Kapag mahal mo, pero hindi ka mahal. Ang hirap di ba? Lalo na kung mahal mo, hindi ka mahal tapos hindi pa nya alam. Dagdagan pa nating kaibigan mo sya. So that makes it, mahal mo sya as hindi pang friend pero mahal ka nya as a friend.
Masakit pero wala kang magagawa e. Kaibigan ka nya e. Iniisip mo na baka iwasan ka nya. Na baka malaman ng iba mo pang kaibigan, nakakahiya. Iniisip mo na baka magbago lahat. Okay na sayo na lagi mo sya katext. Okay na sayo na kamustahin ka man lang nya. Okay na sayo na nagaalala sya. Hindi nga lang okay sayo na bilang kaibigan lang.
Ngunit paano kapag ganyan din ang nararamdaman nya? Paano kapag ayaw lang din nya mawala yung kung anong meron kayo? At pipiliin nalang din nya yung pinili mo, ang panatilihin ang pagkakaibigan at huwag nalang magsalita. Edi habang buhay kayong namuhay sa “sayang”?
Ang hirap diba? Malay mo, importante ka din sa kanya gaya nung pagpapahalaga mo sa kanya. Pero pano kapag hindi? Malay mo higit na din sa kaibigan ang tingin nya sayo. Pero paano kung hindi?
“Feeling ko mahal nya din ako.”
PAANO KUNG HINDI? Edi nawala lahat? Handa ka bang isakripisyo ang pahkakaibigan nyo? Handa ka bang isakripisyo ang tanging dahilan kaya nagkakasama kayo? Kaya mo bang iwanan ang pagkakaibigan para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan?
Kapag mahal ka din, swerte mo. May kaibigan(friend) na, may kaibigan(lover) pa. Pero kapag hindi ka mahal, mawawala pareho sayo.
Ang saklap. Ang hirap. Pero ganon talaga e. Ganon talaga.
No comments:
Post a Comment