On legalizing divorce

Ano nga ba ang side ko sa mainit na usapang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas? Hindi ko pa talaga alam e. Siguro kahit ano nalang. Kasi parang okay naman na meron at okay naman na wala.

Parang para sa akin, okay lang na legal ang divorce dahil sadyang may mga relasyon naman talagang sirang sira na at hindi na talaga kayang ayusin pa. Pero diba sa pag didiborsyo, hindi naman agad agad naaaprubahan yun, so ang magka relasyon ay mabibigyan pa ng sapat na panahon para makapag isip isip sa kung ano man talaga ang nilalaman ng puso nila. Kung hindi na ba nila talaga kaya magbago para sa ikakaayos ng kanilang relasyon, kung hindi na ba nila kaya ayusin para sa masisira na nilang pamilya.

Isa pa din yung mga babaeng minamaltrato ng kanilang asawa, sinasaktan, binubulyawan at pinapatay ng mura, kung ganyan naman pala talaga ang karamihan sa masa ay maganda nga kung magiging legal ang diborsyo. Kaso ang diborsyo tantsa ko'y nangangailangan pa ng malaking halaga. So paano naman yung mga mahihirap na pinapahirapan ng kanilang asawa? In that sense, dapat sigurong gawan yan ng paraan ng gobyerno kung sakaling maipatupad ang batas.

Hindi lang naman mga babae ang sinasaktan, meron ding ibang lalake pero ang babae kasi kalamitan kasi mahina sila. Kaya nga sa mga presinto, mayroon pang nakalaan na "Women's desk" para sa mga babaeng namamaltrato at nababastos at wala namang "Men's desk"

Dito kasi sa pilipinas, sadyang talamak ang sakitan ng magaasawa. Kapag wala nang panggastos, kapag walang makain, magsisisihan na mauuwi sa sakitan. Hindi ba nila inisip na kung ang oras na ginugugol nila sa pag aaway ay inilalaan nila para makahanap ng trabaho edi magkakapera pa sila. Hindi yung bangayan ng bangayan.

Sa kabilang banda naman, hindi nga rin maganda ang diborsyo dahil unang una merong sinumpaang kasunduan ang dalawang nagmamahalan na hindi sila magiiwanan 'till death do they part'. Hindi nga rin maganda na na papakasal lang sila dahil trip, dahil mahal pa nila isat isa noon at kapag hindi na nila trip ang isat isa, divorce na. Legal naman pala kasi e.

Pero diba meron na naman din kasing Legal Separation at Annulment dito sa Pinas so bakit kailangan pa nga naman ng Divorce? At the same time, Meron na din namang Legal Separation at Annulment sa Pinas, edi ipatupad na ang divorce bill!

Medyo malabo ano? Kaya ako, di nalang ako poposisyon tutal hindi pa naman ako kasal at wala pa namang balak. Pero ang iniisip ko, ang kasal kasi, sagrado yan e. Nagsumpaan kayo sa harap ng dyos e. For better or for worse diba? Meaning magkasakitan man o sa kasarapan ng sex man.

Dika naman papakasal dyan kung hindi mo siya minahal e. Kung hindi mo naisip na "Siya na talaga" tapos biglang gusto mo makipag hiwalay? Labo e.

Kaso ayun nga, may mga relasyon talagang maling mali. Marahil noong panahong pinakasalan mo siya, dipa nadating ang tamang tao para sayo. Tapos nakilala mo lang ang tamang tao nung may asawa ka na. E saktong lagi kang jinojombag, edi wala na talaga pag asa mabuo pa ang relasyon diba?

Nagsumpaan kayo sa harap ng Diyos diba? Pero kailangan ding minsan ikonsidera na meron talagang mga marital break-ups that are beyond repair. Ganun talaga e.

Sa 'Pagiisa sa buhay'

Naisip ko bigla yung mga taong tumatandang dalaga, tumatandang binata, yung mga pari at madre. Nakakaloka kung paano sila nabubuhay ng ganun lang.

