Ka martiran

May kaibigan akong may problema sa pag-ibig. Itago nalang natin sya sa pangalang Kurdaps at ang lalakeng mahal nya ay itago nalang natin sa pangalang Juanchuchu. Mahal na mahal ni Kurdaps si Juanchuchu. Or yun ang sabi nya. Si Kurdaps kasi, may anak na. Tapos napaka ganda nya. Dati syang naging commercial model. Makinis. Matalino. Halos perpekto. Tapos yung mahal nyang si Juanchuchu ay mayaman. Syempre sumusustento. Gwapo. Tiba tiba sya dun.

Last week nagkwento sakin si Kurdaps na hirap na hirap na daw sya sa estado nang relasyon nila nang boyfriend nya. Edi nagkwento sya. May sakit daw kasi sya isang araw tapos iniwan sya nung bf nya para bumili nang gamot tapos 30 mins na ang nakalipas hindi pa din bumabalik. Edi tinext na nya. “Babe, asan ka?” Sabe nung lalake pumunta lang sa kaibigan pero nalaman ni Kurdaps na umiinom lang pala yung boyfriend nya. Nung paguwi ni Juanchuchu, nagalit si Kurdaps. Mas inuna pa daw kasi nya ang inom kesa sa gf nya na may sakit at naghihintay. Tapos nagsinungaling pa daw sya dahil hindi sinabi agad na umiinom. Sabi nung lalake kaya daw sya nagkakaganon dahil wala na syang amor dito, sawa na sya dito, hindi na sya gusto. At habang sinasabi ito nang lalake, nakahiga lang daw ito, nakapikit at parang natural na natural lang ang pagkakasabi habang ang may sakit na si Kurdaps ay nandoon sa gilid, humahagulhol, sobrang nasasaktan.

Inis na inis ako. Kay Juanchuchu dahil sa ugali nya. Kay Kurdaps dahil sa katangahan nya. Sobrang martir nya! Ang sarap sabunutan. Hindi ko na tinanong kung mahal nya ang lalake dahil malamang diba! Tinanong ko “Mahal ka pa ba?” “Hindi ko alam” sagot nya. Yan ang mahirap e. Yung alam mong wala nang pagasa. Yung puros sakit nalang ang nararamdaman mo. Lahat ng pasakit nadama mo na. Pero, wala e, hindi mo maiwan. Kasi mahal mo e. At di mo sya kayang mawala. Sabi nga ni Kurdaps “Alam mo yun, iniisip ko pa din na sana may pagasa.”

Gusto kong sabihin sa kanya na “Te, hindi ka na nyan mahal. Tama na te. Hiwalayan lang din pupuntahan nyo.” Pero hindi ko masabi. Dahil kaibigan ko sya. Pero palagay ko kahit hindi ko sabihin yun ay alam na naman nya yun. Na wala nang kahihinatnan ang relasyon nila. Pero bulag lang sya sa katotohanan. Pinipilit nyang paniwalaan ang gusto nyang mangyari. Kahit halos lahat na sa paligid nya ay sinasabing wala nang pagasa, para sa kanya may pag-asa pa.

Ganon ba talaga kapag nagmamahal? Nagiging martir? Sobrang martir? Grabe major martir? Tulad ulit nang sabi ni Kurdaps “Alam mo Claire, yung ako dati, yung confident, sure sa lahat nang ginagawa, wala na yun e. Mula nung dumating sya sa buhay ko nasira na yung pagkatao ko. Sirang sira na Claire. Yung pagka tao ko, niyapakyapakan na nya, dinurog, winasak. Pero wala akong magawa. Mahal ko sya e.” At wala akong nasabi kundi Putangina.

Sabi naman nang isa pa naming kaibigan “Baka naman may nagawa ka na kinadahilan nang pagiging ganyan nya?” Ang sagot naman ni Kurdaps, “Alam mo __, yung ano sya ngayon, sya yun e. Hindi yun dahil sa nagyari dati o kung ano pa man dahil yung ngayon, sya yung responsable sa mga sinasabi nya e, sa mga ginagawa nya.” Sabi ko “At ikaw, alam mong masakit, sige ka pa din, ikaw yan e. Mahal mo lang sya.”

