman siya e. To think na sa sobrang katangahan ko, ako pa minsan nagloload sa kanya

Take note, 10 na ata ang pinaka madaming text niya sa isang araw. YES, BINIBILANG KO! Naka save lahat noon! Na kapag hindi na siya nagrereply, BABASAHIN NKO LAHAT PAULIT ULIT. At kahit ramdam ko na hindi niya ako mahal, sasabihin ko lang sa sarili ko na "BOYFRIEND MO SIYA AT LEAST. MAHAL KA NIYAN! BUSY LANG SIYA!" Ganon ako for 1 fucking month.

Hindi ako nagreklamo kahit isang besess kasi baka sabihin niyang nakakasakal ako at iwan niya ako. Hindi ko magawang sabihing "Ano ba! Parang wala kang girlfriend a" kasi ayoko magalit siya. Ako na dehado, ako pa takot sa kanya. Anong magagawa ko? Mahal ko siya e,

Ginawa ko na lahat nang alam kong paraan para maiparamdam sa kanya kung gano ko siya kamahal kahit sa text lang pero SIGURO HINDI NIYA NARAMDAMAN. SIGURO HINDI SAPAT.

Kahit ang sakit sakit na, diko siya iniwan. Monthsary namin, pasko. Inintay kong batiin niya ako, wala. Ni isang text, wala. Kinabukasan... nag message siya. SA FACEBOOK!

"hey C, let's be friends na lng muna. di ko pa ata keri mag gf ngayon hoho. well at least we tried. nahihirapan ka lng eeh. ayaw ko laging ganun. na nasasaktan ka. pasensha na topak kasi ako ngayon."

No you didn't tried!!!!! At nahiya naman ako sa HOHO mo! Alam mo ba kung putanginang ganong kasakit na ibe break ka afterv ng 1month niyo? Putangina mo! Putangina mo! Pero syempre, akong kunwaring strong, ang reply ko, "Sure" Puta diba? Puta.

Tapos ayun, 2011. Nalasing ako one time, sinabi ko lahat ng yan, yung nararamdaman ko, LAHAT! Sabi niya wala daw siya iba masabi kundi sorry at hindi pa naman daw late para bumawi and then the next day... LILIGAWAN DAW NIYA AKO

What the fuck diba? Sabi ko wag niya akong ligawan kung naaawa lang siya. Sabi niya hindi naman daw. Sabi ko bakit. Sabi niya NAISIP KO LANG. Ay wow diba? Ay wow!!!!!

Edi um-oo ako kasi baka gusto niya makabawi sa mga sakit na naidulot niya sa akin. Pero ang nangyari, puro GM ang txt. Wow ang saya naman ng panliligaw mo kuya feel na feel ko e. SHet e. Shet talaga e. Woooo nakaka inlove e!

THE FACT NA ALAM MONG HINDI PA AKO NAKAKA MOVE ON SAYO, NA WALA PA AKONG BOYFRIEND SINCE YOU, PUTANGINA HUWAG MO AKONG PAASAHIN. PUTANGINA GAGUHAN NA E. HINDI PORKET MAHAL KITA HANGGANG NGAYON MAGPAPAASA KA NG MAGPAPAASA. OO UMAASA AKO. SYEMPRE MAHAL KITA E. AT NAGPAPAASA KA PUTANGINA. WALANG AASA KUNG WALANG NAGPAPAASA KAYA PUTANGINA KUNG WALA KANG BALAK MAHALIN AKO WAG KANG KUMEMBERLOO DIYAN KASI BINABALAK KO MAG MOVE ON!! MAHAL KITA AT NATATALI AKO SAYO DAHIL GANYAN KA NG GANYAN! WAG PAASA PUTANGINA.

Dear C, A, B, T

Hi, alam kong kaibigan kita pero kailangan ko to ilabas e. Masakit na hindi ko to masabi. Alam kong bata ka pa, kaya siguro masamang tao ang tingin mo sa akin. Sorry kung nagyoyosi ako at umiinom. Kung tingin mo masama akong tao dahil don, sorry. Kung tingin mo hindi ako mabuting kaibigan dahil dun, sorry. Sana lang wag gawing basihan ang bisyo sa sukat ng pagkakaibigan.