Ang mga pari at madre, paanong gusto nila mabuhay para lang pagsilbihan ang panginoon? Grabe, di ko keri. Ako kaya ko pagsilbihan si papa God pero kailangan ko pa ng iba sa buhay ko. Ano yung sa kanila, laan sa dyos ang buhay nila? Sobra, diko maimagine. Para tuloy gusto kong maka interview ng madre or pari kaso parang ang awkward.

Yung mga tumatandang binata at dalaga naman, sila yung kalimitang masungit diba dahil wala silang kasama sa buhay, wala silang kasamang tumanda. Hindi naman pwedeng habang buhay e kasama sila ng mga kamag anak nila dahil syempre may sariling buhay naman yung mga yun.

Silang nagiisa sa buhay, nalulungkot kaya sila? Choice kaya nila yun? Choice kaya nila na maging malungkot? Masyado kaya silang nasaktan sa past nila kaya ganun ang naging epekto? Parang ang saklap diba.

Yung iba nga, sa murang edad, kapag walang jowariwariwaps, nangangati agad maghanap ng iba, gigimik na yan para maka istilo, makikipag teksmeyt na yan para kahit papaano maibsnan ang tigang na puso nila.

Ang dami ko ngang kakilalang ginagawang parang panti o brief ang mga jowariwaps e, papalit palit lang. Tapos etong mga nagiisa sa buhay, parang masaya pa sila mag isa.

Kungsabagay, masaya nga naman ang walang jowariwaps, wala kang aasikasuhin, walang itetext kung wer u at na, walang tatawagan, walang kunsumisyon, walang away. Yun nga lang, wala ding lambing, walang yapos sa taglamig, walang init sa taglibog, walang karamay sa oras ng pangangailangan.

Sila kayang mga nagiisa ay masaya kaya or sa gabi, kapag sila nalang talaga sa kwarto nila naiisip kaya nilang "Putangina kelangan ko ng jowa" or masaya kaya silang matutulog magisa at maiisip na "Thankyou lord sa walang ka probleproblemang araw" Ano kaya?

Sa pag ba blog

Ang hirap mag blog no? Yung hindi mo alam kung anong mga pinagsasasabi mo, sasabihin mo at kung ano ano pang kakupalang ipopost mo.

May kilala ako na para lang sa notes, magpopost ng mag popost. Aaminin ko na walang kwenta ang post niya pero dahil kaibigan ko siya shut up nalang ako. O clue na yan ha? Kaibigan ko siya. Isa pang clue: ini unfollow ko siya sa tumblr.

Meron naman akong kakilala na puro gifs ang pinopost. Yung mukha niya. Bute sana kung kaaya aya yung mukha e ano? Kaso haru dyosko panguinoong mahabagin, pangit siya. Nakaka sira ng bait.

Meron namang magpopost ng puro kabastusan (ako dati, honest ako e) kasi ang daming bastos at yun ang gusto ng mga bastos. So bastusan na and drama. Choz.

Meron namang puro pang lalait. Yung tipong gagawa pa nang anon account para lang makapang lait. Yung tipong wala atang ibang mundo outside the blogging community. Tangina, libre ko na alak mo wag ka lang mag blog kung puro ka ganyan.

Ang hirap mag post no? Di mo alam kung saan ka lulugar yung hindi ka mapapansin. Katulad nito lahat halos pinansin ko pero di naman ako perpekto. Pero syempre wala kayong magagawa kasi post ko to.

Naisip ko lang.

Ang mahalaga, masaya siya

Minsan sapat na yung masaya siya kahit hindi ikaw yung dahilan ng pagiging masaya niya. Minsan ayos na sayo na dehado ka basta lang makita mo yung ngiti sa labi niya. Minsan kahit unfair na, wala kang mareklamo, masaya ka naman para sa kanya e.

