Sa pagiging matumal

Una, nagsasawa na ako sa kaka blog ng kainisan ko sa mga tao, sa panglalait sa mga kalait lait na tao, sa pambabara sa mga kabara bara na tao, sa pang o okray sa mga dapat okrayin.

Nag blog ako nga tahimik, ito ngang blog na ito. Na hindi masyado na uupdate dahil...

Pangalawa, naranasan ko nang maging busy sa totoong mundo ko. Maging chismosa at pakialamera alang alang sa storya na ginagawa ko. Totoo ngang walang reporter ang hindi marunong magtanong. And now I say I'm a chismosa slash pakialamera in the making. Lol.

Numbers one and two are just some of my realizations na 'ay, ang tanda ko na'. Oh my gosh guys tumatanda na ako. I seldom drink na nga e. Madalas napapa araw araw pa din pero nililimita ko na ang sarili ko. Dahil naiisip ko "May pasok pa ako bukas e"

Imagine? Me being like that. Na a amaze din ako ha. Diko carry ang mga pangyayari! Haha.

Tapos yung tamad na tamad ka na pumasok dahil pagod na pagod ka na pumasok pero maiisip ko na hindi pwede umabsent dahil sayang ang news, kailangang gawin.

Basically ang nangyari, naiwan ko ang pagsusulat dito para sa pagsusulat sa 'real thing' and it leads me to a very very good "insert right word here'. :)

I, Today, already have 11 published articles on The Manila Times. Ang saya ko lang. Sobrang proud ko sa kasipagan ko pumasok at magsulat ng articles kahit wala namang sweldo. Fun!

Gusto ko ang trabahong ito, gusto ko ang bawat segundong binubuhos ko sa pagsusulat, bawat yosi sa pagiisip, bawat kape sa pagpupuyat, bawat konting pagaangas, bawat medyo pagkamayabang.

P.S Hello followers, sorry at di masyado na a update ha? Love, me.

1 comment: