Nakakatuwang isipin kung paanong sa isang text niya ng “Claire” ay hindi na ako kinikilig. Nakakatuwang ramdam na ramdam ko na okay na ako at talagang nakalimutan ko na siya. Alam ko namang hindi ako naging bitter sa napaka tagal na panahon na yun pero at least masasabi ko na “Okay na ako”

At kapag tatanungin kung bakit wala akong boyfriend ay hindi ko na maiisip yung “E kasi bitter ako e” Actually oo bitter ako noon. Bakit ba. Mahal ko e? Minahal ko e. Tangina kung ikaw ba naman minahal mo ang isang tao, ginawa mo lahat wag ka lang iwan, pinakita mo na sa lahat ng alam mong way kung gano mo siya kamahal, ikaw pa iniwan, at sasabihing “Hindi nagwowork e” Tangina may smiley pa sa dulo. Masaya ba? Sino bang hindi magiging bitter? Sino?!

Minsan kasi ayaw nating amining bitter tayo sa isang tao dahil maangas tayo e. Sasabihin nating kaya natin sila palitan agad agad. Pero minsan kapag iniisip mong mabuti, maiisip mo nalang na “Bat ba ako bitter? Dahil ba minahal ko siya at masakit or iniwan niya ako at masakit?” Minsan kasi ego nalang natin or yung pride nalang natin ang gumagana e. At hindi na natin nalalaman ang totoong dahilan kung bat tayo nagkakaganun, kung bakit tayo apektado at kung bakit tayo nasasaktan.

Pero kapag masyado mong nilaliman ang pagiisip mo, mapapaisip ka nalang tuloy kung minahal mo ba talaga siya or masyado mo lang siyang gusto noon kaya nasasabi mong sobrang minahal mo siya.

May mga ganun kasi e. Makikilala ka tapos bet na bet ka na tapos kapag halimbawa nagkatext ng ilang araw, “I love you na” “Hindi ko maintindihan pero parang iba nararamdaman ko kapag kausap kita” “Ang saya ko lagi” and all those shits. Tapos kikiligin naman ang uto at sasabihing “Ako din e” Aba kung ganon lang naman pala ang meaning ng totoong love e putangina ang sarap.

E ano nga ba ang love kasi? Pano mo nga naman ba malalaman kung minahal mo ba o hindi ang isang tao? Siguro nandun yun sa kapag kaya mo siyang palayain kapag ayaw na niya sayo, yung kaya mo siyang intindihin kahit unreasonable na siya, yung kapag kakayanin mong pakisamahan siya kahit unbearable na siya pero at the end of the day, maipapaliwanag mo at mapaguusapan niyo ang mga mali sa isa’t isa.

Feeling ko kasi yun yung dapat na foundation ng isang relasyon e, komunikasyon. So magusap. At kung hindi kayang daanin sa magandang usapan, edi maghiwalay na. Asus! At least nagusap pa din. Ganun talaga e. Kung hindi kayo, hindi talaga e. Kung kayo, edi kayo na yan! Kaw na! The best ka e!

No comments:

Post a Comment