BB GURL


Say hello to my baby sister! Wow, ate na ulit ako, 20 years gap. Putangina, beat that! Hihi. Ang cute cute niya o. Sana hindi siya lumaking maarte. Sana maging okay ang buhay niya, sana hindi ako mainis sa kanya in the future. Sana hindi lang siya ngayong bata cute. Sana hindi siya lumaking katulad ko, sana maging almost perfect ang life niya. I wish all the best for her. Aalagaan ko siya sa abot ng makakaya ko. Magpapaka tino akong ate, magiging good influence ako na ate (wow) Hihi. Sana lumaki siyang matino at mabuhay ng matiwasay at maayos at mahaba. Labyu labyu bb gurrrrrlll! Hihihi! <3



Retreat 2011

Hindi ako nag share.
Hindi ako nag confess.
Pero nag refelct naman ako inside. Promise.

Ang saya kasi mas napamahal yata ang blockmates ko sa isa't isa. At mahal ko din naman talaga sila. Masaya kasi mas naging close kami sa isa't isa. Kahit may ibang mga uma attitude pa din kahit naturingang retreat. Matamaan sana kayo ng kidlat. Yung mga nagmamaganda di naman maganda, hihi. Yung mga nagpapaka bitch di naman bagay. Ouch ilag ka. Hihi! Masaya ako sa calerguega roomies ko. Ang fa fun kasama! <3


Basta, fun fun fun! Closer to nature, closer to God. <3 Love you Lord! Mwa tsup

Planner 2012


Yay! Starbucks 2012 Planner. Daily aksaya ng pera para sa planner. Nais kong pasalamatan yung sponsor ko sa aking 2011 planner. Nagamit ko siyang mabuti. At buhay pa siya ngayon. Nays! Ang ingat ko sa gamit. Charot. Masabe lang na naka starbucks planner. Yabang yabang ko naman. Aba naman dapat lang ipagyabang. Hahaha! Aba ang mahal mahal niyan. Ilang sweldo ng magulang ko yan. Salamat din pala sa mga nahingian ko ng stickers at medyo napadali ang buhay ko. Yey! 

Mga hindi makuntento

Bakit ba kasi ang daming mga hindi makuntento? Meron namang mga syota pero hindi pa rin masaya. Matatanggap ko pa sana kung hindi pa sila nagtatagal nung syota. Maiintindihan ko sana kasi baka nga naman hindi lang nila gaano kakilala ang isa't isa. Pero yung iba na hindi katanggap tanggap gaya ng mga babanggitin ko mamaya, e ibang usapan naman yun.

May kakilala ako na 5 yrs na sila ng gf niya tapos kung kani kanino siya nakikipag kembelar. Mag a iloveyou pa sa ibang kinekembelar niya. Sabi ko bakit nya sinasabihan ng ganung words kung hindi naman niya mini mean? Sabi naman niya iba daw ang love sa girlfriend. So may love para sa mga kinekembelar? Masaya naman daw sila nung girlfriend niya, makulit sila kapag magkasama and in fairview, maganda yung gf niya. So magtataka ka talaga kung bakit kailangang magloko siya. Pero ayon sa kanya, hindi naman daw sa pagaabang peero masyado daw "obsessed" sa kanya yung babae. Yung tipong dapat bawat friend sa facebook nung lalake, dapat kilala ng babae tapos kapag may hindi kilala mag aaway na sila kasi daw "chix" nya daw yun. Kahit papano, kung titingnan mo maiintindihan mo yung lalake kung ganun naman kahigpit yung babae. So tinanong ko, bat di mo iwan? Mahal niya naman daw kasi kahit ganun. At yun nga, masaya naman daw sila at sweet daw yung babae.

Meron naman ako kakilala na hindi mahiwalan yung syota kasi 6 yrs na daw sila. Nanghihinayang nalang daw siya sa tagal ng pinagsamahan nila. Ang akin naman, hindi kaya naghihintayan lang sila kung sino ang una mangiiwan?

Meron namang nasa matagal na sa relasyon pero kung kani kanino pa nakikipag landian.

Meron namang nasa isang relasyon pero kapag kasama na yung mga ex nya, sasabihin niya single siya at makikipag todo landian.

Marami pa dyan. Sigurado ako, ikaw na nagbabasa nito may kilala ka ding gagong hindi makuntento. Bat kaya sila ganun? Di ba nila naiisip na may mga taong single na walang mahanap tapos sila gusto dala dalawa pa. Ang mga putanginang selfish na to. Pano naman yung iba? Give chance to others kung baga. Pero di ba nga, life is never fair. But that is not a good reason to be unfair. Ang lalaking mga gago e.

It starts and ends with a story.

2nd anniversary of Maguindanao Massacre.
1st celebration of November 23 as the International Day to end Impunity.

Earlier, my pontifical school (LOL), also known as the University of Santo Tomas, care of Journalism Society and CASA remembered the Maguindanao Massacre by flashing a film, having a forum/talk, and a 'torch parade' from Espanya to Mendiola.

It's really nice that there are still people who remembers the massacre even those people who are not related to the media and even the media who are acting like they care for the sake of being knowledgeable about the incident and most of all, those people who really cares.

These murdered journalists, who are ready to die for a story, must really be remembered. I am not saying this just because I am a journalism student but because I really think that they are our modern heroes. Lol yes, it is me talking! I think they've really done their job well not because they are now dead but because they've stand up for what they believe in.

