Unang una, virgin ako. At nakaka proud. Hehe.
Parang kahapon ka chat ko yung ka grupo ko. Sabi ko “Tangina kayo kasama ko? Ako lang ang genuine na virgin o.” Tapos sabi nya “Virgin ka lang sa katawan te. Laspag na utak mo.” See the difference guys? May mga ganon talaga. Yung ang lalaswa nang mga sinasabi, yung ang daming alam pero sila pa yung walang nararanasan. Oo meron. Ako yun e.
May mga virgin na sobrang walang alam. Yung may marinig lang na puke tite o kahit ano mang bastos na word, bigla nalang silang tatahimik at tila ba nagagahasa ang pagkatao.
May mga virgin na sobrang daming alam. Mas madami pang alam sa nakaranas na, lumalabas na tuloy silang kaladkarin pero alam nila sa sarili nila na walang pang nagagawa sa kanila.
May mga virgin na sinasabing hindi na sila virgin kahit virgin pa talaga sila para lang maging cool. May ganun talaga e. Depende sa mga kaibigan mo. Kung lahat nang kaibigan mo ay hindi na virgin at ikaw virgin pa, ay kawawa diba. Kaya sasabihin mo nalang na hindi ka na virgin dahil sa peer pressure.
Meron namang mga nagpapa virgin. Sasabihing virgin ka pa kahit hindi na. Depende sa taong kasama. Halimbawa yung boyfriend nya ay virgin pa. Nakakahiya naman daw sabihing hindi na sya virgin kaya kunware virgin nalang sya.
Sabi nila kapag nag sex daw, malalaman daw kung virgin o hindi yung babae. Pero sabi nang prof ko dati, hindi naman daw ganun yun e. Pwede naman daw hindi dumugo yung chorva nang babae e. Pwede din naman daw hindi masakit ang unang pasok e. Nasa tamang gawa daw yun at nasa kahabaan at kasarapan nang foreplay. So kung ang babae ay medyo maalam sa buhay, kaya nya talagang i fake ang pag ka virgin nya. Katulad nang pag ka fake nila sa orgasm. Yes, mapanlinlang ang mga babae pows.
Bakit nga ba iniingatan ang virginity? Well hindi naman lahat iniingatan ang virginity. Sa mga babae mahalaga yun. Sa mga lalake ba? Hindi ko alam e. So dun tayo sa part nang mga babae.
Sa amin, napaka halaga nito. Kahit pa dun sa mga laspag na at parang wala nang halaga ang sex, ang una nila ay siguradong pinapahalagahan nila o siguradong tanda pa din nila.
Syempre alangan namang kalimutan mo yung unang una mong pinag alayan nang sarili mo. Hindi naman basta basta bumubuka ang mga babae e. Mahirap para sa kanila yun. Nakakaiyak kaya. Mas nakakaiyak pa kapag yung boyfriend nya, gustong makipag sex sa kanya tapos kapag tinanggihan nang babae, sasabihin nang lalake “Ano ba. Hindi mo naman yata ako mahal e” Tapos sasabihin nang babae. “Hindi naman dun nasusukat yun e” (with matching cry cry) Tapos mag wo walk out ang lalake tapos mag so sorry. Kasabay nang pag intindi nya sayo ay ang pagbabago nang pagtingin nya sayo at paghanap nang ibang kepyas.
Kung gano kaimportante sa babae i preserve ang virginity, ganon din ka importante sa lalake makuha ang virginity. Nakakaloka. Mga lalake talaga. (Not being bias here, babae lang talaga ako. Wag nyoko aawayin)
Tama yan, lalaki ako pero I understand naman lahat ng yan, d nyu dapat bigay ang sarili nyu sa taong di nyu siigurado na mamahalin kayu!
ReplyDelete