Paano kung mag wish nga ako ngayong 111111? E ano naman? Matutupad ba yan kahit hindi ako gumawa ng hakbang para matupad yan? Hindi e. Hindi e. At hindi talaga e. Ano bey.

Humiling kaya ako ng boypren? Magkaka boypren ba ako kung hindi ako maghahanap?

Humiling kaya ako makatapos ng pagaaral? Makakatapos ba ako ng pagaaral kapag hindi ako magaaral?

Hilingin ko kayang maging straight siya? Magiging straight ba siya kung lalake naman talaga gusto niya?

Hilingin ko kayang sana single na lang siya? Magiging single ba siya kung mahal na mahal niya girl friend niya?

Hilingin ko kayang magustuhan ko sana yung nandyan para sakin? Magugustuhan ko ba kung sa isip isip ko e ayaw ko naman talaga?

Hilingin ko kayang maging mabait na anak? Magiging mabuuting anak ba ako kung patuloy ko pa naman din silang sinusuway?

HINDI E. Lahat hindi mangyayari kung wala akong gagawin para maging posible yung mga wish ko. 11-11-11 11:11pm WISH. Isang malaking joke, keme, chos, charot, charing, char, KALOKOHAN! Hindi matutupad yang wish na yan kung wala kang gagawing hakbang para matupad yang mga yan.

Sa huli, ang iyong kapalaran ay wala sa mga bituin, wala sa oras, wala sa araw, wala sa number 11 na paulit ulit! Nasa sayo yan. Kung ano mang gusto mong makuha, kunin mo. Kung ano mang gusto mong mangyari, gawin mo. Although walang masama mangarap, hindi ka pa din matutulungan ng wish mo.

Mag wish ka hangga’t gusto mo. Kahit kelan basta trip mo.

Pero kaakibat ng wish mo, dapat alam mo rin ang aksyong gagawin mo.

No comments:

Post a Comment