Alam nyo, sa ganitong mga pagkakataon ko naiisip na sobrang swerte ko sa pagiging single ko. Wala akong iniisip na kahit ano kundi ang pagiging single ko. Wala akong putanginang pinoproblema gabi gabi. Wala akong putanginang tinetext araw araw. Wala akong putanginang iisipin kung “Tangina mahal pa kaya ako nito” Wala akong iiyakan habang sinasabing “Bakit ka ba ganyan?”

Ang hirap kapag alam nang mahal mo na mahal na mahal mo sya.

Kadalasang dahilan nang panlalamig mo sa mahal mo:

May iba ka nang gusto.

Mahal mo pa sya pero ayaw mo sa fact na iba na ang gusto mo at parang ginagago mo nalang sya. Kaya nagi guilty ka.
Crush ka nung crush mo.
Kahit may boyfriend yung iba, kapag naging crush sila nung crush nila, patay na. Kasi mas pogi/maganda yung crush nila sa bf/gf nila. Anong wala sa itsura yan? Ano ka tanga? Nasa itsura yan!
Kapag na turn-off ka.
Halimbawa, may maitim sa kanya. Or may mabaho sa kanya. Or panget sya sa personal.
Kapag boring sya kasama.
Sabihin na nating ganun ka nya nakilala, sa pagiging seryoso, pero minsan kailangan nang syota mo ng makakausap. Kasi kapag tahimik ka tapos sya nasa mood magingay, maiirita yan sayo. At baka dun magsimula yung pag aaway nyo.
Kapag may ibang lumalandi sayo.
Lalo na kung mas may itsura sa syota mo.
Kapag hindi ka na masaya.
Kahit gano mo pa sya kamahal, kapag hindi ka na masaya, taob lahat.

M.U

Mutual Understanding. O tinatawag din ng ibang, malabong usapan. Ano nga ba ang M.U. Eto yung para kayong may something pero hindi mo sigurado. Eto yung, wala kang kasiguraduhan kung pwede kang masaktan, kung pwede kang magtampo, kung pwede kang kiligin, kung pwede mo syang mamiss. Eto yung mahirap sa lahat. Kasi hindi mo alam e. Wala kang pinanghahawakan. Isang araw ang sweet sweet nyo. Todo text maghapon, todo usap magdamag. Todo lahat. Na akala mo, bukas, ganun padin.

Pero dadating yung araw na hindi ka nya maaasikaso. At mapapaisip ka. “Bakit kaya hindi ako tinetext nito?” At ayan na itetext mo na sya para tanungin ang nabuong tanong sa isip mo. Ngunit naisip mo ulit… “Sino ba ako para itext nya?”. Tapos hindi mo sya itetext kasi natatakot ka na kapag ginawa mo yun, isipin nya na masyado kang feeling at ayaw mong maging obvious na gusto mo yung tao.

Pero what if ganon din yung iniisip nya? Na ayaw lang din nyang maging obvious?

Ayan. Eto na yung part na malabo. Yung hindi mo alam yung iniisip nya, at hindi nya alam ang iniisip mo. Eto yung mahirap. Yung wala kayong napaguusapan, walang linawan ng bagay.

Hanggang pareho kayong natakot… hanggang pareho kayong nagpatigasan. Hanggang nawalan na ng communication. Hanggang nawala na yung koneksyon. Hanggang nawala na lahat.

Relasyon

Ano naman kung hindi ka pa nya mahal? Siguro hindi pa lang nya maamin sa sarili nya. Siguro hinihintay ka lang nya na magparamdam sa kanya. Siguro gusto nya, nililigawan sya. Siguro mahal ka nya pero hindi nya palang alam ngayon. Hayaan mong mahalin ka nya. Ipakita mo na karapat dapat kang mahalin. Na ikaw yung para sa kanya. Para kapag na fall na sya, edi bengga!