If you all would know the stories behind each and every story of these journalists and also their family and relatives, for sure you'll cry a fucking river for them. Maybe if we see their relatives/family in real life, they might laugh, they might smile but these things are not enough to sugarcoat the reality that their father, or mother, or whatever died because of a story.

It started with a story. It ends with a story.
And maybe their story is one of the best story ever told.

And so, to somehow make this article worth your read, let's say the magic word.
Justice. Justice for them. Fucking justice for them.

Right "bet" at the wrong time.

Masaya ako kapag kausap ko siya. Kahit ano hahamakin magka time lang para sa kanya. Ang saya saya niya kausap. Parang sobrang tropa lang. May istura. Yun nga lang, isang malaking YUN NGA LANG, may girl friend.

Wala pang 11:11 pm. Masama bang gustuhin ko na siya ang kasama ko mamaya? Masama bang gusto ko sana hilingin na ako din ang hihilingin niya mamaya? Nababaliw na’ko.

Ang hirap! Kasi diko sya matext kasi baka kung sino pa makabasa. Diko masabing pumunta siya dito kasi alam kong mali. Di ko sya malandi ng todo kasi may girl friend siya.

Question of the year: What would you do if the man that you like is unfortunately taken? Nakakabaliw na.

Gusto ko na ma inlove. Magka boyfriend. Pero masyado akong selfish at ayaw kong masaktan ako. Pero alam kong kaakibat ng pagmamahal ang pasakit. Ergo, lalandi nalang ako.

Pero ngayong panahong to, 111111 when somewhere out there yung iba wini wish na sana magatagal sila ng syota nya, sana hindi na sila magaway at kung ano ano pa, nakaka stress. Nakaka pressure. It makes me want to wish for him which is not right.

Pero bakit ba?? Masama bang mangarap? Pero di ako nangangarap. Hay nako buhay. Kaloka.

11:11 wish - Me to not fall in love.

Paano kung mag wish nga ako ngayong 111111? E ano naman? Matutupad ba yan kahit hindi ako gumawa ng hakbang para matupad yan? Hindi e. Hindi e. At hindi talaga e. Ano bey.

Humiling kaya ako ng boypren? Magkaka boypren ba ako kung hindi ako maghahanap?

Humiling kaya ako makatapos ng pagaaral? Makakatapos ba ako ng pagaaral kapag hindi ako magaaral?

Hilingin ko kayang maging straight siya? Magiging straight ba siya kung lalake naman talaga gusto niya?

Hilingin ko kayang sana single na lang siya? Magiging single ba siya kung mahal na mahal niya girl friend niya?

Hilingin ko kayang magustuhan ko sana yung nandyan para sakin? Magugustuhan ko ba kung sa isip isip ko e ayaw ko naman talaga?

Hilingin ko kayang maging mabait na anak? Magiging mabuuting anak ba ako kung patuloy ko pa naman din silang sinusuway?

HINDI E. Lahat hindi mangyayari kung wala akong gagawin para maging posible yung mga wish ko. 11-11-11 11:11pm WISH. Isang malaking joke, keme, chos, charot, charing, char, KALOKOHAN! Hindi matutupad yang wish na yan kung wala kang gagawing hakbang para matupad yang mga yan.

Sa huli, ang iyong kapalaran ay wala sa mga bituin, wala sa oras, wala sa araw, wala sa number 11 na paulit ulit! Nasa sayo yan. Kung ano mang gusto mong makuha, kunin mo. Kung ano mang gusto mong mangyari, gawin mo. Although walang masama mangarap, hindi ka pa din matutulungan ng wish mo.

Mag wish ka hangga’t gusto mo. Kahit kelan basta trip mo.

Pero kaakibat ng wish mo, dapat alam mo rin ang aksyong gagawin mo.

- Bakit mo ba ako nilalandi e may gf ka?

- Kung ikaw ang nasa 4 na taong relasyon, malalaman mo ibig ko sabihin.

- Kung sawa ka na, dapat alam mo na gagawin mo.

- Hindi ako sawa.

Wait. Stop right now. Thank you very much. Hindi sawa pero lumalandi sa iba? Hindi sex ang habol kasi hindi tulad ng iba, di ko gawain yun. (ehem) Sabi ng kaibigan ko ganun daw talaga yung mga lalakeng nasa isang matagalang relasyon, naghahanap daw ng iba. Is it just me or wala na talagang matinong lalake ngayon?

- Unfair sa girl friend mo.

- Alam ko. Pero di naman niya malalaman e.

Beeeettccch. Napaka selfish na nga naman talaga ng ibang nilalang ngayon! And so kung hindi malalaman ng “mahal” mo na niloloko mo siya? Why so selfish? Bakit hindi man lang maisip ang mararamdaman niya kung sakaling siya ang nas posisyon nun? Nakakalerqui!

Kapag bakla, magrereklamo tayo kung bakit hindi siya straight. Kapag straight naman, magrereklamo tayo kung bakit sila mahilig mang chicks. Bakit ganito na mga lalake ngayon?

Alam kong mahirap makuntento sa isa at masarap lumandi! Pero hindi ba pwedeng subukan at isipin naman yung mararamdaman ng taong alam mong masasaktan?

Nagsimula sa follow-an. Nagka TA-an. Nagkaalaman. Nagkalandian. Sumunod ang pagsamasama sa inuman. Una kasama ang mga kaibigan kasi medyo nagkakailangan. Pagkatapos sila nalang dahil ang isa’t isa nalang ang kailangan. Alak at yosi madalas. Weeds paminsan. Masaya daw e. Pagibig daw e. Hay pagibig nga naman daw, nakakaloko kung minsan.