I'll be my own savior

Share. Nalasing ako nung June6. Tapos eksakto pagkahiga ko sa kama, nagtext si ex ko na “feeling” ko ay mahal ko pa din. Iniwan niya kasi ako e. Nung Dec 26, 2009. Tapos mula noon, wala nang seryosong relasyon ang naganap.

Mula nung iniwan niya ko via facebook messages sa kadahilanang kailangan muna namin ng space samantalang lahat ng pagintindi naibigay ko na at sa “kung tayo tayo talaga” putanginang rason yan, hindi ko pa nasasabi ang aking mga hinanakit mula non.

Naguusap na kami, nagkakatext. Nagsorry na siya. Sinabi kong “okay lang yun, tagal na nun e” kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako okay, na ang sakit sakit ng ginawa niya.

Kaya nung June 6. Sa sobrang parang kaya ko na gawin lahat, sinabi ko lahat lahat ng hinanakit ko. As in isang bagsakan. Feeling ko hinayang na hinayang siya dahil sobrang minahal ko siya at binalewala niya lahat. Sorry siya ng sorry hanggang nakatulugan ko na.

Kinabukasan, liligawan daw niya ulit ako. Wow diba? Sana pala ang tagal ko na ginawa yun para matagal na niya ako niligawan ulit. Pero syempre alam kong hindi niya ako mahal. Sabi ko sa kanya na wag niya na akong ligawan kung naaawa or nakukunsensya lang siya. Sabi niya hindi. Naisip lang daw niya. Mas okay naman sakin yung sabihin niyang “Naisip ko lang” kesa sabihin niyang “Mahal kasi kita” Lol at those na gustong gusto marinig na mahal sila ng tao.

Ako, kapag hindi ko maramdaman, ayokong naririnig. Halimbawang alam ko namang hindi mo ako mahal at sasabihin mong mahal mo ko, ay, jirits na jirits ako.

Ngayon, kinikilig talaga ako dahil iniisip niyang ligawan ulit ako. Pero this time siguro, i’ll be smarter. ‘I’ll be my own savior’ hindi na muna ako agad agad bibigay kahit gwapo ang guy! Kahit mahal ko pa ata padin siya. Kahit crush na crush ko siya. Pipigilan ko sarili ko para na rin sa sarili ko.

This time, I’ll be braver.

Lahat ng sobra, masama

Boys, don't care too much. At the same time, don't act like you don't give a fuck. Ika nga, lahat ng sobra, masama. Kapag sobrang you care, nakakasakal. Kapag naman sobrang you don't care, nakakairita.

Sa isang relasyon, dapat sakto lang. Ang iba kasi sa babae, gusto yung hindi sila pinapakealaman. Tapos kapag hindi mo naman pinakealaman, sasabihin nila na "Wala ka namang pakialam sa akin e" tapos kapag masyado mo naman sinubaybayan "Nakakasakal ka naman e"

So dapat ang mga lalake, katulad ng nakagawian, in between. So babae talaga yata dapat ang nakabuka. Isipin nyo nalang na ganun. Dapat lagi kayong nasa gitna. Dumepende kayo sa mood ng babae. Para balanse.

Kasi ang babae, katulad na nga ng sinasabi niyo "Ang gulo gulo ng isip nila" sobrang gulo. Kaya dapat sa mga lalake para tumagal ang relasyon dapat matutong bumalanse.

Parang yung kapag may regla si girlie, matuto kang wag mambadtrip. Kapag masaya si girlie matuto kang wag manira ng mood.

Pero yun nga lang, ang lagay e siya na lang lagi ang iniintindi? Ganito nalang, kapag sumosobra na ang chix, edi dun mo kausapin. Sabihin mo na ginawa mo na lahat para I please sya at hindi mo na alam kung san lulugar. Ayun, mag explain ka. Matatauhan din yan.

Para sa ikatatagal ng relasyon, kailangan ang komunikasyon. Usap lagi. Walang patutunguhan ang paramdaman, ang iwasan, ang parinigan.

Sa pagiging matumal

Una, nagsasawa na ako sa kaka blog ng kainisan ko sa mga tao, sa panglalait sa mga kalait lait na tao, sa pambabara sa mga kabara bara na tao, sa pang o okray sa mga dapat okrayin.

Nag blog ako nga tahimik, ito ngang blog na ito. Na hindi masyado na uupdate dahil...

Pangalawa, naranasan ko nang maging busy sa totoong mundo ko. Maging chismosa at pakialamera alang alang sa storya na ginagawa ko. Totoo ngang walang reporter ang hindi marunong magtanong. And now I say I'm a chismosa slash pakialamera in the making. Lol.

