Wala pang 11:11 pm. Masama bang gustuhin ko na siya ang kasama ko mamaya? Masama bang gusto ko sana hilingin na ako din ang hihilingin niya mamaya? Nababaliw na’ko.

Ang hirap! Kasi diko sya matext kasi baka kung sino pa makabasa. Diko masabing pumunta siya dito kasi alam kong mali. Di ko sya malandi ng todo kasi may girl friend siya.

Question of the year: What would you do if the man that you like is unfortunately taken? Nakakabaliw na.

Gusto ko na ma inlove. Magka boyfriend. Pero masyado akong selfish at ayaw kong masaktan ako. Pero alam kong kaakibat ng pagmamahal ang pasakit. Ergo, lalandi nalang ako.

Pero ngayong panahong to, 111111 when somewhere out there yung iba wini wish na sana magatagal sila ng syota nya, sana hindi na sila magaway at kung ano ano pa, nakaka stress. Nakaka pressure. It makes me want to wish for him which is not right.

Pero bakit ba?? Masama bang mangarap? Pero di ako nangangarap. Hay nako buhay. Kaloka.

11:11 wish - Me to not fall in love.

Paano kung mag wish nga ako ngayong 111111? E ano naman? Matutupad ba yan kahit hindi ako gumawa ng hakbang para matupad yan? Hindi e. Hindi e. At hindi talaga e. Ano bey.

Humiling kaya ako ng boypren? Magkaka boypren ba ako kung hindi ako maghahanap?

Humiling kaya ako makatapos ng pagaaral? Makakatapos ba ako ng pagaaral kapag hindi ako magaaral?

Hilingin ko kayang maging straight siya? Magiging straight ba siya kung lalake naman talaga gusto niya?

Hilingin ko kayang sana single na lang siya? Magiging single ba siya kung mahal na mahal niya girl friend niya?

Hilingin ko kayang magustuhan ko sana yung nandyan para sakin? Magugustuhan ko ba kung sa isip isip ko e ayaw ko naman talaga?

Hilingin ko kayang maging mabait na anak? Magiging mabuuting anak ba ako kung patuloy ko pa naman din silang sinusuway?

HINDI E. Lahat hindi mangyayari kung wala akong gagawin para maging posible yung mga wish ko. 11-11-11 11:11pm WISH. Isang malaking joke, keme, chos, charot, charing, char, KALOKOHAN! Hindi matutupad yang wish na yan kung wala kang gagawing hakbang para matupad yang mga yan.

Sa huli, ang iyong kapalaran ay wala sa mga bituin, wala sa oras, wala sa araw, wala sa number 11 na paulit ulit! Nasa sayo yan. Kung ano mang gusto mong makuha, kunin mo. Kung ano mang gusto mong mangyari, gawin mo. Although walang masama mangarap, hindi ka pa din matutulungan ng wish mo.

Mag wish ka hangga’t gusto mo. Kahit kelan basta trip mo.

Pero kaakibat ng wish mo, dapat alam mo rin ang aksyong gagawin mo.

- Bakit mo ba ako nilalandi e may gf ka?

- Kung ikaw ang nasa 4 na taong relasyon, malalaman mo ibig ko sabihin.

- Kung sawa ka na, dapat alam mo na gagawin mo.

- Hindi ako sawa.

Wait. Stop right now. Thank you very much. Hindi sawa pero lumalandi sa iba? Hindi sex ang habol kasi hindi tulad ng iba, di ko gawain yun. (ehem) Sabi ng kaibigan ko ganun daw talaga yung mga lalakeng nasa isang matagalang relasyon, naghahanap daw ng iba. Is it just me or wala na talagang matinong lalake ngayon?

- Unfair sa girl friend mo.

- Alam ko. Pero di naman niya malalaman e.

Beeeettccch. Napaka selfish na nga naman talaga ng ibang nilalang ngayon! And so kung hindi malalaman ng “mahal” mo na niloloko mo siya? Why so selfish? Bakit hindi man lang maisip ang mararamdaman niya kung sakaling siya ang nas posisyon nun? Nakakalerqui!

Kapag bakla, magrereklamo tayo kung bakit hindi siya straight. Kapag straight naman, magrereklamo tayo kung bakit sila mahilig mang chicks. Bakit ganito na mga lalake ngayon?

Alam kong mahirap makuntento sa isa at masarap lumandi! Pero hindi ba pwedeng subukan at isipin naman yung mararamdaman ng taong alam mong masasaktan?

Nagsimula sa follow-an. Nagka TA-an. Nagkaalaman. Nagkalandian. Sumunod ang pagsamasama sa inuman. Una kasama ang mga kaibigan kasi medyo nagkakailangan. Pagkatapos sila nalang dahil ang isa’t isa nalang ang kailangan. Alak at yosi madalas. Weeds paminsan. Masaya daw e. Pagibig daw e. Hay pagibig nga naman daw, nakakaloko kung minsan.

Finally.

Dilemna

Nilalandi ako ng isang lalakeng nasa isang relasyon. At nagpapalandi naman ako. ‘Coz we’re “two consecutive adults having fun” HAHAHA! Masaya naman ako.

Kaso parang nakilala niya ako na strong, na go with the flow lang.