Kayo kasi yung mga kaibigan ko e, mula pa noon, tapos feeling ko hindi niyo ako tanggap dahil sa bisyo ko. Ang sakit sakit. Lalo na kapag alam ko na pinaguusapan niyo ko. Sa likod ko. Tapos kapag magkakaharap tayo sobrang okay. Minsan may ilangan. Sobra sobrang sakit. Mahal na mahal ko kayo e. ALam niyo yung ang saya saya ko kasama kayo tapos parang feeling ko dahil sa mga bisyo ko, ang sama sama ko nang tao para sa inyo. Grabeng sakit.

Tapos napilitan akong lumayo, yung hindi na sumasabay kumain dahil nga feeling ko awkward na kasi nga ganun. Sobrang nakakaiyak. Nakakaiyak na kayo yung mga sobrang kaibigan ko tapos ang saya saya natin pero biglang nagkaiwanan sa ere. Sobrang sakit e. Sobrang sakit e.

Yung mag wo wall post kayo sa isa’t isa tapos hindi ako kasama. Alam niyo yung may feelings? Ako yun e, hindi naman ako manhid e. Umaakto lang ako na parang walang nangyayari pero kung nakakamatay lang yung ganyang treatment, bulok na siguro bangkay ko ngayon.

Ang hirap na hindi ka tanggap ng mga kaibigan mo. Na hindi mo maipakita yung totoong ikaw sa harap nila. Hindi naman ibig sabihin na dahil may bisyo ako, masama na akong tao e. Sa lahat ng tao, kayo nga mas may kilala sakin e. E bakit ganun? Bakit ganonnnnnn. Ang sakit e. Ang sakit sakit e. Sobra e.

Yung mag gu groupings tapos parang invisible ako at hindi niyo man lang ako tatanungin kung sino ka grupo ko? Shet. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko nun e. Sobrang sakit na parang wala kayong paki sakin. Okay lang naman na hindi niyo ako i grupo e pero yung hindi niyo man lang ako tatanungin kung sino kagrupo ko? Foul e. Sobrang foul e.

Yung sa thesis na ako pa ang nagmakaawa na igrupo niyo ko? Nawala na nga yung pride ko e. Sobrang nawala e. Sobra. Yung mas pipiliin niyo pa yung absent kesa sakin? Bobo ba ako? Hindi ba ako tutulong? Oo tamad ako pero kaya ko namang patunayan ang sarili ko e. Gugustuhin ko ba makakuha ng mababang grade? Hindi syempre diba? Ano ba. Ganun ba ako kawalang kwenta sa paningin niyo? Ang sakit sakit e.

Sana magkakaibigan tayo sa saya at lungkot. Hindi saya lang. Alam ko masaya tayo pero kapag ayaw na sa isang tao, iwanan na? Last resort na? Sobrang sakit e. Guys hindi ako manhid e. Hindi ako manhid.


Sorry pero kailangan ko lang ilabas to.

Hindi naman ako masamang tao e.

May criteria ba sa circle of friends niyo? Ouch kasi e. Sakit. Sobra.

Mabasa niyo man o hindi, basta nailabas ko.

Mahal ko pa din kayo. At sana alam niyo yun.