Numbers one and two are just some of my realizations na 'ay, ang tanda ko na'. Oh my gosh guys tumatanda na ako. I seldom drink na nga e. Madalas napapa araw araw pa din pero nililimita ko na ang sarili ko. Dahil naiisip ko "May pasok pa ako bukas e"

Imagine? Me being like that. Na a amaze din ako ha. Diko carry ang mga pangyayari! Haha.

Tapos yung tamad na tamad ka na pumasok dahil pagod na pagod ka na pumasok pero maiisip ko na hindi pwede umabsent dahil sayang ang news, kailangang gawin.

Basically ang nangyari, naiwan ko ang pagsusulat dito para sa pagsusulat sa 'real thing' and it leads me to a very very good "insert right word here'. :)

I, Today, already have 11 published articles on The Manila Times. Ang saya ko lang. Sobrang proud ko sa kasipagan ko pumasok at magsulat ng articles kahit wala namang sweldo. Fun!

Gusto ko ang trabahong ito, gusto ko ang bawat segundong binubuhos ko sa pagsusulat, bawat yosi sa pagiisip, bawat kape sa pagpupuyat, bawat konting pagaangas, bawat medyo pagkamayabang.

P.S Hello followers, sorry at di masyado na a update ha? Love, me.

What is asensado?

Hihi! Tarush ng lola mo. Sorry nagyayabang, mayabang kasi talaga ako. De joke, masaya lang kasi talaga ako dahil feeling kemberloo na ako. Hah! Masaya kaya. Ang saya kaya sa pakiramdam. Yung feeling mo, super press ka na.

Kahit na hindi mo alam kung tungkol saan ang award na yun, kung anong pinaguusapan, kung sino yung secretary na nagsasalita, kung ano yung mga pinagsasasabi ni Noynoy. Kahit na hindi mo alam, oh well. Basta nandito ako. Lol.

Sorry guys, masaya lang thalaga ako. At May 23 nga pala ngayon ano?
Huhuhu. Nakaka sad naman itong parte na ito, ang tagal ko hinintay ang Maroon5 pero heto hindi pa din ako nakapanood. Nakakaloka naman kasi, bat ba hindi ako pinagbigyan ng Daddy e.
Nakita ko nga si Noynoy, hindi ko naman nakita si Adam my loves. Hindi naman yata makatarungan yun ano. Sadness. Eto na ba ang Work before pleasure? Diko keri to. Sana naman bago tuluyang magunaw ang mundo ay makita ko talaga ang Maroon5. Mahal na mahal ko sila. Promise. Tunay na tunay! Pak!

Sorry sa pagka MEMA ko.
(MEMA = ME MA sabi lang"may masabi lang")

YUNG BADTRIP

magine this. Isang araw badtrip na badtrip ka, na para bang na create ang araw na yun para inisin ka. Na para bang lahat ng nangyayari ay against sa mga gusto mong mangyari. Pwedeng umulan pero wala kang dalang payong. Pwedeng ang ganda ng porma mo dahil sa jacket mo or sa longsleeves mo pero ang init init, jinajabar ka na. Pwedeng nakita mo ang syota mo sa mall pero sabi niya papasok siya. Pwedeng nainis ka sa boss mo kanina. Basta inis na inis ka na gusto mo lang ibaling ang inis mo sa ibang bagay.

Gusto mo sana bumili ng libro dahil baka mahanap mo ang sarili mo sa ibang character sa libro. Pero kulang ang budget mo. So as much as gusto mo magbasa, dahil lunch time na, kakain ka nalang.

12:00 pm. Ni try mo pumunta food court. Sakto may upuan. Naka earphones forever ka lang tapos biglang may lalapit sayo titingnan mo at bubuka bibig nya, kinakausap ka pala. Aalisin mo earphones mo na para bang nagambala ka talaga niya. “Ano?” “May kasama ka?” “Meron.” Nakakainis diba? Isipin mong apat na tao, iba ibang tao ang nagtanong kung may kasama ako.

Kahit na makikitabi lang sila sa lamesa, ayoko. Bakit ba? E kunwari may kasama ako e! Kita mong mag isa tapos tatabihan mo. Ayoko nga e! Kita mo nang nagiisa tapos tatanungin mo pa kung may kasama! Hay nako! Edi aalis ever ka nalang dun, kawawa naman sila e.

Edi mag isa ka lang diba? Hahanap ka ngayon ng kainan na kaunti ang tao para sure na may upuan ka. Jollibee 3rd floor, SM Manila. Bakit doon? Kasi may SM na sa baba. Meron din sa taas. Malamang mas kaunti nakain sa taas.