Yun naman daw talaga ang totoong kahulugan ng pagmamamahal diba? Yung maging masaya ka para sa kanya, yung kahit hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya masaya, okay lang. Basta makita mo lang na nandun ang ngiti sa labi niya.

Parang kung nasa isang relasyon kayo pero may mahal na siyang iba, hindi mo pa ba siya papakawalan kung dun naman siya masaya? Hindi ka pa ba magpaparaya lalo na kung alam mong wala naman sayo yung puso niya? Magiging makasarili ka pa ba dahil lang sa mahal mo siya?

Diba nga ang pagibig hindi uumbra kapag one way lang? Palaging dapat two way. Dapat mahal mo siya kagaya ng mahal ka din ka niya. Kasi kapag isa lang ang umiibig, hindi masaya, hindi maayos.

Minsan dapat kapag hindi na siya masaya, stop na. Kapag hindi ka na masaya, wag na ipilit. Para maayos lahat. Minsan hindi na niya kailangang sabihing hindi na siya masaya para malaman mo. Minsan alam mo na talaga yun sa sarili mo diba?

So kapag alam mong hindi siya masaya, kahit masakit, let it go. Fucking let it go. Para sa huli, lahat okay, lahat masaya.

Hirap pag walang pinanghahawakan

Ang hirap kapag umaasa ka kasi, wala kang pinanghahawakan. Yung isang araw ang saya saya niyo, yung may pa heart heart pa sa messages tapos makikita mo na may wino wall post siya na iba.

Di ka makapag react kasi hindi maman siya sayo diba? Dika makapag react kasi wala naman kayong agreement na sa kanya ka lang e. Dika makapag react kasi sino ka nga ba naman para sa kanya. Dika makapag react kasi wala naman ngang kasiguraduhan kung anong meron kayo. E ano nga bang meron kayo?

Yun nga e. Wala namang kayo. Hindi naman kayo. So wala kang 'K'. Wala kang 'K'arapatang magreklamo. Wala kang 'K'arapatang magselos. Wala kang 'K'arapatang kwestyunin siya kasi wala namang 'K'ayo.

Sakit diba? Yung akala mo konting konti nalang liligawan ka na niya, yung akala mo eto na yun e, magkaka lovelife ka na. Mas masklap kapag bigla siyang mawawalan ng koneksyon sayo pero malalaman mong konekted siya sa iba. Ouch diba.

Yung di mo alam ang magiging reaction mo. Ang alam mo lang, ang sakit, sobrang sakit. Hindi mo nga lang alam kung dapat ka bang magalit, dapat ka bang magtampo, mainis, o dapat bang wala kang maramdaman dahil ikaw lang naman ang umasa.

Siguro unconsciously napaasa ka niya. At ikaw naman, umasa naman. Tapos nung narealize mo na walang mangyayari sa inyo, hindi mo na siya ma confront. Bakit? E nakakahiya kasi di ba? So ang mangyayari, kunwari nalang strong ka, na hindi ka affected na parang naki ride ka lang sa game niya, na kunwari player ka din. Pero yung puso mo, kung umiiyak lang yan, pulang pula na mata niyan.

Mahirap no? Yung walang pinanghahawakan. Kasi dobleng hulog yan e. Una mapo fall ka sa kanya. Then hindi ka niya sasaluhin, so mapo fall ka ulit. Ang sakit diba?

Hanggat maaari, wag masyadong ma attach kung ang taong involved ay walang balak mag pa attached. Hanggat maaari, wag mahuhulog kung ang taong involved ay hindi ka kayang saluhin. Hanggat maaari, wag aasa kapag alam mong walang kasiguraduhan ang lahat ng meron kayo.

Walang aasa kapag walang nagpapaasa

Wala namang aasa kung walang nagpapaasa e.

"Hindi naman kami e"
-Hindi nga kayo e pano kung umasta ka pala kapag kasama mo siya e parang kayo, kung magparamdam ka pala sa text e parang kayo, yung tipong "O kumain ka naba? Wag ka papagutom ha?" Isipin mo kung sinong simpleng kaibigan ang gaganyan?

