Una, noong narinig ko ito, ang ganda daw. Kaso inisip ko wala akong gustong basahing tagalog kung hindi si Bob Ong lang. Pero dahil parami na nang parami ang bumabasa nito, pumunta ako sa National Bookstore. Nakita ko ang libro. Binasa ko ang harapan.
Para kay B (O kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
Natuwa ako kasi parang hindi magandang ending ang kahahantungan. Ako kasi, kapag nagsusulat ako nang kahit ano, ayoko nang magandang ending. Dun ako sa realidad. May namamatay, hindi sila nagkakatuluyan, may kabit, mag hihiwalay. Ayaw ko kasi nang mga and they live happily ever after. Nakakaloko kasi e. Masyadong imbentong imbento. Masyadong pang libro. Tapos binasa ko yung likod nang libro.
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?
Ito ang nagtulak sa akin para bilhin ang libro na ito. Likod at harap palang, akong ako na. Gusto ko kasi nang mga kwentong makatotohanan. Ayoko nang mga sweet endings tapos papaniwalaan kong ganon talaga ang nangyayari sa totoong buhay. Alam naman nating hindi e. Alam naman nating nililinlang lang tayo nang ibang writers e. Kaya ayaw ko nang mga ganun e. Nakaka gago lang.
Sa pag basa ko nang libro, namangha ako sa pag ikot nang storya. Bawat detalye nang storya ay sadyang pinag isipan. Nakaka kilabot. Nakaka amaze. Sobrang angat nang tingin ko sa sumulat.
Gusto ko yung hindi pa tapos na ending. Yung wala pang revision sa ending na nagaganap. Mas makatotohanan kasi e. Yung mga pangyayari, lahat.
Pero oo nga nama’t kwento lang yun at may karapatang gumanda din ang ending nang mga characters. Pero ako kasi hindi ako naniniwala sa happy endings e. Hindi ako naniniwalang may magkakatuluyan na happy talaga. Siguro meron. At ako din may teorya, sigiro 1 out of 10 lang yun.
Alam ko na to pero dapat matutunan nang ibang tao. Na iba ang mga nasa libro at TV sa totoong nangyayari. Sa TV, alam mong maiiyak ang bida at iiyak nga sya. Sa libro, pwedeng pwedeng ibahin nang manunulat ang ginagawa nang isang tao, pwede nyang palitan lahat dito. Pero sa personal, kapag nagawa mo na, yun na yun. No revisions. No erasures. No predictions. Wala kang ibang magagawa kundi mabuhay sa buhay mo.
Mas magandang nasasanay tayong wag paniwalaan ang mga happy endings. Para kapag nasaktan tayo, neutral nalang. Ganito ang pinapaniwalaan ko. Kaya siguro manhid na ako.
Basta sa librong to, ang dami kong na realize.
Pero gayunpaman, hinihiling ko na sa limang nagmamahal, kung sakali, ako yung isang magiging maligaya. Ang tagal ko na naghihintay e. Sana may dumating pa.
No comments:
Post a Comment