Dear bff,

Hi Thaene, seatmate since first day! Alam kong I am not really a best friend pero what the hell, i’m considering you as my bestfriend e. Bakit ba? Gusto kong magpasalamat sa lahat ng pagintindi. Alam kong alam mo lahat ng kalokohan ko, alam ko, kahit di mo sabihin. Alam kong naiintindihan mo ako kahit wala akong sinasabi sayo. Alam kong hindi mo ako jina judge dahil hindi ka ganung tao. Kahit medyo hindi na tayo close dahil mas close ka sa iba, umm, nagselos nga ako e. Hehe childish pero yun e. Pero naiintindihan ko naman na medyo malayo talaga ang ugali natin sa isa’t isa. Pero sobrang mahal kita. Sobrang alam kong naiintindihan mo ako at naiiyak nga ako ngayon e. Alam mo namang hindi ko ito kayang sabihin sa personal dahil magiging joke lang lahat at tatawa lang tayo ng tatawa. So bahala na kung mababasa mo ito. Basta mahal kita at salamat sa lahat ng paginitindi. Nalulungkot pala ako dahil hindi na tayo tulad ng dati, yung sa akin ka lang nagke kwento, yung may sarili tayong mundo pero okay lang. Minsan nga ako na yung huling nakakaalam ng mga bagay tungkol sayo e. Grabe o. Tagal ko na kasi kinikimkim hahaha. E wala naman akong matinong kaibigan na pwede pagdramahan kaya bahala na, dito nalang. Ayoko i email, masyadong wala lang. Haha. Basta nagselos ako, nasaktan, nagtampo, pero mahal na mahal kita. Bestfriend and seatmate forever. Salamat sa sobrang pagintindi sakin. Kahit alam mong hindi ako mabuting tao kahit hindi mo sinasabi sakin, alam kong alam mo. Pero mahal na mahal kita. Yun lang. I love you.

“What you don’t know won’t hurt you”

Agree? Disagree? Ako, undecided. Lol. Ewan ko, kayo ba ano? Kasi parang diba kapag hindi mo alam ang isang bagay na makakasama sayo or makakasakit sayo, edi okay na naman talaga na hindi mo malaman diba?

Yun nga lang kapag alam mong may something ka na alam nila na ayaw nila sabihin sayo kasi masasaktan ka lang, masakit pa din. Gets nyo yung gusto kong sabihin?

Sa kabilang banda, may mga nagsasabing mas okay na daw yung alam nila ang isang bagay kesa naman nagmumukhang tanga.

Ang tanong, ano bang mas okay sayo? Magmukhang tanga pero hindi ka nasasaktan or alam mo lahat pero para ka nang pinatay sa sobrang sakit? Mahirap diba?

Siguro minsan sasabihinb mo sa jowa mo “Sabihin mo na agad kung may problema para hindi ako nahihirapan” E duh, kapag sinabi niya kaya sayo na may gusto na siyang iba, magiging masaya ka ba? Hindi ka ba mahihirapan? Same as kapag sinabi niya sayo na may iba na siya pwede mo namang sabihing “Sana hindi mo nalang sinabi ang sakit sakit e” Labo no?

Saan kaya pwede lumugar? Parang lahat talaga ng movement ng bawat tao ay mapupunta sa sakit lang. Saklap e no? Kahit gano ka kasaya, kahit feeling mo ang saya saya mo na, at the end of the day talaga at maiisip mo lahat mapapa “Putangina” ka nalang kasi talaga diba?

E sa ganun daw talaga ang life diba? Parang bato, it’s hard.

Siguro ganun nga lang talaga. Hindi pwedeng laging masaya. Pero dear life, pwede bang hindi naman laging malungkot? Ka depress e.

Travelogue--Divisoria

Where can you find good stuffs for a cheap price? But when I say ‘good stuffs’ I’m not saying that all are working because along with low price comes low quality. Where can you say “I want to go there” but when you’re already there you’ll say “Let’s leave this place”? Nowhere else (for me) but in the ultimate one-stop-shop—Divisoria.

But even if there are many people who want to go to Divisoria (others called Divi/DV) some still are not aware of how to go to the place and where exactly it is located. Divi can be found in the not so good, not so bad town of Tondo which can be found in Manila.

Divi is the place to be when you’re in a ‘I want to go shopping but I don’t have money’ mode; when it’s almost Christmas time and you have many friends and relatives and so, you feel obliged to give gifts because “It’s better to give than to receive”; when your mother gave you money to buy nice clothes at a mall but instead of buying something, you’ve done partying and gimmicking and of course your mother expects you to have new clothes so you will buy nice clothes for a cheaper price.