Edi ayun, pipila ka na. Badtrip na badtrip ka diba? Dahil ang dami nangyari at ang malala pa niyan, mag-isa ka lang. Tapos pag dating mo sa counter, si ate sobrang ngiti. Hindi naman siguro masama ngumiti pero yung uulitin lang yung order mo, nakangiti pa din. Maglalagay lang ng food sa tray mo, nakangiti pa din. At di mo mapigilang isipin. “Masaya ba kaya talaga to o sadyang plastik lang?”

So titingnan mo yung iba pang nasa counter at lahat sila nakangiti. Hindi mukhang friendly putangina. Badtrip na badtrip ka na nga tapos sila masaya. Anyare! Para bang gusto din nila nakangiti ka. E ayoko nga e. Gago ka ba!

Naisip ko tuloy na wag na wag kumain sa foodchains kapag badtrip. Nakangiti nga sila, di naman nakakatulong. Tss! Baliktad? E naiinis talaga me e.

Minsan talaga ang mga tao, kahit walang ginagawa, kahit nagtatanong lang, kahit ngumingiti lang, nakakainis! Badtrip is badtrip. Yun na yun!

Experience

Hep! This is an OJT experience not cheberloo kemberloo yun na yun! Gusto ko lang ishare na hindi masaya sa dyaryo. Lol. Masaya na ka stress. Super ka stress. Lalo na sa beat ko. Ghurl, Malacanang beat! Ghurl araw araw ko kaharap sina Lacierda at kung sino sino pang spokesperson sa palasyo.

Ghurl, araw araw ko kasama sina Willard Cheng. Ghurl bago niyo malaman ang news bukas, alam ko na ngayon palang. Kung sa ganoong anggulo mo titingnan, wow talaga e. Kahit nga ako proud ako sa mga pinaggagagawa ko e. Pero kapag ginagawa ko na, wala na. Grabe. Nakaka stress e.

Yung araw araw, maraming news na chinichika ang palasyo. Tapos gagawa ako ng mga apat sa isang araw (depende sa mood) tapos hindi lang mapa publish bukas dahil sa hindi mo alam na dahilan. Ang sakit kasi feeling ko ang ganda ganda na nung gawa ko e tapos waley pala kwents sa kanila. Kaloka sa effort ha! Binabasura effort ko.

Napagtanto kong ganto pala sa media, mararanasan mo ang lahat ng klaseng rejections. Saklap ghurl. Sakit e. Nakakatamad tuloy pumasok. Pero for the sake of professionalism (YEHES), gagawin ko ang lahat para ma publish pa ULIT ako. Kaya ko to diba?

Sino nagsabing hindi? Pakamatay na.

Kaunting pagninilay

So this post is purely about me. Hello, I'm claire. I don't want other people being close to me. Maybe I just don't want them to know me more than I know who am I. This line is gasgas na but believe me when I say "I honestly don't know who am I."

I don't know why I'm like this talaga. If why kapag may darating sa buhay ko its like I'm the one running away from them. Sila na nalapit, ako pa nalayo. And then magrereklamo ako: "Bakit ba single ako?" I don't even know kung anong hinahanap ko sa lalaki but I know na naghahanap ako ng lalaki. Di ko alam kung anong mangyayari sa future ko talaga but then katulad ng sinasabi ng mga kaibigan ko na hindi nakakatulong: "Hintayin mo, darating din yan."

Tanginang tagal. Anong petsa na? End of the world na wala pa din siya. Bakit ko ba kasi hihintayin? Oo nga naman diba, bakit mo hihintayin kung pwede mo namang hanapin dahil nga naman baka hinihintay ka din niya, edi naghintayan kayo. Edi sige, hanapin. Pero paano kung sa paghahanap ko iba ang makita ko? Edi kawawa naman siya, wala siyang partner. Kaya sige na nga, hintayan to the max nalang.

Ang dami dami kong problema sa buhay na kung ipagsasama sa post na ito, wala lang. Memasabi lang.

So nandito kana sa dulong part diba? Madami pa talaga dapat akong sasabihin kaso alam mo na, katamaran. Sorry. Salamat sa pagbabasa sa mga nakakagagong posts. Mwatsup!

Parang bula, bigla nalang mawawala

May mga tao talaga minsan na parang bula ano? Yung bigla nalang mawawala. Katulad ng bula, wala silang damdamin, wala silang pakialam sayo. Kaya siguro ganun ganun nalang kung mangiwan ng tao.

May mga tao talagang may lahi e. May lahing paasa. Yung tipong lahat nang mga nangyayari sa inyong dalawa ay masyadong masaya. Parang masyadong nakakatuwa na hindi na yata tama. Masyado ka nyang pinapakilig. Tapos magtatanong ka. Ay mali, gusto mo pala tanungin pero hindi mo kaya.

