Confession

Gusto kong magpalit nang magulang.

Alam kong ang swerte ko dahil may magulang ako. Alam kong ang swerte ko dahil pinalaki nila ako, pinag aral, inaruga at kung ano ano pa. Alam kong sa pagsabi kong ayaw ko sa mga magulang ko ay maraming mamumuhi sa akin.

Pero kung sila ba naman ang nasa pwesto ko.

Disinwebe anyos na ako pero kapag lumalabas ako at hindi nagpapaalam, kung murahin ako nang tatay ko kala mo hindi ako anak. Nung kinse ako, may nakita lang na text sa phone ko, binangasan ako. (Namula ang mata ko, may namuong dugo). Dose ako nung may mga nakitang quotes sa phone ko. (QUOTES! For fucks sake) Tapos dinelete lahat nang contacts ko dahil ang landi landi ko daw. Disinwebe na ako pero kapag hindi ako magtetext kung nakauwi na ako, kung maka pag utos kala mo may katulog sila. Uuwi ako nang bahay para magpahinga mula sa mahabang week sa manila, kapag nakahiga lang ako buong araw, galit na galit. Umuwi lang daw ako nang bahay para matulog. (ANONG GUSTO MO? MAGKWENTUHAN TAYO??)

Hindi man dapat, pero nasasakal ako! Ayoko nang ganito. Sana alam nyong ayoko nang buhay ko na ibinigay nyo. Sana alam nyong hindi ko hiniling na masakal nang ganito. Alam kong gusto nyo lang yung ikabubuti ko. Pero sana alam nyo na ayoko nito. Nakakasakal. Mahal ko kayo pero kailangan ko nang pagiintindi nyo. Kailangan ko nang lugar, nang espasyo para sa sarili ko. Para sarili ko naman yung iniisip ko, hindi kayo. Para makapag saya naman ako kahit minsan na walang iniisip na magulang na magagalit sakin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Nakakalungkot na humantong tayo sa ganito.

No comments:

Post a Comment