So Claire, why is that...?

Bakit kapag may mga taong magbabasa ng blog ko, parang kalimitang reaksyon ay ang dami kong alam sa pagibig? (Ibang usapan na yung isa kong blog ha, if you know what I mean.) Ang gusto kong sabihin dito, hindi mo naman kailangang nararanasan talaga ang isang bagay kung gusto mo isulat yun diba?

Well mas gagaling ka kung madami kang alam sa bagay na yun, kung naranasan mo na, kung nag research ka or kung matagal mo na gusto maranasan ang kung ano man yung sinusulat mo. I guess, katulad ng love, there is also the right time for writing. I'm not saying that there really is 'writer's block' kasi ayokong ginagamit ang term na yun but I do believe that there's really a time for writing.

Mabalik tayo sa pag ba blog ko nang ka kemehan tungkol sa pagibig. Hey guys, opinion ko lahat yun ha. Lahat ng sinusulat ko is coming from my own point of view, kung iba ang point mo, no one cares. I don't care, nakikibasa ka lang e di'ba? Okay good.

Moving on, I write about love (mostly) not because I'm in love. I write about love not because I want love (well actually I do). I write about love because I just feel like writing about it. No shit. Kesa namang pilitin kong mag blog tungkol sa music? Politics? Reaction article? Book review?

Kanya kanyang trip yan diba? Wala nalang basagan.
Ako lang pwede mambasag nang trip dito. Choz.

1 comment: