Kape at pagibig.

Ang kape.

Alam mong mapait pero titikman mo padin. Alam mong mapait pero paulit ulit mong iniinom. At dahil mapait, lalagyan mo ng asukal at creamer para sumakto ang lasa. At kapag may tamang lahok, sakto na. Minsan kahit masarap ang instant coffee, mas gusto mo padin yung totoo.

Ang pagibig.

Kapag nasaktan ka aayaw ka na. Kapag may konting tyaga, ipipilit. Pero kapag wala, hahayaan nalang. Kapag mapait ang samahan, kapag nasasaktan ka na pero gusto mo pa, tulad nang kape, tamang rekados lang at maayos din yan. Pwede kayong magusap. Pwedeng magbago. Pwedeng mag tulungan. Minsan kahit gustong gusto mo nang bitawan at tumakas nalang, ayaw mo padin. Kasi minsan, mas masarap yung totoo.

Mahal

Ang strong nang word na mahal noh? Ewan ko. Ikaw, alam mo ba ang ibig sabihin nang salitang love? Ang dami daming meaning. Ang dami daming nagbibigay nang meaning. Meron bang absolute meaning? Yung meaning ba sa diksyunaryo mas tama? O ano ba?

Sabi nang iba mahal nila yung tao kapag hindi maka tulog sa gabi sa kaiisip. Pero malay mo naman may insomnia ka lang talaga tapos sya yung naisipan mong isipin.

Sabi nang iba kapag nasasaktan ka kapag may kasama syang iba at sweet sila. Pero sure ka ba na hindi mo lang na i imagine na nasasaktan ka? Naimbento ang mind over matter diba? Baka naman lahat nang yan ay nasa isip mo lang.

Yung iba, hindi na nga sila pinapansin at kinakausap, sige pa din sa pangungulet. Yun daw ang pagmamahal. Malay mo naman wala ka nang ibang kakilala kaya ka nangungulet.

Ano nga ba kasi ang love. Ang strong strong nang word pero ang dalas nating gamitin. Kahit sa mga syota nating hindi naman talaga natin minahal.

Halimbawa. Nagkausap kayo magdamag. Ang dami nyong similarities. Natutuwa kayo dahil kausap nyo sya. Masaya kasi parang kilalang kilala mo na sya. Tapos kinabukasan kayo ulit ang maguusap. Tapos ganun kayo nang isang linggo. Tapos hindi nakapag usap. Magagalit ka. “Sabagay sino nga ba naman ako.” At gaganyan kang drama. “Hindi nga naman pala tayo.” sabay ganyan pa. At dun na nga magsisimula ang kalandian na madali ding magtatapos.

E kasi naman. Tangina lang. Ano ba. Masyado ka lang nahumaling sa ideya nang pagmamahal kaya ka ganyan. Kaya mo sya kinarir. Kaya mo nasabi lahat. Nakakaloka. Magkausap? Ma i inlove? Tangina. Ok.

Pero sino nga ba naman ako para hindi paniwalaan ang mga tong na inlove na. E love daw yun e. Sige maniwala tayo. Baka nga naman love yun.

Para sa iyo, sa iyo, at sa iyo. Wag mong gamitin ang salitang ‘mahal’ kung hindi naman totoo. Nakakaloko yan. Nakakagago.

Love. Love. Magbe break din kayo.

Alin, alin, alin ang chenes? Utak o Puso?

Totoo ba? Naniniwala ka ba? Ikaw, ano sayo? Mas pipiliin mo ba yung dinidikta ng utak mo o yung sinasabi ng puso mo? Ako, depende.

Depende dahil malay natin ang dinidikta pala sakin ng utak ko ay yung tipo ko naman diba? Edi jakpat! Pero dun tayo sa hindi. Edi puso ang susundin ko. Totoo lang. Kahit hindi ako kumain nang tatlong beses sa isang araw, kahit araw araw kaming mag aaway dahil nagrereklamo ako sa aming kahirapan, basta kami ang magkasama, solb na. Ang korni ba? E ganun e. Mahal nga daw e.

Kesa naman dun sa ang ganda ganda nang bahay nyo tapos pagdating mo sa bahay ang tingin mo sa kasama mo, demonyo. Parang nadedemonyo ka na din tuloy at gusto mo syang patayin.

Nung isang beses natanong ang kaibigan ko nang ganitong tanong. Ang sagot nya, susundin nya yung utak nya. Kaya daw kasi ini design nang dyos na mas mataas ang utak kesa sa puso para utak daw ang paganahin. Sabi naman nang nagtanong sa kanya “Kahit hindi mo mahal?” Ang sagot nya“Matututunan ko din syang mahalin”.

Matututunan nga bang mahalin ang isang tao? Siguro oo. Kaso ang pangit diba? Parang iginuguhit mo lang yung tadhan mo. Gago, kaya nga tadhana e. You let things flow. Hindi yung ikaw ang magdedesisyon nang mangyayare sa hinaharap. Yun yung ikasasaya nang buhay e. Yung mga pagdedesisyon nang walang kasiguraduhan basta alam mong masaya ka, go lang. Kapag napunta sa mali, itama. Lahat naman masosolusyunan e.

Mali yung mamahalin mo sya dahil gusto mo, dahil dapat, dahil kelangan. Mahalin mo sya dahil mahal mo sya. Para sa huli, walang iiyak, walang mahihirapan, walang masasaktan.

Confession

Napaka back stabber kong tao. Kahit mga kaibigan ko nasasabihan ko nang masama tapos kapag hindi ko sila kasama nilalait ko sila. Huhuhu.

Alam ko pong hindi ako perpekto, kaya sorry po. Uhm masaya lang po talaga minsan magsabi nang bad. Lahat naman nang bad, masaya. Huhu. Sorry po lalo na sa mga kaibigan kong kung ano ano ang nasasabi at naiisip ko na hindi nila alam. Mahal na mahal ko kayo kahit ganito ako at kasama kayo sa mga dasal ko.(Kahit minsan lang ako magdasal) Lagi akong nagdadasal sa isip ko po. Promise po.

Sorry po kung hindi ako naging isang mabuting nilalang. Diko po intensyong maging ganito at hindi ko rin intensyong bumuti. Kaya bahala na. Mwa.

Sa "Para kay B"

Una, noong narinig ko ito, ang ganda daw. Kaso inisip ko wala akong gustong basahing tagalog kung hindi si Bob Ong lang. Pero dahil parami na nang parami ang bumabasa nito, pumunta ako sa National Bookstore. Nakita ko ang libro. Binasa ko ang harapan.

Para kay B (O kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)

Natuwa ako kasi parang hindi magandang ending ang kahahantungan. Ako kasi, kapag nagsusulat ako nang kahit ano, ayoko nang magandang ending. Dun ako sa realidad. May namamatay, hindi sila nagkakatuluyan, may kabit, mag hihiwalay. Ayaw ko kasi nang mga and they live happily ever after. Nakakaloko kasi e. Masyadong imbentong imbento. Masyadong pang libro. Tapos binasa ko yung likod nang libro.

Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?

Ito ang nagtulak sa akin para bilhin ang libro na ito. Likod at harap palang, akong ako na. Gusto ko kasi nang mga kwentong makatotohanan. Ayoko nang mga sweet endings tapos papaniwalaan kong ganon talaga ang nangyayari sa totoong buhay. Alam naman nating hindi e. Alam naman nating nililinlang lang tayo nang ibang writers e. Kaya ayaw ko nang mga ganun e. Nakaka gago lang.

Sa pag basa ko nang libro, namangha ako sa pag ikot nang storya. Bawat detalye nang storya ay sadyang pinag isipan. Nakaka kilabot. Nakaka amaze. Sobrang angat nang tingin ko sa sumulat.

Gusto ko yung hindi pa tapos na ending. Yung wala pang revision sa ending na nagaganap. Mas makatotohanan kasi e. Yung mga pangyayari, lahat.