Other people I know buy stuffs in Divi and then when they got home, the stuffs they have bought are not working anymore. Like wrist watch, pens, etc. Even though the price is right, the quality of the stuff is absolutely wrong. So maybe one could say: “Don’t judge a thing by its price”

I personally always get irritated when I go to Divi. Yes, shopping for lower price is fun but who would have fun when the crowd there seems to not have learned to say “Excuse.” They just walk straight and they don’t care if they are hurting somebody. So tendency is, when I get hit, I hit someone also. Take note of the golden rule: “Do not do unto others what you don’t want others to do unto you” I know I’m wrong but I’m hurt, you know.

Anyway, when you’re at Divisoria at a peak shopping time like before Christmas, you can define what the real meaning of ‘crowded’ is. It’s as if the people there can risk their lives in that crowd just to buy things for their loved ones. Or may be, it’s as if they can risk their lives in that crowd because the things there are cheap and that they have so many loved ones.

There are also many malls at Divisoria like 168, Tutuban Mall, 999 and other number mall. And when you get in to the mall you can see many Koreans, Chinese or whatever their nationality is. Its like the owners of stalls at the mall are mostly foreign and that their staffs are Filipinas. As ironic as it seems, we are in the Philippines but the ‘boss’ at the stalls were foreign and Filipinos are serving for them. Irony at its best.

One thing I can’t understand about that place is that it is called “China town” I really can’t understand why. And I don’t want to know why. So if you want to know why, Google it.

Point is, Divisoria is a good place to be to shop at a cheaper price but one should also know that not all things you buy there are worth the price, the heat, your stress, your energy, your sweat, your effort and everything. But sometimes, there is really that thing called “luck”. So, if you’ll go there, good luck.

On being martyr

Minsan hindi talaga sapat yung mahal mo siya. Yung lahat ibibigay mo sa kanya, lahat ng pagmamahal mo, katawan mo, pera mo, materyal na bagay, lahat lahat ng gusto niya. Minsan kasi hindi talaga. Hindi lahat ng tao ay mamahalin ka dahil mahal mo siya.

Alam mo nang ginagamit ka, papaka tanga ka pa. May jowa na nga yung tao, text pa din kayo ng text. Oo nga at siya ang unang nagtetext. Oo nga at siya ang nagyayaya lumabas. E pumapayag ka naman. Kahit alam mong may jowa siya. Kaloka. Tapos magrereklamo ka. Sasabihin mong "Sobrang pathetic ko na" Aba naman, proud ka pa ba?

Hindi naman masama magmahal e. Pero know your limits. Hindi naman kasi sa lahat ng oras uubra yung line ni Kim Chiu na "Tanga na kung tanga pero mahal kita" Yes, very touching. Pero kung hindi ka talaga mahal ng mahal mo at alam mong ginagamit ka lang, at alam mong nagpapakamartir ka na, Back off na.

Tapos sasabihin mong hindi mo alam ang gagawin mo? Na hindi mo kaya umiwas dahil "Mahal na mahal ko siya e" E hindi ka nga mahal e! Anong gagawin natin? Papaka tanga ka hanggang mahalin ka? E pano kung di ka talaga mamahalin niyan?

Hindi totoong kapag pinatunayan mo kung gano mo sya kamahal, mamahalin ka din niya. Minsan kahit naibigay mo na lahat, balak mo pa ibigay ang kulang, walang effect yan. Lalo na kung may iba siyang mahal.

Tapos kinokontak ka lang niya kapag warla sila ng jowa niya? At ang malala niyan, ine entertain mo pa. Anong nangyari? Tapos sa huli ikaw ang magrereklamo, ikaw ang iiyak gabi gabi? Ikaw ang iinom ng iinom dahil problemado ka? Wow.

Ang mga ganung tao, yung mga manggagamit, dapat iniiwasan yan. Dapat hindi pinagaaksayahan ng panahon. Kahit pa sinabihan ka niya ng 'I love you' pero alam mong mahal niya yung jowa niya, wag kang umasa. Tandaan na hindi lahat ng 'I love you' totoo. So ano yun? Mahal ka niya kapag single siya? Ay puta foul.

