Mas mahalin ang sarili.

Sa isang relasyon, dapat mas mahal mo yung sarili mo. Oo nga’t mas maganda kung mahal na mahal mo yung partner mo, yung ibibigay mo lahat para wala na siyang hanapin pa, yung gagawin mo lahat ng gusto niya para wala na siyang maisumbat, para hindi ka niya iwan.

Pero minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nakakasakal na. Oo nga at ibinibigay mo lahat sa kanya. Oo nga at wala kang pagkukulang sa kanya. Ang tanong: masaya ba siya? Siguro ikaw masaya ka na ipakita kung gaano siya kaswerte sayo. Pero naisip mo na ba kung masaya pa ba siya?

Mamaya niyan hindi ka na pala niyan mahal at naghahanap na nang iba, nagloloko na pala dahil alam niya, sigurado siya na nandyan ka, na mahal na mahal mo siya at hindi mo siya kayang iwan. Kampante siya na hindi ka mawawala, na hindi mo kayang umalis sa tabi niya kahit pa may kasalanan siya dahil nga mahal na mahal mo siya.

Ang mangyayari, wala na siyang pakialam sayo dahil nga mahal mo siya e. Gagawin mo lahat para sa kanya. Ang ending: masasaktan ka, maiisip mo kung gano ka katanga, gusto mo siyang iwan pero hindi mo kaya, gusto mo siyang murahin, awayin pero natatakot ka dahil baka ikaw pa ang iwan.

Nababaliktad ang sitwasyon. Imbis na siya ang humingi ng tawad, ikaw pa ang natatakot na iwanan niya. Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa nahihirapan. Bute kamo sila masaya sa buhay nila. E pano nga naman ikaw? Ikaw na mas nagmahal, nagbigay ng lahat lahat, minahal siya ng buong tapat? Wala lang? Iiwan lang ng basta basta?

Bat ganito ang kinahantungan ng pagmamahal mo? Dahil masyado mong ibinigay ang lahat lahat mo sa kanya. Buong puso. Buong buo. Dapat mas mahal mo ang sarili mo. Para kapag iniwan ka, hindi masakit. Para kapag sinaktan ka, kaya mong bumitaw. Hindi yung nakatali ka na dahil parang siya na ang bumubuo sayo. At sasabihin mong “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka”

E sinong mali? E sinong tanga? Sabihin na nating dapat buong pagmamahal talaga ang ibinibigay kapag nasa isang relasyon. Pero sa isang relasyon alam nating may nasasaktan at nasasaktan. Friend, hindi masamang umiwas sa pagiyak alam mo ba yun? Hindi masamang isipin ang sarili. Mahalin mo naman sarili mo. Wag namang martir o. Mas mahalin mo sarili mo kung ako sayo.

Ako lang naman

Ako yung tipo nang taong, laging nandiyan para sa’yo, handang makinig, kapag may problema ka, isang tawag mo lang nandyan na ako. Kapag kelangan nng kainuman, basta sagot mo, gorah na. Yung kapag lasing ka, aalagaan kita. Yung kapag naiinis ka sakin, iintindihin kita. Yung kapag kailangan mo ng tagapakinig, papakinggan kita.

Ako yung tipo nang taong, hindi napapakinggan. Yung tipo nang taong hanggang blog lang. Yung tipo nang taong “Si claire lang naman yan”.

Wala lang, sinabi ko lang. Okay lang, ganun naman talaga.

Sadyang napaka iksi nga naman ng buhay.

Kung iisipin, ang dami nang kumakalat na keme namag e end of the world na. Bilang ang dami na ngang nagaganap na nagpapahiwatig na malapit na daw ang paghuhukom, gusto ko na nga din maniwala.

Nakaka alarma. Para bang gusto mo na gawin lahat. “Tangina ayokong mamatay na virgin” Mga ganyang bagay. Mga bagay na gusto mong gawin bago ka mamatay.

E pano kapag yung kapalaran mo ay hindi na pala aabot nang end of the world? Ang nangyaring insidente kay AJ Perez ay sadyang nagbigay sa aking nang reyalisasyon na “Putangina ang iksi ng buhay” Na sa isang iglap, mawawala lahat. Hindi nakapag paalam nang ayos, hindi mo nasabi ang mga gusto mong sabihin.

Totoo ngang kapag oras mo na, oras mo na talaga. Kahit anong ingat ang gawin mo, ganun talaga. Napaka ikli nang buhay, mag inaso hanggang kaya, magmura nang wagas, magmahal nang sobra dahil baka bukas makalawa, di ka na pala nahinga.

