Tamis

Ang hirap kapag ‘feeling’ mo nilalandi ka ng isang tao tapos ma po fall ka. Tapos ipagtatanong mo sa iba kung kamusta ba siya, kung ano ba yung pagka tao niya. Ang masaklap na sagot na maririnig mo, “e di ba nilandi na niya si ano at si ano”.

Tapos ikaw naman, sa pagiisip na marahil siya ang nilalandi at hindi siya malandi, sasabihin mo na “Baka naman siya ang nilalandi” tapos isa na namang masaklap na sagot amg maririnig mo na “ewan ko, sweet daw kasi siya e”

Hirap naman kapag sweet ang isang tao. Maganda sana yung pagiging sweet kung nasa loob kayo nang isang relasyon o kung may gusto ka sa taong pinaglalaanan ka ng sweetness mo. Pero kung sweet ka para lang kiligin o ma fall ang mga tao sa paligid mo, bad yun. Di ba?

Iisipin nang taong nakakakita nang sweetness mo na nilalandi mo siya. Kapag ayaw mong may ma fall sayo, mag dala ka ng sign na malaki ilagay mo “Sweet ako! Sa lahat ng tao!” Ayun. Hindi ka na talaga ma mi misinterpret nun. Pero kung sweet ka at single kayo pareho. Maaaring iba na ang iniisip nung isa. Di ba?

Marahil yung isa ay tanga at hindi alam ang aspeto ng ‘landian’ at hindi alam ang kahulugan ng ‘fling’. Malay mo ang taong pinapakitaan mo ng sweetness ay mabilis pa lang ma fall dahil minsan lang makaramdam ng kilig dahil siya ay tigang na sa pag-ibig. Malay mo ang taong yun ay tumatanda nang dalaga.

When being sweet, you should take in consideration din yung taong pinagpapakitaan mo ng sweetness mo. Being sweet is fine, cute. But to some, it may appear as flirting. So you don’t know what kind of person you’re dealing with.

Its either that person is nakikisakay sa pagiging sweet mo because that person is like you lang din na sweet sa lahat or that person is nakikisakay kasi that person likes you and that person is hoping that you could change for him/her because that person is thinking that if s/he shows you the same treatment, you will eventually learn to love him/her.

If you like to make landi, fine. Pero wag namang makasarili. Isipin din yung mga posibilidad na nararamdaman o mararamdaman ng taong involve.

No comments:

Post a Comment