Bakit nga ba mahigpit sa akin ang magulang ko? Bale, ang nanay ko kasi, 38 years old lang ngayon tapos ang tatay ko, 37 lang. Ako 19 na. Ipinanganak ako nang mama, 18 years old siya. Nagaaral pa. Tapos, yung pinsan ko na sinundan ko, 18 years old din nung nanganak. Tapos ako na.
Sa pamilya, inasahan nilang lahat na ako na yung susunod, na madedesgrasya din ako. Granted na ilang beses na ata nila akong nahuling may ka-text na chorva. Ang landi ko kasi nung bata ako. Kainis. Edi ayun nga, ako yung unang nag debut sa aming pamilya. I mean, yung debut na pinaghandaan talaga. Kasi lahat sila nabubuntis.
Proud na proud ako sa sarili ko nun. Hindi lang dahil ako ang unang nag debut kung hindi dahil na din virgin pa ako. Although touched and kissed, virgin naman.
Maniwala kayo’t sa hindi, hindi pa ako napapayagang mag over night sa bahay nang kaibigan o kaklase. Lahat nang overnights ko, patakas, patago. Nabubuhay ako sa ganyan e, sa kasinungalingan. Masama akong anak, sige. Pero ginagawa ko naman lahat para maging proud sila sakin.
Hindi ako nagpapaalam sa mga alam kong ikakagalit nilang bagay hindi dahil ayaw ko magpaalam dahil nagrerebelde ako kung hindi dahil, ayaw ko na lang sumama pa ang toob ko sa kanila at magkaron pa nang away. Minsan okay na yung hindi nila alam, kesa naman nagagalit ako sa kanila.
Nandyan na nga minsan yung pagkakataong sinasabi kong sana hindi nalang sila yung magulang ko e. Ni minsan hindi ko pa sila nasasabihan ng ‘I love you” Inggit na inggit nga ako sa mga kakilala kong may parents na magkahiwalay e, dahil mas close sila. As in tight. Samantalang ako, buo nga pamilya ko, ramdam ko naman yung pagiging wasak namin as a whole. Hindi ako masaya.
Lahat binibigay nila sakin. Lahat nang luho na gustuhin ko. Pero hindi talaga ako masaya. Isipin ko mang masaya ako, hindi lang talaga.