Anong gagawin mo? Diba iiwas? "E mahal ko nga e, hindi ko kaya" Yang rason na yan, hindi rin totoo minsan e. Nasanay ka lang siguro na nandyan siya, na sweet siya sayo. Ang tanong: Hindi ba siya sweet sa jow niya? Malamang lamang mas sweet siya dun. Diba?

The fact na may jowa siya at tinetext ka pa at niyaya ka lumabas at ikaw ang magbabayad lahat, you SHOULD KNOW. Ginagamit ka lang. Wag kang maging proud na rebound ka lang. Puta maraming pamalit diyan. Wag na wag mong sasabihing "Wala na akong makikitang katulad niya" Duh, alangan namang katulad pa niya ang hanapin mo diba? Edi sinaktan ka ulit? Pinerahan ka ulit? Pinaasa ka ulit? Ginamit ka lang ulit?

Main point is: Wag magpaka tanga. Marami pa diyang iba na mas makaka appreciate sayo. Na mas worth ng oras mo, ng pera mo, ng katawan mo, ng buong pagmamahal mo. Kailangang tandaan na dapat mas mahal mo ang sarili mo kesa sa iba. Kasi kung mas mahal mo sila at hindi mo sila kayang mawala, talong talo ka.

Dear all,

Hindi talaga sa lahat ng oras nandyan yung mga "kaibigan" mo. Yung akala mo mga kaibigan na nireregaluhan mo pa kapag christmas, ka laughtripan always, at kung ano ano pa. Akala mo tight na kayo e.

Ang saklap kapag nagsimula na ang iwasan, nagkagap na. At eto na ang iwanan sa ere. Akala ko kahit konting pakialam may ibibigay sila. This does not pertains to all my "friends" alam kong may ibang totoo pero madaming hindi.

You should not act in front of a person like nothing happened when you know for a fact that you're talking shits behind that person's back. You should atleast spill that shits up front hindi yung putanginang mambabackstab kayo then plastikan ever kapag kaharap na.

Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa iba. Napaka kupal ng mga hayop.

Nakakapagod isipin. Ang sakit lang.
Karma nalang bahala sa inyo. Puta.

I'll be my own savior

Share. Nalasing ako nung June6. Tapos eksakto pagkahiga ko sa kama, nagtext si ex ko na “feeling” ko ay mahal ko pa din. Iniwan niya kasi ako e. Nung Dec 26, 2009. Tapos mula noon, wala nang seryosong relasyon ang naganap.

Mula nung iniwan niya ko via facebook messages sa kadahilanang kailangan muna namin ng space samantalang lahat ng pagintindi naibigay ko na at sa “kung tayo tayo talaga” putanginang rason yan, hindi ko pa nasasabi ang aking mga hinanakit mula non.

Naguusap na kami, nagkakatext. Nagsorry na siya. Sinabi kong “okay lang yun, tagal na nun e” kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako okay, na ang sakit sakit ng ginawa niya.

Kaya nung June 6. Sa sobrang parang kaya ko na gawin lahat, sinabi ko lahat lahat ng hinanakit ko. As in isang bagsakan. Feeling ko hinayang na hinayang siya dahil sobrang minahal ko siya at binalewala niya lahat. Sorry siya ng sorry hanggang nakatulugan ko na.

Kinabukasan, liligawan daw niya ulit ako. Wow diba? Sana pala ang tagal ko na ginawa yun para matagal na niya ako niligawan ulit. Pero syempre alam kong hindi niya ako mahal. Sabi ko sa kanya na wag niya na akong ligawan kung naaawa or nakukunsensya lang siya. Sabi niya hindi. Naisip lang daw niya. Mas okay naman sakin yung sabihin niyang “Naisip ko lang” kesa sabihin niyang “Mahal kasi kita” Lol at those na gustong gusto marinig na mahal sila ng tao.

Ako, kapag hindi ko maramdaman, ayokong naririnig. Halimbawang alam ko namang hindi mo ako mahal at sasabihin mong mahal mo ko, ay, jirits na jirits ako.

