On being lost

Syempre nandyan ang mga oras na hindi mo alam kung saan ka pupunta kasi hindi mo alam ang way sa pupuntahan mo or dahil tanga ka lang talaga. Choz. Ang gusto ko lang talaga sabihin, dadating or nasa panahon or nalampasan na natin ang panahon na magigising tayo sa umaga na parang tamad na tamad na tayo sa buhay natin. Yung bang “Hayy, eto na naman” Yun bang paulit ulit ang nangyayari, alam mo yun. Yung parang ayaw mo nalang mabuhay kasi putanginang wala namang bago e.

Siguro dapat nating isiping nasa isang istorya ka lang pero kada page iba iba ang storya. Isipin nalang nating parang book yan. Na ikaw ang nagsusulat ng mga nangyayari sa buhay mo. Diba sa libro naman hindi uubra ang parepareho lahat ng nakasulat sa isang page at sa isa? Not unless, ikaw mismo, yung writer ang magsusulat nun. Na gagawin mong pare pareho ang mga isusulat mo. Na pare pareho lang ang nangyayari sa araw mo.

So imposibleng pare pareho ang nangyayari sa yo. Maybe iniisip mo lang na pareho ang nangyayari araw araw. Mind over matter. Mas naniniwala ka sa naiisip mo at di mo na napapansin yung mga ibang bagay na mas pinagtutuunan dapat ng panahon at atensyon. Siguro dahil ikaw ang nagsusulat ng storya mo, the fact na pare pareho ang nangyayari sa iyo araw araw, kagagawan mo na yun. Wala kang sisisihing iba diba? Buhay mo yan e. Walang ibang makakapagbago ng buhay mo kundi ikaw mismo.

No comments:

Post a Comment