Minsan may mga bagay talaga na kahit anong gawin mo, hindi magbabago. Katulad nalang sa ibang mga magasawa. Yun bang nagpakasal sila kasi akala nila sila na ang para sa isa't isa. Edi habang nasa kasagsagan ng akala nilang tunay na pagibig, mahal na mahal pa nila ang isa't. Yung parang araw araw make love kasi mahal nga nila ang isa't isa e at wala naman daw masama kasi kasal sila..
At habang patagal ng patagal, nanlalamig sa isa't isa. Mahirap mang aminin, pangit mang pakinggan, nagsasawa na sila sa isa't isa. Or yung isa ang nagsasawa. Pero kadalasan yung isa lang ang nagsasawa samantalang yung isa, meynteyn pa din ang love sa isa. Kadalasan ang mga babae yung mga naiiwang in love e, kasi they give their all. Parang kasi sa mga lalake daw ay wala nga namang mawawala.
Edi nanlalamig na diba? Yung araw araw na sex, naging once a week, at pakonti ng pakonti. Tapos mabubuntis si girl, edi magkakaron ng ilaw ang pamilya, mas mapi feel nila na buo sila. Edi kahit papano, babalik ang amor ni lalake sa babae. Tapos nanganak na, lumalaki na yung bata, dumadami na ang kunsomisyon. Anjan na ang away, anjan na naman ang panlalamig.
Nangbabae si tatay. Nalaman ni nanay. Go sugod si nanay kasi nga may pinapangalagaan siyang pamilya. Todo sorry si tatay, hindi na daw siya uulit, siya naman daw talaga ang mahal niya. Edi si ate mong girl, forgive and forget. Para nga sa ikabubuo ng pamilya nila. Para sa mga anak nila.
Pero hindi magtatagal, uulit uli si tatay. Maghahanap ulit siya ng ibang chiks. Malalaman ni nanay. Hindi na lang siya mag rereact kasi minsan may mga bagay talaga na hindi na dapat ine effortan pa. Wala naman siyang magagawa e. Ganun talaga ang buhay e.
Ang buhay, mahirap talaga yan, mas siraulo pa yan sa pinaka siraulong kilala mo, gagaguhin ka ng gagaguhin niyan pero hindi magbabago yan. So wala kang magagawa kundi tanggapin ang reyalidad na nangyayari kasi yung mga iniisip mong "eto dapat e" ay hindi mangyayari. Malayo sa realidad ang mga inaasahang mangyari ng tao. Ganun talaga e.
Masakit mang maloko, anong magagawa natin? Dyos ba tayo? Kapag ba sinabi nating "Wag ka mambabae" titigil ba yan? E kung tingin mo tumigil nga sigurado ka bang hindi mo lang siya nahuhuli? Ang tao, makasalanan. Mahirap pagbaguhin.
Kaya bago pakasalan, alamin muna kung talagang mahal ka niyan. Yung kahit alam na niya lahat sayo, binigay mo na lahat sa kanya, hindi pa din siya magsasawa. Yun ang challenge minsan e. Kung paano mo papanatilihin ang init ng pagibig kahit wala na ang amor, kahit nagkakasawaan na.
Oo, love is blind. Pero handa ka ba magpaka bulag sa lahat ng sakit na yun kung sobra sobrang sakit na at harapan na ang panloloko sayo? Oo, love conquers all. So kahit niloloko ka na harap harapan ever, goura fight padin sa pagpapaka tanga?
Minsan isipin nating dapat mas mahal muna natin ang sarili natin kesa sa pagmamahal natin sa iba. Kasi kapag sobrang mahal na natin yung isang tao, kahit magbago siya at lahat lahat, mahal pa din natin yan. Ang masaklap ay yung magbabago siya not for the better but for worse, pero tatanggapin padin natin siya. "E mahal ko e"
Wrong wrong. Love know its limits. Mas mahalagang mahal mo ang sarili mo. Kung feeling mo nagiging tanga ka na, kung feeling mo may iba siya, kung sobrang sakit na, kapag di mo na kaya, let go. Back off.
No comments:
Post a Comment