- Bakit mo ba ako nilalandi e may gf ka?
- Kung ikaw ang nasa 4 na taong relasyon, malalaman mo ibig ko sabihin.
- Kung sawa ka na, dapat alam mo na gagawin mo.
- Hindi ako sawa.
Wait. Stop right now. Thank you very much. Hindi sawa pero lumalandi sa iba? Hindi sex ang habol kasi hindi tulad ng iba, di ko gawain yun. (ehem) Sabi ng kaibigan ko ganun daw talaga yung mga lalakeng nasa isang matagalang relasyon, naghahanap daw ng iba. Is it just me or wala na talagang matinong lalake ngayon?
- Unfair sa girl friend mo.
- Alam ko. Pero di naman niya malalaman e.
Beeeettccch. Napaka selfish na nga naman talaga ng ibang nilalang ngayon! And so kung hindi malalaman ng “mahal” mo na niloloko mo siya? Why so selfish? Bakit hindi man lang maisip ang mararamdaman niya kung sakaling siya ang nas posisyon nun? Nakakalerqui!
Kapag bakla, magrereklamo tayo kung bakit hindi siya straight. Kapag straight naman, magrereklamo tayo kung bakit sila mahilig mang chicks. Bakit ganito na mga lalake ngayon?
Alam kong mahirap makuntento sa isa at masarap lumandi! Pero hindi ba pwedeng subukan at isipin naman yung mararamdaman ng taong alam mong masasaktan?
No comments:
Post a Comment