Nangungulila.

Kung masaya ka sa estado nang pagibig mo, hindi para sayo to. Pero kung gusto mo basahin, bahala ka. Kung ayaw mo, bahala ka din. Bahala ka na sa buhay mo haha.

Kelan ka ba huling nagmahal? Kelan ka ba huling nagmahal nang totoo? Yung may maghahatid sayo tuwing may pagkakataon, yung may susundo sayo kapag napagplanuhan o kahit hindi, yung gusto mo pa lang sumandal ay papasandalin ka na, yung gusto mong mag diet pero papakainin ka nang papakainin, yung pupunasan yung pawis mo gamit ang panyo nya, yung ka halikan mo sa inuman, yung pagbabawalan kang mag yosi pero sya nagyoyosi din, yung dahilan nang pag load mo araw araw, yung dahilan nanang pagkapuyat mo gabi gabi, yung dahilan nang pagsisinungaling mo sa magulang mo, yung magaaway kayo nang mag aaway pero magbabati din kayo, yung laging nagtatanong kung nasan ka na, yung daig pa magulang mo. Kelan ba yung huling pagkakataong may nag I love you sayo?

Narealize mo ba ngayon kung gaano ka ka single at kung gaanong inggit na inggit ka na sa mga taken? Oo, kinakausap ko po ang sarili ko. Haha. Nakakaawa ako diba? Kanina sa jeep may katabi, sa isang side ko, mag asawa, magkaakbay, sa isang side ko naman, mag boyfriend, wagas makapag PDA. Ang sakit. Parang niloloko ako nang pangyayari. Haha. Grabe wagas ang awa ko sa pagiging single ko.

Oo masarap maging single. Oo at walang tatalo sa pagiging malaya at walang iniisip na boyfriend. Pero may tatalo ba na sa pagiging masaya mo mag isa, may dadamay sayo? Kelan ba mas naging masaya ang pagiisa? Minsan kailangan nating mag isa. Totoo. Pero nakakamatay yung walang kasama habang buhay. Ibig sabihin, mahirap maging single habang buhay.

At ngayon, ako ay nasa puntong gustong gusto ko na ma inlove. Gusto kong may ka holding hands habang naglalakad. Gusto kong mawalan ako nang time sa tumblr dahil may boylet na ako. Gusto kong mainspire sa pag aaral dahil sa lalake. Gusto kong may nilalandi sa inuman. Gusto kong may pumigil saking mag yosi pero nagyoyosi sya kaya mag aaway kami tapos kinabukasan, mag so sorry ako. Gusto kong tumakas sa magulang ko para makipagkita sa kanya. Gusto kong magmahal.

Ang tagal nang blanko nang puso ko. Literal na blanko. Na halos wala nang nararamdaman. May mga dumadating naman pero kapag hindi ko tipo, hindi talaga. Hindi naman sa choosy akong tao, gusto ko lang talaga ay yung ikatitibok nang puso ko. Hindi yung kapag may lumapit ay grab agad.

Okay lang sakin yung kakakilala ko lang. E ano naman? Wala naman sa tagal yan e. Hindi naman time ang sukatan e. Kung kelan titibok, go na! Yun na yun! Ang problema, hindi na yata titibok itong akin. Hindi ko alam kung anong nangyari…

Hindi ko alam kung kelan ang huling pagkakataong “totoong” kinilig ako. Hindi ko tanda yung kung kelan “totoong” nasaktan ako. Ang daming pagpapanggap na nangyari sa buhay ko… diko na alam kung anong totoo.

Tumatanda na ako… mag isa.

No comments:

Post a Comment