Tungkol sa baliw ang post na ito

Minsan kapag nakakakita ako ng taong grasa, hindi ko mapigilang isipin kung ano bang nangyari sa kanila. Ang dami kong naiisip, ang daming questions. Katulad ng nakita ko kaninang babae, si ate may tattoo siya sa paa. Ang laki pa. “Naks! Ang yaman!” Ang mahal kaya magpa tattoo puking iang yan. Pero syempre dahil ganun siya, ang naisip ko siguro galing siyang kulungan.

Naisip ko tuloy, siguro tumakas siya tapos paglabas niya wala na siyang pamilya kaya nabaliw siya. Or baka naman kaya siya nakulong ay dahil pinatay niya ang pamilya niya.

Pero nakatakas siya e or pinalabas siya. So bakit siya nabaliw? Bakit sa kalsada siya natutulog? Bakit taong grasa na siya? Ang mga ganitong tao kaya ay nainlove din? Or baka naman hindi talaga siya nakulong at may libreng tattoo lang sa kanila. Siguro taga boracay siya dati at may mga friends siya na tattoo artist.

Ang exboyfriend kaya niya ay iniwan siya kaya siya nabaliw? Nabaog kaya siya? Bumagsak kaya siya kaya nagkaganon siya? Or sobrang talino kaya niya at sa sobrang talino kung ano ano na sinasabi niya kaya iniwan na siya ng lahat ng mga mahal niya sa buhay?

Sa mga ganitong pagkakataon, naiisip kong maswerte akong may tirahan ako, kahit di ako umuuwi at ginagago ko lang yung ibang taong mahal ko, nagpapasalamat talaga ako. Pero wala akong sinabing may pagbabagong magaganap sa akin ha. Haha! Dahil I believe… that the children are our future. Choz. I believe na may tamang panahon sa pagbabago and this is not the right time. I’m living my life at its fullest pa e. Ansavehhh ng lola mooo?

O, kapag nakakita ka ng baliw wag masyado magisip kung bakit ha? Baka mabaliw din you. Love ko pa naman you. Hihi!

On being lost

Syempre nandyan ang mga oras na hindi mo alam kung saan ka pupunta kasi hindi mo alam ang way sa pupuntahan mo or dahil tanga ka lang talaga. Choz. Ang gusto ko lang talaga sabihin, dadating or nasa panahon or nalampasan na natin ang panahon na magigising tayo sa umaga na parang tamad na tamad na tayo sa buhay natin. Yung bang “Hayy, eto na naman” Yun bang paulit ulit ang nangyayari, alam mo yun. Yung parang ayaw mo nalang mabuhay kasi putanginang wala namang bago e.

Siguro dapat nating isiping nasa isang istorya ka lang pero kada page iba iba ang storya. Isipin nalang nating parang book yan. Na ikaw ang nagsusulat ng mga nangyayari sa buhay mo. Diba sa libro naman hindi uubra ang parepareho lahat ng nakasulat sa isang page at sa isa? Not unless, ikaw mismo, yung writer ang magsusulat nun. Na gagawin mong pare pareho ang mga isusulat mo. Na pare pareho lang ang nangyayari sa araw mo.

So imposibleng pare pareho ang nangyayari sa yo. Maybe iniisip mo lang na pareho ang nangyayari araw araw. Mind over matter. Mas naniniwala ka sa naiisip mo at di mo na napapansin yung mga ibang bagay na mas pinagtutuunan dapat ng panahon at atensyon. Siguro dahil ikaw ang nagsusulat ng storya mo, the fact na pare pareho ang nangyayari sa iyo araw araw, kagagawan mo na yun. Wala kang sisisihing iba diba? Buhay mo yan e. Walang ibang makakapagbago ng buhay mo kundi ikaw mismo.

Realization (on veronika decides to die)

While reading Veronika decides to die, ang tanging naiisip ko na lang, ang pinagkaiba lang namin ay I don’t want to die pa. I mean, yung reasons niya kung bakit siya nag suicide is same as my reasons kung bakit nakakatamad na mabuhay. Nakakatamad na mabuhay dahil araw araw, pare pareho lang ang nangyayari, walang bago.

Pero oo nga naman, hindi ba natin na isip na kayua siguro walang bago ay dahil hindi naman talaga nating ginustong mabago, siguro gusto natin pero unconsciously, kahit gusto nating mabago ang nakasanayan, yun pa din ang gagawin natin.