Tunay na kaibigan

Ang hirap kapag hindi ka maintindihan nung mga kaibigan mo. Kung sino pa yung mga unang taong inaasahan mong makakaintindi sa’yo, sila pa yung mga unang taong pinaguusapan ka kapag nakatalikod ka. Naiintindihan ko na mahirap talagang sabihin sa isang tao ang mali sa kanya nang harap harapan. Ngunit kahit ganon, matuto nalang sana tayong rumespeto at huwag pagusapan ang taong ito kapag nakatalikod siya. Tapos kapag kasama niyo siya, parang walang nangyare. Anyare? Kala ko ba magkaibigan kayo? Anyare?

Ang hirap din naman kapag may mga kaibigan kang feeling superior sa’yo. And I’m like, “Ano ka? Boss ko?” Tangina kung kaya mo naman, edi gawin mo. Hindi porket kaibigan kita, gaganyan ka sakin. Hindi porket may utang na loob ako sa’yo, ang kapal nang mukha mo magutos. Feeling ko, mali yan.

Ang tunay na kaibigan, kaya magbigay kahit hindi napapalitan. Ang tunay na kaibigan, hindi nanunumbat, ang tunay na kaibigan, kaya umintindi. So alam mo na kung ano ka.

Ganito kasi ang storya niyan.

Bakit nga ba mahigpit sa akin ang magulang ko? Bale, ang nanay ko kasi, 38 years old lang ngayon tapos ang tatay ko, 37 lang. Ako 19 na. Ipinanganak ako nang mama, 18 years old siya. Nagaaral pa. Tapos, yung pinsan ko na sinundan ko, 18 years old din nung nanganak. Tapos ako na.

Sa pamilya, inasahan nilang lahat na ako na yung susunod, na madedesgrasya din ako. Granted na ilang beses na ata nila akong nahuling may ka-text na chorva. Ang landi ko kasi nung bata ako. Kainis. Edi ayun nga, ako yung unang nag debut sa aming pamilya. I mean, yung debut na pinaghandaan talaga. Kasi lahat sila nabubuntis.

Proud na proud ako sa sarili ko nun. Hindi lang dahil ako ang unang nag debut kung hindi dahil na din virgin pa ako. Although touched and kissed, virgin naman.

Maniwala kayo’t sa hindi, hindi pa ako napapayagang mag over night sa bahay nang kaibigan o kaklase. Lahat nang overnights ko, patakas, patago. Nabubuhay ako sa ganyan e, sa kasinungalingan. Masama akong anak, sige. Pero ginagawa ko naman lahat para maging proud sila sakin.

Hindi ako nagpapaalam sa mga alam kong ikakagalit nilang bagay hindi dahil ayaw ko magpaalam dahil nagrerebelde ako kung hindi dahil, ayaw ko na lang sumama pa ang toob ko sa kanila at magkaron pa nang away. Minsan okay na yung hindi nila alam, kesa naman nagagalit ako sa kanila.

Nandyan na nga minsan yung pagkakataong sinasabi kong sana hindi nalang sila yung magulang ko e. Ni minsan hindi ko pa sila nasasabihan ng ‘I love you” Inggit na inggit nga ako sa mga kakilala kong may parents na magkahiwalay e, dahil mas close sila. As in tight. Samantalang ako, buo nga pamilya ko, ramdam ko naman yung pagiging wasak namin as a whole. Hindi ako masaya.

Lahat binibigay nila sakin. Lahat nang luho na gustuhin ko. Pero hindi talaga ako masaya. Isipin ko mang masaya ako, hindi lang talaga.

Cause when a heart breaks, it don't break even.

Tunay. Kapag merong relasyon na nasisira, nandyan yung isa na okay lang para sa kanya ang hiwalayan at nandyan naman yung isa na sobrang nasasaktan at nahihirapan. Yung isa kailangan pa mag “move on” samantalang yung isa may bago nang “ka-on”. Yung isa kailangan pa ng time. Yung isa naman ang dami ng time na sa iba.

Nandyan talaga yung maiiwan at maiiwan, yung masasaktan, yung mahihirapan, yung nagmamahal pa din, yung kawawa sa inyong dalawa. Yung isa hindi na makatulog sa gabi sa kaiisip samantalang yung isa, hindi ka man lang nakuhang isipin.

Kapag may naghihiwalay, nandyan yung isa na may gusto na mag hiwalay talaga sila. Hindi naman pwedeng maghiwalay yung dalawa pero ayaw nila pareho maghiwalay. Kapag may naghiwalay, merong may gusto makipag hiwalay. Dahil kung ayaw niyo talaga, hindi talaga e.

