Ang nanay ko, 17 yata o 16 nung nabuntis. Maaga nabuntis. Tapos yung sinundan kong pinsan, 17 nabuntis. Bale sa cycle, ako na ang sunod. Kala nila maaga din ako mabubuntis. Pero 19 na ako at wala pa din. Proud na proud ako sa sarili ko. Kasi wala silang tiwala sakin e. Lahat sila.
Dati nga nung mag ka college palang ako. Sabi nung tita ko “Saan ka magaaral?” Sabi ko “Sa UST po” . Tapos bigla nya kinausap ang mama sabi nya “Bakit sa maynila?” sabi ko “Hindi naman ako magpapabuntis gaya nang anak mo at nang mama e”. Sabay walk out.
Ang hirap nang buhay ko noon. Yung sobrang wala silang tiwala sakin. Hindi ako pinapalabas hanggat walang valid reason. Hindi ako pinapayagan sa gala. Hindi ako pwede sa swimming. Hindi pwede sa lahat. Kaya lumaki akong hindi na nagpapa alam. Lahat nang kilos ko, hindi na nila alam.
Lahat nang ako ngayon, resulta nang mga ginawa nila noon. Nag o overnight ako nang hindi nila alam. Lahat nang kasinungalingan nagawa ko na. Nakapag yosi na ako nang hindi nila alam. Nagiinom ako nang hindi nila alam. Nag ka cut classes ako nang hindi nila alam. Ang dami nilang hindi alam sa kin.
Kami nang tatay ko, naguusap lang kapag pinapagalitan nya ako. Wala na yung nasabing matino sakin e. Tuwing nadating ako sa bahay, nag be bless ako. Yun lang yata ang palatandaan na ama ko pa sya e. Sobrang hindi ako close sa pamilya ko.
Sobrang layo nang loob ko sa kanila. Siguro dahil na din hindi ako sa kanila lumaki. Dahil nga kasi bata pa ang nanay ko nung pinanganak ako, hinabilin nya muna ako sa kapatid nya hanggang maka graduate sya. Kinuha nya ako nung grade1 na ako. Ang saklap. Tapos hindi ako masaya sa kanila. Laging gusto ko dun sa bahay nang kapatid nya matulog. Sa mommy.
Mommy at daddy na ang tawag ko sa kinalakihan kong pamilya. Mama at papa naman sa totoo kong pamilya. Mas pamilya ko pang matatawag ang mommy at daddy. Masasabe ko to at sure ako na mas mahal ko sila.
Noong bata ako, gusto ko lagi dun matulog sa bahay nang mami at dadi tapos nagalit ang papa sabi nya “E kung dun ka na tumira o dalhin mo na lahat nang gamit mo”. Parang tanga di ba? Anong magagawa ko? Dun kaya nila ako pinalaki. E putangina kung hindi ba nila ako inanak nang maaga e. Nakakainis. Sana inisip nila na sila ang responsable sa lahat nang ito. Lahat nang ito babalek at babalek sa paglandi nila nang maaga!
Dati din, binilhan ako nang phone nang mami at dadi tapos sinira nang papa nung nakita nya. Pabili daw ako nang pabili nang kung ano ano. Hindi ko malaman kung inggitero o ano. E kasalanan naman talaga nila e. Kasalanan nila lahat!
Ngayon, masasabi kong ang dami ko nang nadaanan, naisip ko na halos lahat nang gustuhin ko nakukuha ko. Maayos na tirahan. Kumpletong pamilya. Nasa uso na cellphone. Mga gusto kong gadgets. Mataas na allowance. Lahat halos nang materyal na bagay. Pero wala ako nang kasiyahan. Hindi ako masaya.
Gusto kong maging malaya. Mag decide para sa sarili ko, gawin yung gusto kong gawin, umuwi kung kelan ko gusto. O kaya kahit konting pagintindi at tiwala sa magulang ko. Gusto ko nang pagintindi. Kailangan ko. Dapat sa lahat lahat nang tao, magulang ko dapat ang nakakaintindi sakin diba? Ano na? Ano nang nangyare?
Oo nga at baka concern lang sila sa akin at gusto lang nila ang mga bagay na nararapat sa akin. Pero may mga pangangailangan ako! Isa na sa mga kailangan ko ang pagintindi nila. Intindihin naman sana nila ako. Na may pangangailangan din ako. Kailangan nang kaunting tiwala at pagiintindi.
No comments:
Post a Comment