“Ayoko na mabuhay, katamad” is like saying “Ayoko na mag tumblr, nakakatamad na” Ayaw mo na pero you keep on doing it, you are still living in it. Why? I don’t know. So you’ll ask yourself and hindi mo din alam so mas maguguluhan ka pa so anong solusyon? Wag nalang makealam sa mundo, magrebelde, magwalanghiya.

Tama ba yun? Syempre mali yun. Pero may mga gumagawa nun, tulad ko. Napaka rebelde ko nang tao and thank God hindi pa ako nag su suicide. Bakit? Ayoko e. Kahit ayoko na mabuhay dahil paulitulit lang nangyayari, unconsciously gusto ko din. Syempre kung ayaw ko, edi nag pa overdose na ako sa pill diba?

Blogging this for the sake of noting myself that I love my life.

Kahit ganito ako, magtaka ka na pero, oo. Mahal ko buhay ko.

May mga bagay na "Ganon talaga e"

Minsan may mga bagay talaga na kahit anong gawin mo, hindi magbabago. Katulad nalang sa ibang mga magasawa. Yun bang nagpakasal sila kasi akala nila sila na ang para sa isa't isa. Edi habang nasa kasagsagan ng akala nilang tunay na pagibig, mahal na mahal pa nila ang isa't. Yung parang araw araw make love kasi mahal nga nila ang isa't isa e at wala naman daw masama kasi kasal sila..

At habang patagal ng patagal, nanlalamig sa isa't isa. Mahirap mang aminin, pangit mang pakinggan, nagsasawa na sila sa isa't isa. Or yung isa ang nagsasawa. Pero kadalasan yung isa lang ang nagsasawa samantalang yung isa, meynteyn pa din ang love sa isa. Kadalasan ang mga babae yung mga naiiwang in love e, kasi they give their all. Parang kasi sa mga lalake daw ay wala nga namang mawawala.

Edi nanlalamig na diba? Yung araw araw na sex, naging once a week, at pakonti ng pakonti. Tapos mabubuntis si girl, edi magkakaron ng ilaw ang pamilya, mas mapi feel nila na buo sila. Edi kahit papano, babalik ang amor ni lalake sa babae. Tapos nanganak na, lumalaki na yung bata, dumadami na ang kunsomisyon. Anjan na ang away, anjan na naman ang panlalamig.

Nangbabae si tatay. Nalaman ni nanay. Go sugod si nanay kasi nga may pinapangalagaan siyang pamilya. Todo sorry si tatay, hindi na daw siya uulit, siya naman daw talaga ang mahal niya. Edi si ate mong girl, forgive and forget. Para nga sa ikabubuo ng pamilya nila. Para sa mga anak nila.

Pero hindi magtatagal, uulit uli si tatay. Maghahanap ulit siya ng ibang chiks. Malalaman ni nanay. Hindi na lang siya mag rereact kasi minsan may mga bagay talaga na hindi na dapat ine effortan pa. Wala naman siyang magagawa e. Ganun talaga ang buhay e.

Ang buhay, mahirap talaga yan, mas siraulo pa yan sa pinaka siraulong kilala mo, gagaguhin ka ng gagaguhin niyan pero hindi magbabago yan. So wala kang magagawa kundi tanggapin ang reyalidad na nangyayari kasi yung mga iniisip mong "eto dapat e" ay hindi mangyayari. Malayo sa realidad ang mga inaasahang mangyari ng tao. Ganun talaga e.

Masakit mang maloko, anong magagawa natin? Dyos ba tayo? Kapag ba sinabi nating "Wag ka mambabae" titigil ba yan? E kung tingin mo tumigil nga sigurado ka bang hindi mo lang siya nahuhuli? Ang tao, makasalanan. Mahirap pagbaguhin.

Kaya bago pakasalan, alamin muna kung talagang mahal ka niyan. Yung kahit alam na niya lahat sayo, binigay mo na lahat sa kanya, hindi pa din siya magsasawa. Yun ang challenge minsan e. Kung paano mo papanatilihin ang init ng pagibig kahit wala na ang amor, kahit nagkakasawaan na.

Oo, love is blind. Pero handa ka ba magpaka bulag sa lahat ng sakit na yun kung sobra sobrang sakit na at harapan na ang panloloko sayo? Oo, love conquers all. So kahit niloloko ka na harap harapan ever, goura fight padin sa pagpapaka tanga?

