Paano hindi umasa 101

  • Kung hindi mo sure na gusto ka ng tao, wag kang eepal. Wag kang papapel.
  • Wag ikaw yung gagawa ng way para magka contact kayo, obvious e. E kalimitan pa naman sa mga tao, ganun talaga. Kapag alam nilang type sila ng tao edi lalandiin na din nila yun.
  • Wag isiping ang pagiging friendly ng tao ay kalandian na. Malay mo friendly talaga siya at wala ka lang talagang masyadong sweet friends.
  • Wag umiwas. Though mas mabuting umiwas pero alam kong mahirap umiwas ata, ayaw ko naman na mahirapan ka so wag ka na umiwas.
  • Wag mong isiping gusto ka niya.
  • Wag mong isiping sa mga simpleng asta niya kapag kasama ka ay may ipinapahiwatig siya.
  • Wag mo bigyan ng meaning lahat ng galaw niya kapag kasama ka.
  • Wag ma una ma-fall.Kapag feeling mo na po fall ka na, pigilan.
  • Wag siya isipin. Pero mahirap yun. So, sige isipin mo nalang.

Alam kong mahirap yung hindi umasa lalo na kung may mga tao talagang unconsciously ay ngpapaasa. E anong magagawa natin kung ganun talaga siya? So ang best tip para hindi umasa ay… wag kang umasa.

No comments:

Post a Comment