Loser to Langya

Naalala ko nung highschool ako, nung elementary ako, kung paanong parang hindi ako gusto ng mga tao, kung paanong may friends ako pero never the favorite friend, may ganon naman talaga diba? Yung kaibigan na parang paborito ng lahat. So ako, parang isa lang sa mga nakikihati sa atensyon. Gusto ko, ako ang laging kasama kung hindi magtatampo ako.

Naalala ko din nung elementary ako kung paanong dalawa lang yung itinuturing kong kaibigan. Yung isa nawala pa dahil lumalaking maarte naisip niya siguro na loser ako kasama katulad nung isa kong kaibigan na loser sa paningin ko kaya medyo nilalayuan para hindi maging loser. Lumaking tila loser kaya umiiwas sa loser.

Nakakalungkot isiping hindi talaga tayo pantay pantay. Na nandyan talaga ang mga taong kelangang ipagsiksikan ang sarili para matanggap sila ng iba. Na kailangan nilang magbago para maging "cool" sa paningin nang mga gusto nila maging kaibigan.

Naalala ko din nung elemetary ako kung paanong nagpanggap akong may sakit ng tatlong araw dahil ayoko na pumasok, yung tipong naglalagay ng bawang sa kilikili para uminit at hindi papasukin. Hindi ko na ginugustong pumasok dahil parang bumababa ang tingin ko sa sarili ko kapag nandun ako sa eswelahan na yun. Yung tipong ayaw na ayaw ko mag report sa unahan dahil wala namang nakikinig sa akin. Yung bobo ang tingin nila sa akin. Kung paanong pumupunta lang ang iba kong kaklase sa bahay dahil medyo may kaya nga akong tao.

Naalala ko naman nung highschool ako, kung paanong naiyak ako sa CR dahil pati apilyido ko pinaglalaruan, kung paanong walang gustong pumartner sa akin dahil marahil hindi ako kaaya aya (pero may mas malala naman sakin), kung paanong naguwi ako ng notebook ng isang "cool" na kaklase para masabi ko sa kaibigan ko na "Kay ___ yan e" At kung paanong sasabihinh niyang "Wow, close kayo?" Kung paanong iniisip ko na close nga kami.

Naalala ko din kung paanong nagsusulatan kami araw araw ng kaibigan ko nung highschool. Marahil dahil na din ito sa kawalan ng lakas loob na ikwento ang mga bagay bagay sa harap ng isat isa. Tapos naging busy siya, dumami kaibigan at ako naiwan.

Naalala kong nagsimula ang highschool na anim kaming magkakaibigan tapos pabawas ng pabawas dahil nagkakaroon ng mga sari sariling interes.

Naalala ko din kung paanong pinapasaya ko lang ang sarili ko sa pagtetext dahil kulang na nga ng atensyon sa bahay, iba pa ang atensyon na natatanggap sa eskwelahan. Naalala ko kung paanong ang daming naging kaibigan sa text, kung paanong ang dami kong natutunang mali dito, kung paano ako sinaktan ng tatay ko, kung paano ako kinilig.

Tapos kolehiyo, 'di ko inaasahang papasa ako sa UST dahil tanga nga ako e. Pero dahil nakapasa ako inisip ko nalang na tamad lang ako, dahil may iba akong kilalang bumagsak. Dito nagbago buhay ko.

Marami akong nakilala, natuto ako magpunta ng Maynila, Fairview, Malabon, Antipolo, Muntinlupa, Makati, Intramuros, Diliman, LB at iba pa. Natuto ako mas magsinungaling sa magulang ko, natuto ako maginom, mag yosi at kung ano ano pa. Pero ni minsan walang nag udyok sa akin na gawin ang mga bisyong to. Pinili ko talaga ang mga to. Sumasaya ako sa simpleng paglunok ng alak at pagbuga ng usok e. Anong magagawa ko?

Pero dahil sa maling daan na tinatahak ko, mas dumami ang naging kaibigan ko. Lagi akong masaya, kuntentong kuntento na. Naiisip ko tuloy minsan, tama ba itong ginagawa ko? Alam kong mali pero gusto ko pa din. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Naiisip kong kailangan ko ng tao na magpapabago ng mga pananaw ko sa buhay at magpapabago ng buhay ko or ayusin man lang kasi ligaw na ligaw na ako. Pero dahil mukhang wala pa siya, makukuntento nalang muna ako sa pag ba blog nito.

Note: Muntik na ako maiyak sa naisip kong pagkaloser ko dati at sa naisip kong napakasamang tao ko na ngayon. Walang maganda sa kahapon at ngayon ko. Sana yung bukas ang magbigay kulay. Hindi na ako makapag hintay.