Ngayon, kinikilig talaga ako dahil iniisip niyang ligawan ulit ako. Pero this time siguro, i’ll be smarter. ‘I’ll be my own savior’ hindi na muna ako agad agad bibigay kahit gwapo ang guy! Kahit mahal ko pa ata padin siya. Kahit crush na crush ko siya. Pipigilan ko sarili ko para na rin sa sarili ko.

This time, I’ll be braver.

Lahat ng sobra, masama

Boys, don't care too much. At the same time, don't act like you don't give a fuck. Ika nga, lahat ng sobra, masama. Kapag sobrang you care, nakakasakal. Kapag naman sobrang you don't care, nakakairita.

Sa isang relasyon, dapat sakto lang. Ang iba kasi sa babae, gusto yung hindi sila pinapakealaman. Tapos kapag hindi mo naman pinakealaman, sasabihin nila na "Wala ka namang pakialam sa akin e" tapos kapag masyado mo naman sinubaybayan "Nakakasakal ka naman e"

So dapat ang mga lalake, katulad ng nakagawian, in between. So babae talaga yata dapat ang nakabuka. Isipin nyo nalang na ganun. Dapat lagi kayong nasa gitna. Dumepende kayo sa mood ng babae. Para balanse.

Kasi ang babae, katulad na nga ng sinasabi niyo "Ang gulo gulo ng isip nila" sobrang gulo. Kaya dapat sa mga lalake para tumagal ang relasyon dapat matutong bumalanse.

Parang yung kapag may regla si girlie, matuto kang wag mambadtrip. Kapag masaya si girlie matuto kang wag manira ng mood.

Pero yun nga lang, ang lagay e siya na lang lagi ang iniintindi? Ganito nalang, kapag sumosobra na ang chix, edi dun mo kausapin. Sabihin mo na ginawa mo na lahat para I please sya at hindi mo na alam kung san lulugar. Ayun, mag explain ka. Matatauhan din yan.

Para sa ikatatagal ng relasyon, kailangan ang komunikasyon. Usap lagi. Walang patutunguhan ang paramdaman, ang iwasan, ang parinigan.

Sa pagiging matumal

Una, nagsasawa na ako sa kaka blog ng kainisan ko sa mga tao, sa panglalait sa mga kalait lait na tao, sa pambabara sa mga kabara bara na tao, sa pang o okray sa mga dapat okrayin.

Nag blog ako nga tahimik, ito ngang blog na ito. Na hindi masyado na uupdate dahil...

Pangalawa, naranasan ko nang maging busy sa totoong mundo ko. Maging chismosa at pakialamera alang alang sa storya na ginagawa ko. Totoo ngang walang reporter ang hindi marunong magtanong. And now I say I'm a chismosa slash pakialamera in the making. Lol.

Numbers one and two are just some of my realizations na 'ay, ang tanda ko na'. Oh my gosh guys tumatanda na ako. I seldom drink na nga e. Madalas napapa araw araw pa din pero nililimita ko na ang sarili ko. Dahil naiisip ko "May pasok pa ako bukas e"

Imagine? Me being like that. Na a amaze din ako ha. Diko carry ang mga pangyayari! Haha.

Tapos yung tamad na tamad ka na pumasok dahil pagod na pagod ka na pumasok pero maiisip ko na hindi pwede umabsent dahil sayang ang news, kailangang gawin.

Basically ang nangyari, naiwan ko ang pagsusulat dito para sa pagsusulat sa 'real thing' and it leads me to a very very good "insert right word here'. :)

I, Today, already have 11 published articles on The Manila Times. Ang saya ko lang. Sobrang proud ko sa kasipagan ko pumasok at magsulat ng articles kahit wala namang sweldo. Fun!

Gusto ko ang trabahong ito, gusto ko ang bawat segundong binubuhos ko sa pagsusulat, bawat yosi sa pagiisip, bawat kape sa pagpupuyat, bawat konting pagaangas, bawat medyo pagkamayabang.

P.S Hello followers, sorry at di masyado na a update ha? Love, me.