Pero oo nga nama’t kwento lang yun at may karapatang gumanda din ang ending nang mga characters. Pero ako kasi hindi ako naniniwala sa happy endings e. Hindi ako naniniwalang may magkakatuluyan na happy talaga. Siguro meron. At ako din may teorya, sigiro 1 out of 10 lang yun.

Alam ko na to pero dapat matutunan nang ibang tao. Na iba ang mga nasa libro at TV sa totoong nangyayari. Sa TV, alam mong maiiyak ang bida at iiyak nga sya. Sa libro, pwedeng pwedeng ibahin nang manunulat ang ginagawa nang isang tao, pwede nyang palitan lahat dito. Pero sa personal, kapag nagawa mo na, yun na yun. No revisions. No erasures. No predictions. Wala kang ibang magagawa kundi mabuhay sa buhay mo.

Mas magandang nasasanay tayong wag paniwalaan ang mga happy endings. Para kapag nasaktan tayo, neutral nalang. Ganito ang pinapaniwalaan ko. Kaya siguro manhid na ako.

Basta sa librong to, ang dami kong na realize.

Pero gayunpaman, hinihiling ko na sa limang nagmamahal, kung sakali, ako yung isang magiging maligaya. Ang tagal ko na naghihintay e. Sana may dumating pa.

Tiwala at pagintindi.

Ang nanay ko, 17 yata o 16 nung nabuntis. Maaga nabuntis. Tapos yung sinundan kong pinsan, 17 nabuntis. Bale sa cycle, ako na ang sunod. Kala nila maaga din ako mabubuntis. Pero 19 na ako at wala pa din. Proud na proud ako sa sarili ko. Kasi wala silang tiwala sakin e. Lahat sila.

Dati nga nung mag ka college palang ako. Sabi nung tita ko “Saan ka magaaral?” Sabi ko “Sa UST po” . Tapos bigla nya kinausap ang mama sabi nya “Bakit sa maynila?” sabi ko “Hindi naman ako magpapabuntis gaya nang anak mo at nang mama e”. Sabay walk out.

Ang hirap nang buhay ko noon. Yung sobrang wala silang tiwala sakin. Hindi ako pinapalabas hanggat walang valid reason. Hindi ako pinapayagan sa gala. Hindi ako pwede sa swimming. Hindi pwede sa lahat. Kaya lumaki akong hindi na nagpapa alam. Lahat nang kilos ko, hindi na nila alam.

Lahat nang ako ngayon, resulta nang mga ginawa nila noon. Nag o overnight ako nang hindi nila alam. Lahat nang kasinungalingan nagawa ko na. Nakapag yosi na ako nang hindi nila alam. Nagiinom ako nang hindi nila alam. Nag ka cut classes ako nang hindi nila alam. Ang dami nilang hindi alam sa kin.

Kami nang tatay ko, naguusap lang kapag pinapagalitan nya ako. Wala na yung nasabing matino sakin e. Tuwing nadating ako sa bahay, nag be bless ako. Yun lang yata ang palatandaan na ama ko pa sya e. Sobrang hindi ako close sa pamilya ko.

Sobrang layo nang loob ko sa kanila. Siguro dahil na din hindi ako sa kanila lumaki. Dahil nga kasi bata pa ang nanay ko nung pinanganak ako, hinabilin nya muna ako sa kapatid nya hanggang maka graduate sya. Kinuha nya ako nung grade1 na ako. Ang saklap. Tapos hindi ako masaya sa kanila. Laging gusto ko dun sa bahay nang kapatid nya matulog. Sa mommy.

Mommy at daddy na ang tawag ko sa kinalakihan kong pamilya. Mama at papa naman sa totoo kong pamilya. Mas pamilya ko pang matatawag ang mommy at daddy. Masasabe ko to at sure ako na mas mahal ko sila.

Noong bata ako, gusto ko lagi dun matulog sa bahay nang mami at dadi tapos nagalit ang papa sabi nya “E kung dun ka na tumira o dalhin mo na lahat nang gamit mo”. Parang tanga di ba? Anong magagawa ko? Dun kaya nila ako pinalaki. E putangina kung hindi ba nila ako inanak nang maaga e. Nakakainis. Sana inisip nila na sila ang responsable sa lahat nang ito. Lahat nang ito babalek at babalek sa paglandi nila nang maaga!