Gusto mong tanungin kung anong meron kayo. Exclusively flirting? Or pang everyone sya. Kaso hindi mo matanong kasi wala kang K "Kapal ng mukha" at baka sadyang K "Kerengkeng lang talaga sya". Sa pagiisip niyan, ayaw mo nalang din talaga mag tanong kaya mag se settle ka nalang sa kung anong meron kayo.

Mag se settle ka nalang kasi feeling mo "E nagpaparamdam naman siya e" E malay mo nagpaparamdam pala siya sa lahat. Malay mo multo pala siya all this time. Chos. Malay mo hindi lang siya sayo ganyan, pero syempre hindi mo iisipin yun kasi nga bet mo siya e. Kaya ang iisipin mo "Keber! Basta gusto niya ako"

So ikaw si tanga, aasa. Tapos biglang hindi mo alam kung anong nangyari, parang nag CR ka lang saglit, namatay na yung bida, naligaw ka na. Umasa ka e. Tapos biglang mawawala.

Yung spark na nandun dati, naging abo nalang. Yung taong nagpapaasa sayo at inaasahan mo dati, katulad nang bula, bigla nalang nawala.

Parang bula, bigla nalang mawawala

May mga tao talaga minsan na parang bula ano? Yung bigla nalang mawawala. Katulad ng bula, wala silang damdamin, wala silang pakialam sayo. Kaya siguro ganun ganun nalang kung mangiwan ng tao.

May mga tao talagang may lahi e. May lahing paasa. Yung tipong lahat nang mga nangyayari sa inyong dalawa ay masyadong masaya. Parang masyadong nakakatuwa na hindi na yata tama. Masyado ka nyang pinapakilig. Tapos magtatanong ka. Ay mali, gusto mo pala tanungin pero hindi mo kaya.

Gusto mong tanungin kung anong meron kayo. Exclusively flirting? Or pang everyone sya. Kaso hindi mo matanong kasi wala kang K "Kapal ng mukha" at baka sadyang K "Kerengkeng lang talaga sya". Sa pagiisip niyan, ayaw mo nalang din talaga mag tanong kaya mag se settle ka nalang sa kung anong meron kayo.

Mag se settle ka nalang kasi feeling mo "E nagpaparamdam naman siya e" E malay mo nagpaparamdam pala siya sa lahat. Malay mo multo pala siya all this time. Chos. Malay mo hindi lang siya sayo ganyan, pero syempre hindi mo iisipin yun kasi nga bet mo siya e. Kaya ang iisipin mo "Keber! Basta gusto niya ako"

So ikaw si tanga, aasa. Tapos biglang hindi mo alam kung anong nangyari, parang nag CR ka lang saglit, namatay na yung bida, naligaw ka na. Umasa ka e. Tapos biglang mawawala.

Yung spark na nandun dati, naging abo nalang. Yung taong nagpapaasa sayo at inaasahan mo dati, katulad nang bula, bigla nalang nawala.

Parang bula-bigla nalang mawawala.

May mga tao talaga minsan na parang bula ano? Yung bigla nalang mawawala. Katulad ng bula, wala silang damdamin, wala silang pakialam sayo. Kaya siguro ganun ganun nalang kung mangiwan ng tao.

May mga tao talagang may lahi e. May lahing paasa. Yung tipong lahat nang mga nangyayari sa inyong dalawa ay masyadong masaya. Parang masyadong nakakatuwa na hindi na yata tama. Masyado ka nyang pinapakilig. Tapos magtatanong ka. Ay mali, gusto mo pala tanungin pero hindi mo kaya.

Gusto mong tanungin kung anong meron kayo. Exclusively flirting? Or pang everyone sya. Kaso hindi mo matanong kasi wala kang K “Kapal ng mukha” at baka sadyang K “Kerengkeng lang talaga sya”. Sa pagiisip niyan, ayaw mo nalang din talaga mag tanong kaya mag se settle ka nalang sa kung anong meron kayo.

Mag se settle ka nalang kasi feeling mo “E nagpaparamdam naman siya e” E malay mo nagpaparamdam pala siya sa lahat. Malay mo multo pala siya all this time. Chos. Malay mo hindi lang siya sayo ganyan, pero syempre hindi mo iisipin yun kasi nga bet mo siya e. Kaya ang iisipin mo “Keber! Basta gusto niya ako”

So ikaw si tanga, aasa. Tapos biglang hindi mo alam kung anong nangyari, parang nag CR ka lang saglit, namatay na yung bida, naligaw ka na. Umasa ka e. Tapos biglang mawawala.

Yung spark na nandun dati, naging abo nalang. Yung taong nagpapaasa sayo at inaasahan mo dati, katulad nang bula, bigla nalang nawala.