Pag-ibig nga naman

Naisip ko isang araw kung paano yung chages sa life ng mga taong single, masaya maging single tapos isang araw nandyan yung taong para sa kanya. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, may nagmahal sa kanya -i ang klaseng pagmamahal- pagmamahal na hindi kaya ibigay ng ibang tao, nang ibang lalake, nang ibang babae.

May ibang iga grab na ang opportunity dahil minsan lang yun e. Masaya kaya sila? Sa mga pagbabago sa buhay nila? Masaya kaya silang laging may nagtatanong kung kamusta araw nila? Masaya kaya silang imbis na magiinom kasama brkada ay kasama niya lang ang isang taong yun? Sapat na kaya ang isa para palitan yung madami? Kung dati, madaming nagtetext sa kanya, nggayon iisa nalang. Masaya kayang umiikot nalang ang mundo mo sa isang tao? Hindi kaya sila nagsasawa at iniisip na “Hindi ko pa ito gusto”

May mga pumapasok sa relasyon dahil pagod na sila mag isa ngunit nung nandyan na ang kasama, nasasakal naman.Ang gulo gulo.

May mga taong masaya magisa. May mga taong ayaw nababakante. May mga taong iiwan ang ka relasyon dahil gusto ng madami. Meron namang madami na gusto na lang ng isang seseryosohin. Pero bakit kaya hindi nagiging tama lahat?

Parang kahit masaya sila one day, biglang break nalang isang araw. Meron namang lagi nagaaway tapos hindi naman mapaghiwalay. Pagibig nga naman.

Dahil mothers day sa May 8,

Since mothers day bukas at ngayon ako sinisipag mag post, gusto ko mag kwento tungkol sa mama ko. Sa totoo kong mama. Sa mama kong minsan iniisip kong sana hindi ko nalang nanay.



Bale ganito kasi yan, maaga siya nabuntis, kung nagbabasa talaga kayo nang posts ko parang naka ilang rants na ko patungkol sa hindi ko siya gagayahin na lumandi ng maaga—tho in some ways, malandi nga ako. Ibig kong sabihin hindi ako magpapabuntis ng maaga. Second year college ang mama nung nabuntis siya. E para sa future, nagaral pa din siya kaya hinabilin muna ako sa kapatid niya(na tinatawag kong mami) lumaki ako sa kanila. Sa mga mami.



Habang lumalaki ako, kinukuha na ako ng magulan ko. At kahit bata palang ako, ayaw ko na sila kasama. Kapag kinukuha nila ako sa mga mami, umiiyak talaga ako. Minsan nga sinasabi ng papa “Edi dun kana tumira! Sige magempake ka na!” Na nagpalala lang ng hate ko sa kanila.



Edi lumalaki na ako, sa kanila na talaga ako nakatira. Hindi ako masaya. Kahit na binibigay nila lahat ng makakabuti sa akin, private schools, school service, magagandang gamit, cellphones, computer. Lahat ng luho ng bata ako meron ako. Naaalala ko pa nung elementary ako at ako palang ang may cellphone sa amin sa klase.



Pero malungkot. Nasa akin nga lahat pero yung saya sa pamilya wala. Nandun yung times na may close ko pa yung katulong namin kesa sa magulang ko. Na mas gusto kong laging may pasok para wala ako sa bahay. Kahit alam kong mahal nila ako, hindi ako masaya.



Hindi nila ako pinapayagang lumabas. Para akong preso na class A, lahat na sakin. Nakakalungkot. Feeling ko etong mga bagay na ito ang naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon.



Naiinggit nga ako dun sa mga taong magkahiwalay ang magulang e. Kasi nakakalabas sila, legal mag ka syota at mas close sila ng magulang nila. Pero nabasa ko sa The Rescue ni Nicholas Sparks na yung mga taong hiwalay ang magulang, naiinggit sila sa mga buong pamilya, naiinggit sila na may nagbabawal sa kanila lumabas. Pero in my case, umaabot ako sa puntong sana mag hiwalay na sila.



One time nagaway sila, umalis talaga kami ng mama sa bahay. Dun kami nag stay sa mami. At imbis na malungkot, masaya ako. Kasi mas masaya talaga ako sa mga mami e. Masayang masaya talaga. Kahit alam kong maghihiwalay sila, ang saya ko. Kaso sa kasamaang palad, nagkaayos pa din. Tapos hindi na naulit yun.



