Sa sampung kaibigan mo ilan yung totoo? Ilan yung hindi ka sinasabihan nang masama kapag nakatalikod ka? Ilan yung walang intensyong kahit ano sayo? Ilan yung ang totoong pagkakaibigan lang ang hanap? Meron ba? Talaga? Weh?
Ilan yung sasabihing “Okay lang yun” kapag nagkamali ka tapos ayos lang talaga? Yung iba kasi sasabihing okay lang tapos ang mukha nila ay gusot na gusto na.
Yung ibang kaibigan mo, kapag wala ka na nung kailangan nila, ine etsapwera ka na. Yung mga mag te text lang sayo kapag may kailangan lang sila. Ang mga putangina. Maseswerte sila a.
Yung iba kinaibigan ka lang dahil kilala mo yung type nila. Yung iba kinakaibigan ka lang dahil sikat ka at kapag kaibigan ka nila, sisikat din sila. Ang putanginang user. Hindi pa namatay.
Yung iba namimili nang kaibigan. Gusto gwapo. Gusto maganda. Ano ito pageant?
Ang dami kong issues tungkol sa mga kaibigan ko. Actually, kaunti lang ang totoo. Yung iba tinetext lang ako dahil laging mangungutang. Tapos nung napa utang ko, hindi na ako kinontakt.. Kaibigan ko sya nang 13 years tapos uutang at hindi babayaran at mag tatago? So kailangang iwanan ang pagkakaibigan namin dahil umutang sya? Nakakaloka. Sya na nga ata ang pinaka matagal kong kaibigan e. Tapos ganon.
Yung iba hindi tanggap ang bisyo ko. Hindi tanggap na umiinom ako at nagyoyosi ako. Kaya kapag kasama ko sila sa school, ibang ibang tao ako. Sobrang iba. Na dadaan kami sa mausok na lugar tapos halos lahat sila magrereklamo “Ang baho naman. Nakakainis naman yung mga nagyoyosi” At tapos ako, tahimik lang. Alangan namang umayon ako na nakakainis ako? Nakakainis kasi pakiramdam ko, kapag sinabi ko yung mga ginagawa kong yan, aayawan na nila ako. Ayoko mag take nang risk at mawalan ako nang kasama. E sino bang gustong mawalan nang kasama. Meron ba? Ayaw ko e.
Meron namang mga kaibigan mo lang sa kasiyahan. Na kapag nagkalokohan na, iwanan na. Na kapag may inuman, ang saya saya nyo. Puta tagay pa. Todo todo walang preno. Tapos pag uwian na, at ikaw, walang mapuntahan, sila kanya kanyang uwi na. Iisipin mo, “Pano ko uy.” Tapos sasabihin nila.“Kailangan ko na umuwi e.” Alam kong hindi nila responsibilidad ang titirahan ko pero putangina damay damay naman o! Hindi yung hanggang saya lang. Nakaka demonyo e.
Mahirap magkaron nang kaibigan na nandyan para sa iyong ~bangag times~ and ~hulas times~. Mahirap magkaroon nang perfect na kaibigan. Sa aking part, iba ang kasama ko sa bangagan, iba ang kasama ko sa eskwelahan, iba ang kasama ko sa pag chill lang. Nakakatuwa kapag merong Friend all in one. Kaso ang imposible yata. Ang swerte nung mga meron.
No comments:
Post a Comment