Minsan isipin nating dapat mas mahal muna natin ang sarili natin kesa sa pagmamahal natin sa iba. Kasi kapag sobrang mahal na natin yung isang tao, kahit magbago siya at lahat lahat, mahal pa din natin yan. Ang masaklap ay yung magbabago siya not for the better but for worse, pero tatanggapin padin natin siya. "E mahal ko e"

Wrong wrong. Love know its limits. Mas mahalagang mahal mo ang sarili mo. Kung feeling mo nagiging tanga ka na, kung feeling mo may iba siya, kung sobrang sakit na, kapag di mo na kaya, let go. Back off.

A book kemberloo: PEKSMAN

May mga libro talagang nakakapukaw ang title ano? Parang title palang, storya na. Matagal ko na gustong bilhin ang librong 'Peksman (mamatay ka man) nagsisinungaling ako [at iba pang kuwentong di pa dapat paniwalaan]' kasi mas nakakaengganyo naman para sa akin ang title nito kesa dun sa 'Ligo na u, lapit na me' pero dahil kasama sa cinemalaya2011 ang pangalawang nabanggit, "Don't judge a book by its title" nalang ang peg ko.

Bilang matagal ko lang gustong bilhin ang librong yan, nabili ko lang siya ngayong taong ito dahil prof namin si Eros S. Atalia, author ng nasabing dalawang libro. Mula kasi nung nalaman nilang (blockmates) siya ang prof namin parang ang daming nagbasa nung Ligo na u, lapit na me niya. Samantalang dati, keber keber lang. So parang ako, ang mainstream na ng Ligo na u, lapit na me plus the fact na kasama pa nga siya dun sa cinemalaya.

E tutal matagal ko na din naman gustong bilhin etong Peksman mamatay ka man nagsisinungaling ako, binili ko na. Peksman binili ko siya. Oo, mamatay ka man. Title pa lang cool na diba?

E diba sa mga libro, may parang mga kumento yung ibang mga mahahalagang tao tungkol sa librong yun? Ang huling ganung chever ay...

"Humanda ka, Bob Ong!"
-Vim Nadera, Director, UP Institute of Creative Writing

E diba totoong si Eros Atalia naman talaga ay sadyang naihahambing sa kilalang kilala nating si Bob Ong dahil sa diumanoy pareho nilang treatment sa kanilang books, na nakakatawa and kemberloo. Pero ngayon ko lang kasi natapos kaya masasabi kong yes pareho sila pero parang ewan ko. Hahaha! Ang gulo, ayoko sabihin kung sino mas angat.

Ano kasi, ang daming alam ni Eros. Sobrang dami. Nakakatawa. Sa sobrang korni, nakakatawa. Pero lahat nang sinasabi niya, may laman. As in may laman. Akala mo ganun lang kababaw pero kung susuriin mong maigi, "Putangina yun pala yun" "Puta oo nga no"

Wala lang, hindi dahil prof ko siya or what (kasi ang labo niya sa personal, ang gulo, walang biro) pero maganda yung book niya. So sa mga loyal kay Bob Ong at siya lang ang sinasamba, try niyo to, baka medyo magbago isip niyo. Pero wala ako sinasabi. Haha. May tinatayp lang. Duh.

Maganda. Nakakatawa. Putangina.
Peksman. Mamatay ka man.

Mga napapansin sa jeep

Hindi ba kapag nasa jeep ka kung ano ano ang napapansin mo? Kung hindi man, sorry ka pero ako kasi ang dami ko napansin at gusto ko I share.

Merong mga matatandang may mga dalang mga bayong nila na may mga lamang gulay, ang minsang nakakainis pa nyan e yung sa may bandang labasan pa sila uupo. Aba naman, kamusta naman yung nasa loob diba? Dapat kasi yung mga may malalaking dala dun pumupunta sa dulo e.

Nandyan din naman yung mag jowa na sa putanginang kasigsigan ng init ng panahon, akapan pa ng akapan. Mas maiinis ka nalang kung rockers pa yung dalawa, naka black pa. Kung swag pa yung dalawa, naka jacket pa. Eeekkk! Lamig lamig a!

Meron namang antok na antok na makakatulog pa sa balikat ng katabi nya. At nandyan naman yung katabi nya na pasimpleng uusog o gagalaw o eehem para magising yung katabi niya na bigla namang aayos ng upo na parang walang nangyari.