Dati din, binilhan ako nang phone nang mami at dadi tapos sinira nang papa nung nakita nya. Pabili daw ako nang pabili nang kung ano ano. Hindi ko malaman kung inggitero o ano. E kasalanan naman talaga nila e. Kasalanan nila lahat!

Ngayon, masasabi kong ang dami ko nang nadaanan, naisip ko na halos lahat nang gustuhin ko nakukuha ko. Maayos na tirahan. Kumpletong pamilya. Nasa uso na cellphone. Mga gusto kong gadgets. Mataas na allowance. Lahat halos nang materyal na bagay. Pero wala ako nang kasiyahan. Hindi ako masaya.

Gusto kong maging malaya. Mag decide para sa sarili ko, gawin yung gusto kong gawin, umuwi kung kelan ko gusto. O kaya kahit konting pagintindi at tiwala sa magulang ko. Gusto ko nang pagintindi. Kailangan ko. Dapat sa lahat lahat nang tao, magulang ko dapat ang nakakaintindi sakin diba? Ano na? Ano nang nangyare?

Oo nga at baka concern lang sila sa akin at gusto lang nila ang mga bagay na nararapat sa akin. Pero may mga pangangailangan ako! Isa na sa mga kailangan ko ang pagintindi nila. Intindihin naman sana nila ako. Na may pangangailangan din ako. Kailangan nang kaunting tiwala at pagiintindi.

Ano nga ba ang pag-ibig?

Paano nga ba natin masasabing nakita na natin ang taong para sa atin? Yun ba ay kapag bumale balentong na ang sikmura mo tuwing kasama mo sya? Yun ba yung nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin dahil sya yung kasama mo? Yun ba yung hindi ka makakilos ng tama dahil katabi mo sya? Yun ba yung natural kang madaldal pero pag sya yung kausap mo, natatameme ka na? Yun ba yung gagawin mo ang lahat para lang magustuhan ka din nya? Yun ba yung kapag nag gm sya ng “Magandang gabi” ay mag lo load ka na? Yun ba yung kaya mong pumunta ng napaka layong lugar para lang makasama sya? Yun ba yung kaya mong magpuyat para maka chat lang sya? Yun ba yung araw araw kang unli dahil araw araw kayong magkatext? Yun ba yung alam mo na hindi ka nya gusto pero patuloy ka paring umaasa? Love, ano nga ba ito?

Sa dami nang mga nabanggit, ilan ang naranasan mo? Siguro ilan sa inyo, madami na yung karanasan sa pag ibig. Pero paano mo masasabing yun yung totoong pag-ibig? Kapag di ka makatulog sa gabi sa kaiisip? O, ano nga ba? Kung lahat nang mga nabanggit nay an ay pinaniniwalaan mong pagibig, grabe naman yatang pagibig yan, nakikita kahit saan.

Parang ang dali ano? Parang ang dali ng lahat, parang ang dali nila makita. Parang ang dali lang mag mahal. Pero alam ko na alam mong hindi.

Saan nga ba natin makikita ang taong para sa atin?

Maaaring siya ay dumadaan sa dorm mo, pero nasa loob ka. Maaring siya ay katabi mo na sa bus pero dahil dumating ang isang kakilala mo, lumipat ka. Marahil katapat mo na sya pero yumuko ka para ayusin yung sintas mo. Marahil nakita mo sya pero sya naman ang hindi nakatingin. Maraming pagkakataon na maaaring nakita mo na yung taong talagang para sayo. Pero sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo, aasa ka pa ba talagang makita mo? (Pwede, dahil wala ngang imposible. Diba?)

Sa kabilang banda, marami naman din ang masu swerteng nakita na ang taong para sa kanila. Katulad ng nanay at tatay mo, ng lolo at lola mo, ng nanay at tatay ng pinsan mo, ng lolo at lola ng pinsan mo. At lahat pa ng kilala mong nakatali na. (Pero hindi rin lahat ng kasal ay may pagmamahal na namamagitan).

