Hindi ko siya nakakausap madalas, nakakausap ko lang siya kapag pinapagalitan niya ako. Para siyang aso, lahat naaamoy.
Yung alam kong hindi na niya ako mahuhuli na hindi ako nauwi sa dorm dahil nasa cavite siya at nasa manila ako pero nahuhuli pa din ang lola mo. Haha.
Para kaming hindi magkakilala kapag wala ang nanay ko at ako ang katabi niya sa kotse. That awkward moment. Super awkward moment. Haha.
Yung hindi ako makapag joke sa harap niya dahil dyahe. Yung kapag nagtext siya na mag smiley, masaya na ako. Yung pag aalis ako ng bahay at nasabihan niya ako ng ingat, ititweet ko na yun. Dahil napaka memorable na.
Yung mga ganung bagay na minsan lang mangyari. Ang sarap sa pakiramdam, masaya.
Yung kapag magkausap sila ng mama at tatanungin niya ang mama kung saan gusto kumain at kapag sinabi na, kokontra nalang siya bigla. At siya padin ang masusunod.
Mga tatay talaga, ang daming reklamo. Yung minsan naiisip mo na sana iba nalang ang tatay mo lalo na kapag pinapalo kapa niya nung bata ka, kapag sinasaktan ka via words or physically.
Yung ang sakit pero wala ka magawa, ama mo yan e.
Baliktarin mo man ang mundo, maging puti man ang uwak, maging 500 years man ang UST, malaos man ang tumblr at twitter, ama mo pa din yan.
Happy fathers day sa lahat ng mga tatay!
No comments:
Post a Comment