May kakilala ako na 5 yrs na sila ng gf niya tapos kung kani kanino siya nakikipag kembelar. Mag a iloveyou pa sa ibang kinekembelar niya. Sabi ko bakit nya sinasabihan ng ganung words kung hindi naman niya mini mean? Sabi naman niya iba daw ang love sa girlfriend. So may love para sa mga kinekembelar? Masaya naman daw sila nung girlfriend niya, makulit sila kapag magkasama and in fairview, maganda yung gf niya. So magtataka ka talaga kung bakit kailangang magloko siya. Pero ayon sa kanya, hindi naman daw sa pagaabang peero masyado daw "obsessed" sa kanya yung babae. Yung tipong dapat bawat friend sa facebook nung lalake, dapat kilala ng babae tapos kapag may hindi kilala mag aaway na sila kasi daw "chix" nya daw yun. Kahit papano, kung titingnan mo maiintindihan mo yung lalake kung ganun naman kahigpit yung babae. So tinanong ko, bat di mo iwan? Mahal niya naman daw kasi kahit ganun. At yun nga, masaya naman daw sila at sweet daw yung babae.
Meron naman ako kakilala na hindi mahiwalan yung syota kasi 6 yrs na daw sila. Nanghihinayang nalang daw siya sa tagal ng pinagsamahan nila. Ang akin naman, hindi kaya naghihintayan lang sila kung sino ang una mangiiwan?
Meron namang nasa matagal na sa relasyon pero kung kani kanino pa nakikipag landian.
Meron namang nasa isang relasyon pero kapag kasama na yung mga ex nya, sasabihin niya single siya at makikipag todo landian.
Marami pa dyan. Sigurado ako, ikaw na nagbabasa nito may kilala ka ding gagong hindi makuntento. Bat kaya sila ganun? Di ba nila naiisip na may mga taong single na walang mahanap tapos sila gusto dala dalawa pa. Ang mga putanginang selfish na to. Pano naman yung iba? Give chance to others kung baga. Pero di ba nga, life is never fair. But that is not a good reason to be unfair. Ang lalaking mga gago e.
No comments:
Post a Comment