Unang una, ayoko nang umaasa kasi alam kong masakit yun. Bale, ayoko ding magpaasa kasi alam ko yung pakiramdam na umaasa. 'Yung hindi ko magawang sabihing ayaw ko sa kanya, pagpapaasa ba yun?
Ang sakin lang, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayaw ko siya mawala at mawala ang pagkakaibigan namin dahil sa ayaw ko sa kanya. Ayaw ko din namang sabihing gusto ko siya kasi mas lalong aasa yun lalo na at hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko.
Wala namang masamang maghintay diba? Hihintayin ko muna hanggang maramdaman kong gusto ko siya. Pero kapag siya na ang napagod, okay lang. At least hindi ako nagsayang ng pagkakataon sa parehong panig, kung gusto ko man siya o hindi.
Hindi ako nagpapaasa, hindi ko pa lang talaga alam ang nararamdaman ko. Posible ba yun? Oo naman, posible. Marunong ka pa ba sa nararamdaman ko? Ikaw kaya dito. Mas maalam ka yata e. Mas alam mo yata ang dapat kong gawin e.
Natawa ko sa conclusion eh! Pine pressure ka ba niya? Hahaha. Go girl! :)
ReplyDelete