Naisip ko bigla yung mga taong tumatandang dalaga, tumatandang binata, yung mga pari at madre. Nakakaloka kung paano sila nabubuhay ng ganun lang.
Ang mga pari at madre, paanong gusto nila mabuhay para lang pagsilbihan ang panginoon? Grabe, di ko keri. Ako kaya ko pagsilbihan si papa God pero kailangan ko pa ng iba sa buhay ko. Ano yung sa kanila, laan sa dyos ang buhay nila? Sobra, diko maimagine. Para tuloy gusto kong maka interview ng madre or pari kaso parang ang awkward.
Yung mga tumatandang binata at dalaga naman, sila yung kalimitang masungit diba dahil wala silang kasama sa buhay, wala silang kasamang tumanda. Hindi naman pwedeng habang buhay e kasama sila ng mga kamag anak nila dahil syempre may sariling buhay naman yung mga yun.
Silang nagiisa sa buhay, nalulungkot kaya sila? Choice kaya nila yun? Choice kaya nila na maging malungkot? Masyado kaya silang nasaktan sa past nila kaya ganun ang naging epekto? Parang ang saklap diba.
Yung iba nga, sa murang edad, kapag walang jowariwariwaps, nangangati agad maghanap ng iba, gigimik na yan para maka istilo, makikipag teksmeyt na yan para kahit papaano maibsnan ang tigang na puso nila.
Ang dami ko ngang kakilalang ginagawang parang panti o brief ang mga jowariwaps e, papalit palit lang. Tapos etong mga nagiisa sa buhay, parang masaya pa sila mag isa.
Kungsabagay, masaya nga naman ang walang jowariwaps, wala kang aasikasuhin, walang itetext kung wer u at na, walang tatawagan, walang kunsumisyon, walang away. Yun nga lang, wala ding lambing, walang yapos sa taglamig, walang init sa taglibog, walang karamay sa oras ng pangangailangan.
Sila kayang mga nagiisa ay masaya kaya or sa gabi, kapag sila nalang talaga sa kwarto nila naiisip kaya nilang "Putangina kelangan ko ng jowa" or masaya kaya silang matutulog magisa at maiisip na "Thankyou lord sa walang ka probleproblemang araw" Ano kaya?
No comments:
Post a Comment