Tapos ganyan lang lagi. Ayoko na mag kwento dahil baga maging bibliography na ang labas. Hihi. Ngayon, hindi pa din kami close ng mama. Hindi ko pa siya nasasabihan ng ilove you. Laging sa letter lang. Christmas cards. Ganun lang. Naiinggit nga ako sa mga taong nakakapag iloveyou sa mga magulang nila e. Dahil ako, katulad nung mga tao sa Wowowee/Willing Willie, hindi pa talaga ako nakakapag iloveyou sa mama. Pati na din sa papa, sa dadi, sa mami.



This mothers day, wala sa plano ko ang mag Iloveyou. May gift lang ako. Gift na binili ko para sa sarili ko pero naisip kong diko gusto kaya pa mothers day nalang. Ang sama ko sigurong anak. Alam ko naman e. Pero I wonder, mabuti ba silang magulang?



I am hoping - each and every day - for them to understand me. Kahit kaunting pagintindi lang. Pero I think hindi na to mangyayari. And then I think, things will never be okay.



Anyhow, Happy Mothers Day!



Para sa inyo: I would like to say na mahalin niyo magulang niyo pero I can’t lie to myself and fool each and evryone of you. So, whatever. I don’t judge naman. So… bye.


First time kong makita ang pangalan ko sa dyaryo. Oh noes, hindi po ako ang biktima o ang salarin. Ako po ang bagong editor-in-chief nang dyaryong yan! Chos! Ako po ay isang hamak na intern sa Peoples Journal (Yuck tabloid, cheaaaap) I know right.

Ang cheap ko. Ahuhuhu. I wanna die. Chos. Ikaw kaya sa kinalalagyan ko (Yoko, ganda buhay ko e), ikaw kaya maghanap nang OJT para sakin! (Sa Manila Times nako sa May no. Che) Mahirap kaya.

Ang hirap nung simula ka palang magaral, sa broadsheet mo na gusto mag OJT pero nung nandun ka na, wala ka nalang magagawa kundi mag *sigh* Huhu Iz zo sad! Mahirap kasi talaga e. Lalo na't may mga tao talagang mas magagaling sayo. Ako pa naman, ang weak ko pa naman sa impromptu(walang konek)

Basta, yun lang, masaya lang ako makita ang pangalan ko sa printed paper, it made me proud. Para bang ang angas ko na tuloy. Alam kong walang wala lang 'to, pero balita ko blog ko to e. Wag kayo mag reklamo. Haha! K bye. Share lang, walang bayad e. Yabang mo a.

Ang pagibig daw, parang soup... sabi ko

Habang hinihigop ko itong cream of corn soup, hindi ko maiwasang ikumpara (dahil pinilit ko ikumpara) ito sa pagibig.

Pagibig, tuald nitong soup na ito, ang sarap sarap kapag mainit. Nandyun yung lagi kayo magkatext, magkasama, magkausap, magkachat, magka live in pa kung minsan. Lalo na sa una diba? Lahat ng init nandyan na. Pati na din ang inti tuwaing summer (ay sobra).

Katulad din ng soup, minsan madami kaya matagal maubos. Minsan masyado mo syang mahal kaya tumatagal. Diba ganun naman minsan tayo kapag gustong gusto natin yung kinakain natin, pinapatagal natin.

Samantalang yung iba naman, kapag gustong gusto nila ang bilis ubusin. Parang yung mga relasyon na mabilis mag end. Kapag may napatunayan ka na, mabilis na mawala ang amor. Depende sa tao, kung gusto niya pang matagalan or pang madalian. Depende sa kumakain, kung gutom o diet.

Katulad din nang soup, hindi na masarap kapag malamig. Kapag feeling mo nanlalamig na sayo yung partner mo, magiinit ka pa ba? Di na uy, kaya mo nga kakainin yun dahil mainit diba. E hindi na, edi game over, ayawan na. Kapag may nanlalamig talaga sa isang relasyon asahan mong may isa nang bibitaw pwera nalang kung malamig na nga, ipagpipilitan pa. Malamig na nga ang soup, kakainin pa. “Okay lang, mapagtyatyagaan pa” Kalokang martir si atey/koya.

At minsan kapag hindi maubos ang soup, itatabi nalang muna tapos ipapainit nalang mamaya. May mga tao naman talagang pinaghihintay pa (AT MGA TANGA AT KALAHATI, NAGHIHINTAY NAMAN!) Ay pagibig nga naman o. Kakayanin ang lahat wag lang maging single e. Nakakaloka.