Nandyan din yung nasa kanila na, pinapakawalan pa. Mahal nga nila, nagkakasawaan naman. Mahal nila isa’t isa, hindi naman tama. Mahal nila isa’t isa, pero nagpapadala sa tukso. Mahal nila isa’t isa pero parehong hindi masaya. Sa sobrang mahal nila ang isa’t isa, nakakasakal na.

Totoong maraming mukha ang pagibig. Mapanglinlang diba? Dahil maraming nagpapalinlang. Masakit diba? Pero maraming masokista. Masarap diba? Pero lahat ng sobra, masama na.

Mapait. Masakit. Pero gusto natin.

Nasa kamay natin kung kailan magmamahal, kung sino ang mamahalin, kung saan at lahat ng meron pa. Nasa desisyon mo lahat kaya wag ka na magreklamo na masakit. Desisyon mo yun, diba? Alam mo na ang epekto ng pagmamahal nayan pero sige pa din. Masaya diba? Masarap diba? Ang sakit diba?

Ang daming tanong

an na ba ang taong naiiwan ng mga mahal nila? Kahit akala nila lahat okay na, biglang isang araw iiwan ka nalang. Kahit akala nila walang mali, biglang isang araw sasabihin sayo na ayaw na nila sayo. Akala mo naibigay mo na lahat pero isang araw hindi na daw sya masaya.

Tapos iiyak ka, tatanungin mo ang sarili mo kung anong nagawa mo. Mapapraning ka kaiisip kung may iba naba sya. At kung may iba na sya, bakit sya naghanap ng iba. Hindi ba sya kuntento sayo? May mga bagay ba na kaya nyang ibigay na hindi mo kaya? Mas ramdam nya ba yung pagmamahal ng isa kaysa sa pagmamahal mo sa kanya? O… minahal ka nga ba nya talaga?

Bakit nga ba sa mga relasyon, nandyan yung naiiwan. Yung umaasa, yung nasasaktan, yung pinabayaan, yung nagiisang nagmamahal.

Kasi may martir. Imposible namang hindi mo alam na wala na syang nararamdaman para sayo. Imposible namang wala kang maramdamang panlalamig mula sa kanya.Imposible namang hindi mo naramdaman na may mali na sa relasyon nyo.

Alam mong mali pero pinagpapatuloy mo.



Bakit may nasasaktan? Kasi may nagpapakasakit.

Bakit may naiiwan? Kasi may nagpapaiwan.

Bakit may nagpapaiyak? Kasi may umiiyak.



Bakit ka nasasaktan, e parte nyang nararamdaman mong sakit ay dahil na din sa mga desisyon mo. Desisyon mo na ipagpatuloy kahit masakit na. Desisyon mo na umasa na maayos ang lahat. Desisyon mo magmahal, kahit alam mong walang patutunguhan.

First boyfriend.

Third year HS ako nung una akong nagka boyfrined. Ang lame ko diba? Putangina ba? At dahil thrid year na nga ako nun, halos lahat nang mga kaibigan ko nagkaka lovelife na. Ang malala pa sa iba, sa school pa ang kanilang mga chorva. Edi ang saklap. Napagiiwanan na ang lola mo. Ang mga puta ang saya saya na tapos ako, nada. Kaloka. Waley na waley ang byuti!

Hindi naman sa walang nanliligaw. May mga manliligaw ako no. Ako pa. (Whut) Kaso ang magulang ko kasi ay napaka higpit at grabeng walang tiwala sa akin. Yung tipong ang cellphone ko ay kukunin kapag gabi. Huhu. Kaya nagipon pa tuloy ako noon para makabili nang sarili kong selepono. Ang galing ko e.

Ayun na nga ang aking first boyfriend. Mas matanda sya sakin nang apat na taon. Matured ba. Pero hindi mature na bastos. Uhm, matured na okay lang. Ayun. Crush ko kasi sya. Tapos ayun. Tapos nung mga unang month, sobrang head over heels ako sa kanya. Dahil siguro sa sya ang una kong boyfriend. Tapos halos ako lagi nagtetext, pinupuntahan ko sya, nireregaluhan kapag may okasyon. Kalokang effort! Tapos sya, binabalewala nya ako.