Hindi pwedeng ayaw niyo maghiwalay pero nag break kayo. Nandyan talaga yung isa na nahihirapan na, yung gustong kumawala tapos yung isa naman yung mahihirapan.

Yan ang mahirap e. Papasok pasok sa isang relasyon. Okay naman yung isa bago ka dumating e. Tapos mapo fall out of love ka, iiwan mo nalang bigla. E pano naman yung isa?

Pero siguro nga ganun lang talaga. Hindi lang talaga siguro fair.

"Dadating din yung para sa'yo"

Oo nga at dadating siya. Oo nga siguro at may nakalaan para sa atin, sa bawat isa sa atin. Pero pano kapag pagod na ako? Pano kung sa labing siyam na taon kong nabubuhay feeling ko nawawalan na ako nang para sa akin?

Oo nga daw na may nakalaan sa bawat isa para sa atin. Pero diba yung nakakatuluyan ng iba, hindi naman para sa kanila. Pano pala kung yung taong para sa akin ay may ka relasyong seryoso na? O kaya nagpari na? O kaya ayaw mag asawa, o kaya bading? O kaya naka disgrasya. Paano naman ako?

“Magintay ka lang” E putangina pano kung intay ako nang intay wala na pala akong iniintay? Feeling ko hindi masaya. At hindi talaga masaya guys.

2 hold-uppers, dead; victims unscathed in gun battle

Two male hold-uppers were dead on the spot while the other two escaped after declaring hold-up yesterday along Laon Laan Sampaloc, Manila.

Authorities of Manila Police District Station4, led by Police Chief Inspector Rayan V. Ador were then patrolling at the said area and spotted the incident. When the suspects are to be arrested they draw and fire their guns which triggered the authorities to return back the fire.

The gun battle led to the death of Eduardo Delmo and one unidentified while the two managed to escape.

The victims Michael Pay, 23, John Tangente, 33, Jeffry BAstida, 13, Ruel Esagre, 23, were left unscathed.

The MPD Station4 is still conducting follow up operations.

According to Police reports, the cadavers were brought to Universal Funeral Homes located along Avenida St., Sta. Cruz, Manila.

MPD: “chop-chop” issue, bogus

An estimated 2,000 residence in Laon Laan Sampaloc, Manila flocked the police station upon hearing that the “chop-chop” criminal has been arrested yesterday.

The said “chop-chop” issue has been around Laon Laan. Flyers with pictures of chopped body parts were posted along the said area. Hence, the apprehension of the people.

However, according to investigation, it turned out that the suspected perpetrator, Lamberto Baldoz De Leon, 47 with his Nissan white van was just waiting for Brgy. Chairman Daniel Landicho.

Manila Police District Station4 – SPO4 Severino Segum was stern in saying that the issue gaining popularity in Facebook was a “bogus”.

“There’s no truth to that,” he said.

Stupid love

“Pag may kausap kang iba ako’y dine deny, basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay.” - Salbakuta

Stupid love nga daw ‘di ba? May mga tao kasi talagang user. Na kapag marami kang mahihita, gourah. Sa sobrang user na kahit hindi mo mahal pero dahil ang dami niyang naiitulong sa’yo, “di ko pa siya mahal pero gusto ko siya”.

Yung parang hindi mo siya maitaboy dahil ang dami niyang naiitulong sa yo, ang dami niyang nagagawa para sayo.

May kaibigan kasi ako. Yung kaibigan kong yon, may boylet na hindi ka gwapuhan tapos lagi niya kinukwento sa akin yun. Tapos dumating ako sa conclusion na nahihiya siyang kasama yung lalake dahil nga chaka. Para bang mas mahalaga pa sa kanya ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman niya.

Feeling ko kung hindi useful yung lalake, hindi na niya yun ide date e. Pero sige, bilang isa naman akong kaibigan kunwari naiintindihan ko siya. Pero naaawa ako sa lalake. Sobrang naaawa ako. Kasi parang pinagbabago siya nung friend ko. Sabi niya sa lalake “Kapag ipapakilala kita sa friends ko, ako bibili ng damit mo ha” Tapos gusto pang pag gym-in yung lalake para daw maalis yung konting taba. Grabe. Awang awa ako sa kanya.

Minsan iniisip ko nalang din na baka naman mali ang iniisip ko, na baka naman gusto talaga nung friend ko yung lalae. Pero iba e. Iba talaga.

Sana lang talaga walang umaabuso ng pagmamahal. Hindi dahil mahal tayo ng isang tao, magiging kampante na tayo na okay lang nating silang saktan. Tao lang sila, nagmamahal, hindi manhid, nasasaktan.