"Siya lang naman kasi nag assume e"
-Hello? Paanong hindi mag a assume kyng binibigyan mo ng motibo para mag assume? Kung hindi mo naman pala gusto yung tao e wag ka nang kumerengkeng! Hindi yung porket alam mong gusto ka niya e aasta ka na gusto mo din siya.

Kapag ganun edi siyempre iisipin nung tao na mutual ang nararamdaman niyo sa isa't isa tapos kapag malalaman ng iba na ganun kayo sasabihin mo "Kaibigan ko lang yun"

Para sa mga taong nagpapaasa, masyado ba kayong perpekto para manakit? Kayo kaya paasahin? Ang galing niyong mga putangina kayo a? Kung hindi mo gusto at gusto ka, wag mo na kerengkengin. Kerengkeng ka din e!

Wag kang ano, kung ayaw mong ma ano, ano ka din e!

TAKE (2)

Regarding my post about TAKE.

Nag message ako sa kanya sa facebook at sinabi kong basahin niya yun, andun lahat ng nararamdaman ko. Then dinelete ko siya sa friends ko. Dahil bitter ako, pake mo?

Tapos tinext niya ako 'Can't we be friends?' Ay putangina? Putangina? Manhid lang? Manhid lang? Tapos sinabi kong ayaw ko na ng any way of communication with him sabi niya ang labo ko daw.

Naiiyak ako sa sobrang insensitive niya.

Hindi porket alam mong mahal kita, mauuto mo pa ako. Napapagod ako at pagod na akong mahalin ka. Ayoko na.

I'm trying to move on here so layuan mo na ako putangina. Sakit lang dulot mo sakin e at hindi ko na gusto. Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na. Pero hindi katulad sa movie na kaya kong magintay, ayoko.

Hindi katulad sa movie na 3month rule lang, puta naka 2yr nako o. 2yr rule ba ito?? Tama na.

Kung magiging one more chance ang ending ng storya na ito edi cute pero ako, hindi ko na aantaying totoong magbalik loob ka sakin. Ako, lalayo na. Sawang sawa na ako. Sobrang manhid mo. Napaka manhid mo.

Maawa ka naman, tigil na. :(

To commit or not to?

Nag a I love you-han kayo pero hindi kayo.
Bakit nga ba may ganyan?

Pwedeng parehong ayaw ng commitment. Yung ayaw ng pinapakealaman siya, ayaw ng may nagtetext sa kanya maya maya, ayaw ng masasakal siya or ayaw magbago ang samahan kasi diba minsan, kapag masyado na kayong attached sa isa't isa at alam na niya lahat sayo, nakakawalang gana na, wala ng thrill diba?

Minsan mas masaya talaga na hindi kayo pero mahal niyo ang isa't isa, na hindi kayo pero may nagaalaga sayo, na hindi kayo pero alam mong mahal ka niya.

Ang tanong, nakakasigurado ka bang ikaw lang ang mahal niya? Nakakasigurado ka bang sayo lang niya sinasabi na "Ayoko ng commitment e" Nakakasigurado ka ba na ang text niya na "I love you" ay para sayo lang?

Minsan kailangan mo din ng kasiguraduhan e, na sayo lang siya. Bale, minsan talaga kailangan yung commitment. Ang sarap sana ayawan talaga ng commitment diba? Tangina ako nga ayoko ma commit e. Kaso mas gugustuhin mo bang makipaglandian siya sa iba dahil hindi naman kayo committed sa isa't isa o maging committed sa isa't isa tapos ikaw lang ang lalandiin niya?

Diba dun kana sa pangalawa? Mahirap talaga maging in a relationship status pero mas mahirap naman atang makipag unsure-if-s/he-really-loves-me status diba?

Kasakal kapag committed.
Pero kalungkot pag walang kasiguraduhan.