Relasyon

Mahal ka nya, mahal mo sya, pero may gusto kang iba. Iiwan mo sya kasi ayaw mong maging unfaithful pero sasabihan mo padin sya ng ‘Mahal Kita’ kase yun talaga ang nararamdaman mo, pero nalandi ka sa iba. Iiwasan mo sya kasi gusto mo sya mag move on pero lagi mo pading tinatawagan. Mag a i love you ka, kala nya okay na lahat pero para sayo, dun ka lang nag i loveyou, nung minutong yun lang. Pagkatapos nun, balik na sa dati. Na wala ka ng pakealam sa kanya. Ikaw, masaya ka sa ganong tagpo kasi syempre pabor sayo. Masaya ka sa iba, masaya ka din sa kanya. At ikaw lang yata ang may alam na single ka. Paano naman yung nararamdaman nya?

Relasyon

Minsan kahit sabihin mong ayaw mo na, na lalayo ka na, na hindi mo na sya sasaktan, na iiwas ka na, na kahit mahal mo sya at hindi na kayo masaya, anjan pa din na hahanap hanapin mo pa din sya. At makikita mo nalang na sa pagtapos ng araw, sya yung kausap mo, sya yung kayakap mo, sya yung gusto mong kasama, sya at walang iba.

Relasyon

Kung noon, nakakakilig padin yung nasa magkabilang line kayo ng phone kahit walang mapagusapan. Ngayon, nakakainis na. Lahat ng bagay nagbabago. Kahit yung dating sinabi mong forever, ngayon walang dalawang isip na binabalewala mo nalang. Gagon talaga. Forever forever. Walang ganon oy. Asa ka pa.

BAKIT KASI GANON.

Bakit nga ba ganon. Alam mong hindi pwede pero sige ka padin. Alam mong bawal tumingin, titingin ka pa din. Alam mong nakakalasing, iinom ka pa din. Alam mong masikip, ipapasok mo pa din. Alam mong lalabas, hindi mo pa din huhugutin. Alam mong bawal. Pero mas alam mong masarap. Alam mong hindi pwede. Pero mas alam mong gusto mo. Bakit nga ba ganon? Tapos sa huli magrereklamo tayo. At isa pa yun. Alam na natin ang kalalabasan, gagawin padin natin. Tapos tsaka tayo mag rereklamo, magiisip, matatauhan. Pero sa bandang huli, uulitin at uulitin pa din. Siguro ganon lang talaga.

Relasyon

Mahal mo. Mahal ka. Kayo. Kala mo sa kanya na umiikot mundo mo. Na sa araw na yun ayaw mo ng ibang kasama kundi sya. Ayaw mong may ibang tatawag kapag hindi sya. Ayaw mo nang ibang messages na hindi galing sa kanya.

Tapos isang araw nalang may pogi kang makikilala. Isang araw nalang may chix na mas hot sayo na dadaan sa harap nya. At dun. Sa moment na yun. Akala mo isang segundong napalingat ka lang. Pero don. Sa isang segundong yun. Unti unti. Nasisira kayo. Di mo man aminin, pero isang araw makikita nyo nalang ang sarili nyong naghahanap ng presensya ng iba. Makikita nyo nalang na hindi na ang presensya ng isa’t isa ang bumubuo nang araw nyo. At doon, magsisimula na yung labuan, away, pagdududa na kinalaunang mapupunta sa break up. Tapos yun na yun. Iiyak ka. Kala mo nasaktan ka. Na ayaw mong aminin sa sarili mo na nasa sayo yung pagkakamali. Isisisi mo pa sa kanya. Tapos iiyak ka pa ulit. At maghahanap. At magmamahal. At masasaktan. Tapos, yun na. Ulitin mo nalang.

Para sa mga lalake:

Kapag nagpapasagot ka ng babae, dapat ipipilit mo. Karamihan sa mga babae, mang re reject ng mangrereject. Oo. Paaulet ulet. Isang basted. Dalawa. Tatlo. Hindi naman ibig sabihin non, ayaw na nila sayo. Minsan gusto lang nilang ipilit mo yung sarili mo sa kanila. Minsan iniisip ng mga babae na “kapag ako niligawan ulit nito, sasagutin ko na”. Pero ang problema naman sa inyong mga lalake, kapag na basted, aayaw agad. Pipili na ng iba. Hindi na uulitin. Tapos kapag nalaman sa huli na gusto din sila nung babae, maiinis, magsisisi.