Ang hirap naman ng ganito o. Yung parang halos lahat ng kaibigan mo, nagkakaroon na ng kasama sa buhay. Yung tropa kayo e. Gabi gabi tambay, inom, yosi at kung ano anong kalokohan. Yung kasama mo siya araw araw tapos isang araw magkaka someone special na siya. At yun na. Naisip ko na kung gano ako ka single. Tapos parang lahat sa paligid ko lovers ang nakikita ko. Para bang dati kapag nakakakita ako nang mga mag syota naiisip ko ay“Magbe break din kayo” Ngayon ang naiisip ko “Putangina bat ako wala”
Seryosong nagiba na ang tingin ko. Para bang sobrang napag iiwanan na ako nang panahon. Feeling ko kasi talaga, hindi pa ako nagmamahal ng todo. Yung unang counted ko na boyfriend, kaya lang kami nagtagal ay dahil siya ang first boyfriend ko. Yung pangalawang counted ko naman na boyfriend, crush na crush ko lang kaya ayun. Dalawa palang ang kina count ko. At ganyan pa sila. Ang saklap.
E pano nga naman yung mga NBSB edi mas masaklap? Ako feeling ko hindi. Kasi hindi pa nila nararanasan yung sakit na dulot nang maiiwan e. Mas masaklap yung nawalan tapos matagal bago magkaroon ulet *present!!!*
Alam mo ang sakit. Hahaha. Diko akalain ding sobrang lungkot lungkot ko na pala. Na kapag iiwan ko ang cellphone ko nang 1 week, wala man lang importanteng mag tetext sa akin. Kundi yung nanay ko.
Noon nga hindi pwedeng hindi ako mag charge after 2hours dahil gamit na gamit ang cellphone ko. E ngayon? Kahit 2 days ko hindi i charge ang phone ko, pwedeng pwede pa din ang battery. Nakaka putangina.
Masarap maging single, oo. Pero hindi masaya!
Sinong nagsabing masaya? Putangina ha.