Hindi ko tuloy alam kung na inlove talaga ako sa kanya o dahil lang sa idea nang boyfriend, kaya ako na inlove sa kanya. Masyado yata kasi akong nagmadali para maramdaman ang love. Kaya ngayon parang iwas na ang pagibig sa akin.

Lahat siguro nang nangyayari ngayon ay dahil na rin sa first boyfried ko. Siguro kung hindi nangyari ang mga yon noon, hindi ako ganito ngayon, ibang tao siguro ako ngayon.

Bale, hindi ako masaya sa first boyfriend ko. Hindi katulad nang iba, hindi memorable ang akin, hindi pang diary, hindi pang MMK, hindi yung mga tipong may hihintayin kita effect, hindi yung sya pa din ang mahal ko, at lalong hindi yung walang tatalo sa first love (at alam kong hindi sya ang first love ko, at least.) walang kwenta yung first boyfriend story ko. Walang butterflies. Walang violins. Walang kiliti. Walang electricity na nararamdaman. Walang pagtigil nang mundo kapag magkasama. Wala halos kilig moments. Walang pag ibig na namagitan.

Nakakapang hinayang. Marunong pa sana ako magmahal ngayon.

Natuto na ba ako?

Anong laban nang 'totoo' sa 'tama'?

E ano nga bang laban nang great love sa correct love?

Ang daming nagmamahalan na hindi nagkakatuluyan. Ang daming mag syota nang matagal na pero hindi nagwawakas sa piling nang isa’t isa. Ang daming nagmamahalan na nauuwi sa hiwalayan.

Minsan kasi, yung taong mahal na mahal mo, hindi mo makasundo. Lagi kayong nag aaway, lagi kayong hindi nagkakaintindihan, laging lahat nang pinaguusapan ay mauuwi sa sigawan. Kayo na yung para sa isa’t isa e. Yun na yun e. Pero dahil paulit ulit ang hindi pagkakaintindihan, magkakasawaan kayo. Tapos mauuwi kayo pareho sa piling nang iba. Pero yung pagmamahal na naramdaman nyo sa isa’t isa ay iba sa nararamdaman nyo sa bago. Alam nyong mas mahal nyo padin ang iniwan nyo pero wala na kayong magawa kasi nandyan na yung isa. Kasi nandyan na yung isang perpekto, yung lagi mo nakakasundo, yung masaya kayo at walang problema. Yung mas hindi mo mahal. Yung dapat.

Sa naisip kong ganitong konsepto, nagdududa na tuloy ako sa pagiibigan nang magulang ko. Nagmahalan ba talaga sila? Kasi magkakilala na sila mula pa nung pagkabata. Naisip ko tuloy na maaring nag settle lang sila sa isa’t isa dahil ayan na yun e. Sure love na. Dagdag pa na dumaan na sila sa pagkakataong nag away—muntik nang maghiwalay dahil nagkababae ang papa at nanlalake ang mama. Maaring yung mga naging kabit nila ay yung mga totoong minahal nila di ba? Tapos hindi lang nila maiwan ang isa’t isa dahil kasal nga sila at nandito kaming mga anak nila. Maari diba?

Masaya kaya sila talaga sa estado nang relasyon nila ngayon? Totoo kayang sa loob nang madaming taon nilang mag asawa, sa loob nang halos buong buhay nilang magkakilala, ang pag ibig na naramdaman nila sa isa’t isa ay hindi na mahahanap sa iba? O baka may mas minahal pa silang iba pero dahil maaga sila natali sa isa’t isa, wala na silang magawa?

Masaya kaya sila dahil ang tatag nang relasyon nila? O nagdurugo ang pagkatao nila dahil may iba silang mahal tapos hindi nila maipaglaban dahil meron nang tama na nakalaan para sa kanila.

Ilan sa mga mag asawa ngayon ang totoong nagmamahalan? Yung kahit ni isang linyang kasinungalingan, hindi nabahiran? Meron pa kaya? Meron kaya?