Paano kung may gusto kang tao pero minsan naiisip mo na baka gusto mo lang siya kasi wala nang ibang choice, kasi siya lang yung nandyan. Paano kung gusto mo talaga siya kaso hindi niya abot ang standards mo? Dapat ka bang mag adjust at magbigay ng chance? Dapat bang I try?

Paano naman kapag ini try at binigyan ng chance? Tapos hindi nag work, e pano kapag seryoso siya, edi masasaktan siya. Paano kung alam mo yung feeling ng nasasaktan at ayaw mo manakit ng iba? Madali namang manakit e. Yun nga lang mahirap makarma.

Minsan kasi madali sabihing "Wala namang masama kung ita try mo" madali sabihin, ang hirap gawin kasi iisipin mo pa yung mga consequences ng pag try mo e. Andun kasi yung 90% na makakasakit ka lang ng tao, na makakapagpaasa ka lang kasi nag try ka pa e.

Pero paano kapag ayaw mo siya mawala? Pero hindi mo siya gusto makasama? Mahirap naman lalo yun. Yung parang kelangan mo lang siya kapag no choice ka na. Wi withdraw ng pagtingin kapag wala nanbg may gusto sayo.

Minsan hindi na talaga sapat yung mahal ka e. Dapat mahal mo din e. Para sakin hindi naman talaga kasi uubra ang one way love e. Mahirap na you guys are not on the same page. Na inlove yung isa, tapos yung isa, nag ta try lang. Mahirap yun. At magulo. At sobrang naguguluhan nako ngayon.

No comments:

Post a Comment