E paano kapag na in love ako? Edi ako naman yung kawawa sa huli. Kasi kahit matapos yung kung ano mang meron kami, meron naman siyang syotang pwedeng balikan. E paano naman ako?

Sinabi ko yan sa kanya kaso ang sabi niya “Hindi mo ba kaya i control ang emotions mo?” Kaloka. Babae pa din naman ako, kahit pa strong strong ako diko padin kontrolado kung na po fall nako o hindi.

Hindi ko naman kayang sabihing “Ako pa. Strong kaya ako” Diko naman kaya lokohin sarili ko. Hindi ko rin kayang sabihing “Its a risk i’m willing to take” Ulul. Ano ako martir?

Alam kong mali ang gagawin ko kapag ipagpapatuloy pa kasi may girlfriend nga siya. Pano nalang kung ako ang nasa posisyon ng gf niya? Kahit epal ang gf niya, san mang banda mo tingnan, mali pa din.

Kaso, bet ko siya.

So ano na? Lalayo o lalandi? LOL.

Marami pa namang lalake e…

Bahala na. Kung ano mang maging desisyon ko, don’t judge. Tao lang ako, lumalandi, mahina, natutukso at nadadarang.

This almost kill me.

Third party

This is entirely unfair in three different ways.

First. It is unfair for your girlfriend for she loves you and she trusts you and she does not know that in the middle of the night or when she is not around, you have been talking to me on the phone until we both feel sleepy. It is unfair for her because she kisses you not knowing that you’ve kissed another girl when she knew that she is the only girl you are kissing. It is unfair for her because in this incident, she is playing the role of a pathetic i-gave-you-my-all girlfriend but is still not loved the way she is supposed to be loved.

Second. It is unfair to you. Because you deserve better than being called an asshole, or a cheater, or not-a-boyfriend-material. No you don’t deserve that. It is unfair to you because you have to make up every lie that you can so that you can have the time to have an affair. Yes, it makes you happy, but is it fulfilling? Hurting someone’s feelings? Hurting your loveone’s feelings? It is not fulfilling isn’t it? Then that makes it unfair for you. It is unfair to you because at the end, your girlfriend will know all about you’re little cheating game and she will curse you to the core.

And Thrid. It is unfair to me. Because you are the one flirting with me and is it my problem if i’m easily attracted especially to those whom are really attractive? No it is not my fault. Therefore, me being attracted back to you is not my fault but it will turn out to be my fault at the end because i’m the other woman and that is clearly unfair in my part. It is unfair to me because I want to talk about things you talk about with you girl but I can’t because I’m not the girlfriend and that is unfair to me because I’m unconsciously hurt. And what if I fell in love and wants more? Then it is evidently more unfair in my part.


So girlfriend, tie up your boyfriend.

And you, do what you want to do, I don’t care.


And dear me, you are currently ruining a relationship and you do not care because it is not your fault on why the boy is searching for another girl. It is also not your fault if the girlfriend is surprisingly boring. So carry on. Life is short. Live young and wild and free.

Black sheep

Siguro dapat ko na nga sigurong alamin ang magiging future ko. 4th yr na ko pero kung makapag sinungaling pako sa magulang ko, kung maging pariwara pa rin ako sa pagaaral ko. Dapat sigurong magseryoso na.

Dapat sigurong next sem ay magtino tino na ako. Huling sem na. Delikado pa kapag nag gago. Dapat sigurong di na ako magantay na ma e F.A na ako bago pa sipaging pumasok. Dapat na siguro akong maging mabuting anak. Yung ikaka proud naman kahit minsan ng mama at papa.

Feeling ko ang sama sama kong anak. Na puro disappointments ang dala ko sa kanila. Iniisip ko tuloy baka nagsisisi na sila na ako naging anak nila. Pero nagpapasalamat na din ako dahil sila ang magulang ko at kahit papano ay nararamdaman kong tina try nila ang best nila na intindihin ako. Malamang. Wala na magagawa e.

Anong nangyari? Bakit lumaki akong ganito? Napaka suwail ko. Huhu at diko alam kung kaya ko ba talaga magbago. Ang sama ko ba? Parang lagi nalang silang galit... Wala nang nagawang tama :(

Bigyan kita pambili ng respeto, okay lang?

May mga tao talagang naligaw yata sa ibang demensyon ng tumblr. Yung mga wala nang ibang kaibigan kundi yung mga tao sa tumblr, yung mga pa confe confe pa kasi wala naman silang gagawing iba, yung ayaw tumulog dahil gusto mag tumblr, at syempre… yung mga chismosa at chismoso sa tumblr.


Hello? Wala na ba talagang ibang magawang matino? Kung maninira o sisira ng pangalan ng tao, siguraduhin naman accurate yang alam mo. Hindi yung ibabase mo lang sa boses. Ungol nga habang nagsesex nakakapanlinlang e. Yung boses pa kaya sa natural na paguusap?? Minsan nga magbibigay ako ng seminar on how a voice can lie. And siguro seminar din on how some people should learn how to get a life and how to mind their own fucking business.


Malalki na kayo mga putangina niyo, chismis pa din inaatupag niyo!

Putang ina. BLOG SITE TO HINDI THE BUZZ O PAPARAZZI.

Lakas maka showbiz central a.


MATUTO DING BUMILI NG KONTING RESPETO.

ANG KAKAPAL NG MUKHA E.