Minsan naman, ayaw na pala nang soup, edi itatapon nalang. SO ganun nalang kadali yun? Ang soup na walang kamuwang muwang samundo, itatapon mo lang. Yung soup na nananahimik sa supermarket tapos dumating ka, binili ito at niluto tapos dahil ayaw mona, itatapon na? Tangina, nanahimik siya dun o. Kaloka, kung dimo kayang kainin ng tama, wag nang bilhin! Sayang o. Baka may bibili pang iba diyan na ia absorb ang sarap niya. Huhu.

At katulad nang soup, madalas sa pagibig, unti unting nababawasan, lumalamig, itinatabi, itinatapon, binabalewala, nauubos.

Plastik nga e

Sa sobrang dami nang taong plastic ngayon, kailangan na yata sunugin-hindi ang Ozone layer or kung ano mang layer kundi ang lugar na kinatatayuan mo. Ahihi. Sa sobrang plastic mo, gusto nkitang ipalapa nang buhay sa buwaya. Pero dahil hindi ko kaya yun, iba block nalang kita sa facebook.

Ang palstik ko din. Korek! ‘Di ko kasi kayang deretsuhin ka at sabihing putangina mo. So i’ll do it in a *ang-weak-ko-way* Baka kasi kapag sabihin kong ang plastik mo umiyak kapa at idelete moko sa facebook. Edi iba block nalang kita diba. Edi ang tahimik na ng plastik na buhay mo. Ahihi.

This entry goes to no one in particular. Feel ko lang mag rant. Okay lang naman siguro diba? Subukan mo huminde kakalbuhin kita. Hihi!

So back to the main event, topic pala, alam kong napakahirap makipag plastikan sa isang tao. Pero dahil magaling ka katulad ko, madali na yan! Ang pakikipag plastikan ay kinakailangan nang isang taong cute katulad ko. Choz! Ang pakikipagplastikan ay natural na. Aba sabihin mong hindi ka pa nagiging plastik isasako kita.

Andyan yung pagkakataong nambabakstab ka, yung kung ano ano ang sinasabi mo habang nakatalikod siya(hindi literal, wag bobo) tapos super friends kayo kapag magkasama, yung basta! Alam mo na yan, malaki ka na diba. Plastik ka na nga e. Hihi

So feeling ko, ikaw, oo ikaw na reader ka, plastik ka e. Ahahaha! SO ikaw na plastik katulad ko, alam mong masama yan. Lam mu yan! Pero alam ko na hindi mo kayang pigilan yan. So ipagpatuloy mo lang yan. Tapos mag confess ka nalang sa pari at lagi ka magdasal kay papa God dahil sa ka-plastikan mo. So, tara at sabay sabay tayong magplastikan guys.

Ba't nga ba ganon ang lalake

Bakit nga ba ganon ang mga lalake ano? Ay nakakaloka. Kung iisipin mo kung bakit sila ganun, mawiwindang ka nalang talaga e.

Andyan ba naman kasi yung liligawan ka, tapos kapag hindi agad sasagutin magagalit, kesyo pinapaasa daw sila, kesyo pakipot pa daw ang mga babae. Aba kapag sasagutin mo naman agad, ikaw pa ang easy to get. Kaloka.

Habang nanliligaw andyan yung magbibigay sila ng chocolates, flowers, loloadan ka, sundo at hatid ka, taga bitbit pa. Tapos kapag kasama naman ang mga kaibigan, magrereklamo. Kesyo kinakawawa lang daw sila, ginagawang alila. Babae pa lumabas na mali e role naman talaga nila yun.

Mga lalakeng yan talaga o. May iba namang kantot lang pala ang puntirya. Kaloka. Chumi cheesy words ever pa, gusto lang pala maka goal. Aba aba!

Tapos yung iba kapag iinom ang girlfriend o gigimik, magagalit, hindi papayagan. Samantalang siya pwede? Talk about being unfair.

Edi kayo na kunwari ano? Bilang babaeng mapapamahal, ibibigay mo lahat ng gusto niya, ang pagibig na tapat kasehodang lahat lahat. Tapos sa huli ikaw pa ang iiwan. Kesyo hindi daw nila kailangan ng nanay, girlfriend daw ang kailangan nila. Kesyo kailangan daw nila ng space. Kesyo nakakasakal na. Ano ba talaga koya.

Kapag hindi ginugusto, liligawan ka at pipiliting gustuhin sila. Tapos kapag gusto mo na sila, ikaw naman ang iiwan sa ere. Kaloka kuya. Paano naman kami nyan.

Parang bula-biglang mawawala

May mga tao talaga minsan na parang bula ano? Yung bigla nalang mawawala. Katulad ng bula, wala silang damdamin, wala silang pakialam sayo. Kaya siguro ganun ganun nalang kung mangiwan ng tao.

