Confession

Litong lito na ako sa ako ngayon. Ang dami ko nang gustong gawin. Gusto ko na magbago ng tuluyan pero ayokong mawala yung mga taong nasa buhay ko. Hindi ako masaya sa kanila pero ayoko pa din sila mawala dahil hindi ko alam basta ayoko silang mawala sa buhay ko. Mahal ko sila e. Gusto ko na magbago ng tuluyan pero hindi ko kaya.

Gusto ko na magsisi sa lahat ng kasalanang nagawa ko pero at the same time, gusto ko namang mas gumawa pa ng kasalanan. Wala akong kasing labo diba? Ayoko na sa mga tao. Para bang naiinis ako magkakaibigan dahil pinapakealaman nila ako. At the same time naman na gusto ko ng maraming kaibigan dahil ang lungkot magisa.

Gusto ko yung buhay ko na wala akong iniisip, nagmumura, nagsisinungaling, nananakit, hindi nagmamahal, nanlalait, nagiinom, nagyoyosi, nagaadik. Kasabay nito ay gusto kong mapalapit sa dyos. Gusto kong magbago.

Imposible diba? Gusto ko lahat. At gusto ko ng kasalungat ng lahat ng gusto ko. Ang tanong, ano nga bang daan ang tatahakin ko? Yung daan ng kaligtasan ko o yung papuntang impyerno? Syempre gusto ko yung ikakaligtas ko pero mas masaya at mas ako dun sa kabila. Pwede bang pareho? Pwede bang maging masaya na nasa tama padin akong daan?

Sobrang ligaw na ligaw na ako ng landas na tinatahak. Not to over say this but yes, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

No comments:

Post a Comment