May mga tao talagang may lahi e. May lahing paasa. Yung tipong lahat nang mga nangyayari sa inyong dalawa ay masyadong masaya. Parang masyadong nakakatuwa na hindi na yata tama. Masyado ka nyang pinapakilig. Tapos magtatanong ka. Ay mali, gusto mo pala tanungin pero hindi mo kaya.

Gusto mong tanungin kung anong meron kayo. Exclusively flirting? Or pang everyone sya. Kaso hindi mo matanong kasi wala kang K “Kapal ng mukha” at baka sadyang K “Kerengkeng lang talaga sya”. Sa pagiisip niyan, ayaw mo nalang din talaga mag tanong kaya mag se settle ka nalang sa kung anong meron kayo.

Mag se settle ka nalang kasi feeling mo “E nagpaparamdam naman siya e” E malay mo nagpaparamdam pala siya sa lahat. Malay mo multo pala siya all this time. Chos. Malay mo hindi lang siya sayo ganyan, pero syempre hindi mo iisipin yun kasi nga bet mo siya e. Kaya ang iisipin mo “Keber! Basta gusto niya ako”

So ikaw si tanga, aasa. Tapos biglang hindi mo alam kung anong nangyari, parang nag CR ka lang saglit, namatay na yung bida, naligaw ka na. Umasa ka e. Tapos biglang mawawala.

Yung spark na nandun dati, naging abo nalang. Yung taong nagpapaasa sayo at inaasahan mo dati, katulad nang bula, bigla nalang nawala.

Tamang oras, tamang tao, tama lahat

May mga taong naka laan naman daw talaga para sa atin di’ba. Lahat daw tayo may soulmates. Lahat daw tayo nilaanan nang lovelife. Yung iba nakita na nila, yung iba hindi nila sineryoso, yung iba nililigawan na, yung iba ayaw sagutina ang manliligaw, yung iba kababata lang. Basta andyan lahat nang tipo nang kahit anong maisip mo. Basta lahat meron.

Yung iba naghahanap pa lang. Pwedeng ang taong nakalaan sayo ay nakakalat lang. Malay mo pulubi pala siya at hindi mo siya nabigyan ng pera. Malay mo makakasakay mo siya sa bus pauwi sa probinsya. Malay mo ma I stuck kayo sa elevator. Malay mo may mutual friends kayo.

Ngunit kahit alam mo na may mga ganitong posibilidad, tadhana padin talaga ang magdadala sa inyo sa isa’tisa. Paano pala kung hindi siya pulubi pero ‘di pa din kayo nagtagpo? Paano pala kung imbis na mag bus ka pauwi, nag barko ka pala. Paano pala kung sa isang nagbukas na elevator sya sumakay?

Lahat naman talaga yata nakadepende sa tamang pagkakataon. Kung may minamahal ka na ngayon siguro planado yan at depende talaga sa mga nangyari. Malay mo nadapa ka nung bigla siyang dumaan? Edi hindi sana kayo nagkita. E hindi ka nadapa, edi nagkita kayo! Base lang talaga yata ang lahat sa tamang pagkakataon, kasama ang tamang tao.

Paghihintay

Ano nga naman ba ang maghintay? Para saan nga naman ba ang oras na masasayang kung sa huli naman yung mararamdaman mong saya ay walang katumbas.

Naisip ko na ito yung mali sa akin, sa mga nauna kong mga nakarelasyon. Masyado akong nagmamadali. Kapag may dinadatin na okay grab agad dahil iisipin ko “e dun din naman pupunta yan e”. At naisip ko ngayon, mali ako. Na masyado lang ako naging excited sa mga bagay bagay.

Excited sa first boyfriend. Excited sa second boyfriend. Excited sagutin ang crush ko na niligawan ako. At kung ano ano pang mga bagay na minadali ko. Oo nga at nakukuha ko sila agad. Ang dali makamit nung kasiyahang yun. Pero ang dali mawala.

Minsan may mga bagay talaga na mas maganda kung inaantay. Halimbawa nalang sa pagtimpla ng kape. Gustong gusto mo na magkape. Pwede namang magkape nang hindi mainitin ang gagamitin mong tubig diba? Pero magpapainit ka at hihintayin mo ito. Para swak. Para sapat. Para sakto.

Lahat naman siguro nang bagay na hinihintay ay rewarding sa dulo. Time is nothing, ika nga. So sa lahat nang mga naghihintay dyan, katulad ko, hintay hintay lang tayo. Kape lang muna katumbas nito. :)