Meron naman din talagang nakataas pa yung kamay e jinajabar naman, nakataas pa yung kamay tapos naka sleeveless e ang itim naman ng kilikili, nakataas pa yung kamay pero may body odor. Kalowka.

Andyan din naman sa jeep yung mga putanginang nagbibingibingihang ibang pasahero na kahit paulit ulit mong sinabing "Bayad po, makikiabot po" e hindi pa din talaga mamamansin. Ang putah!!!

Meron namang magtotropa na parang gusto nang angkinin ang jeep na para bang ang iniisip nila ay "Guys magingay tao kasi cool tayo"

Bilang may maiingay, may mga loner naman na mag he headset nalang at iisiping "Putangina nyong lahat" at masaya na siya nun. Gagalaw galaw pa ang ulo dahil f na f pa ang music.

Tapos meron namang mga jeje na naka china phone tapos magpapatugtog ng malakas sa jeep. Ayaw nalang mag headset e. E mas nakakaloka naman yung wala na ngang pinapakinggan, nakanta naman magisa. Saya niya lang e.

At syempre hindi mawawala ang driver na kapag sinabi mong "Bayad po" e agad na igagalaw ang kamay para I kemberloo ang bayad mo. Pero kapag sinabi mong "Para po" kelangan mo pa ulitin nang madaming beses para itigil nya ang sasakyan. Kaya dapat malayo ka palang sa bababaan mo, magpapara ka na e.

Nakakatuwa din na may ibang jeep na may "Pull string to stop" at kahit paulit ulit mong sinasabing "Para po" hindi talaga siya titigil kahit nakikisigaw na yung mga nasa loob ng jeep unless hihilahin mo talaga yung string. Tibay e!

Patibayan talaga sa jeep e. At kung meron mga ganyang tao sa jeep, meron din naman yung lahat pinapansin, yung walang magawa na pati natutulog, magtotropa, magjojowa, may b.o, at kung ano ano pa pinapansin. Lahat naman ata tayo pinapansin na yung mga ganyang bagay. Hello?? Irresistible e. Diba?

06-23

Tanda niyo yung Travelogue article ko about sa Divisoria? Yung parang joke lang. Kung hindi niyo pa nababasa, paki basa kasi proud ako. Hahaha! Alam mo yung parang first time ko ata naka uno flat dyan sa feature feature na yan. Last year, yung mga travelogue ko parang mga tres ganyan ganyan. Tapos ngayon, wow. 1.00

Sorry ha pero super masaya lang ako kaya kailangan ko iblog to. Eto na ang simula, sana. Sana mas maging maayos ako sa aking pag-aaral.

Tapos may comment pa yung prof ko, “Good humorous treatment.”

EEEEK!!! Kakilig! Choz. Basta, masaya kasi ako. =)

PS: I-click ang link para mabasa ang article.

Better or bitter?

Alam mo yung feeling na kapag iniwan ka tapos kunwari okay ka. “Hello? Strong ko kaya” “Siya naman nawalan e” “Sus, diko naman yun minahal e” “Okay na ako.” “Hanap mo nga ako jowa”

Asus naman! Maka ganyan ka naman. E alam mo naman sa sarili mong isang text niya lang, rereply ka agad. Pag sinabi niyang miss ka na niya, iisipin mo muna kung papakipot ka o ano pero kilig na kilig kana.

Alam mo namang sa gabi pagkatapos ng lahat ginagawa mo, at maiisip mo siya, “Putangina what went wrong? Bat kami naghiwalay?” “Nagkulang ba ako? Lahat naman ng gusto niya binigay ko a”

Minsan ganyan tayo e, iniisip natin sa sarili natin na ang strong strong natin na kahit sobrang kawalan siya sa buhay natin “Weh tangina keri ko to. Ako pa!” Pero deep inside, you know, bonggels sa sakit!

Sakit ng wala na siyang paki sayo katulad ng paki mo pa din sa kanya ngayon. Sakit na hindi ka na niya iniisip katulad ng pagiisip mo sa kanya ngayon. Sakit na hindi man lang niya iniisip kung okay ka lang ba at kung may magagawa ba siya para maging okay ka.

At kung sakali namang tanungin ka kung okay ka lang ba “Oo naman” Syempre patigasan diba? Ego kung ego e? Pride kung pride ang labanan diba? Sige lang, sarili mo naman niloloko mo e. Sarili mo naman pinapahirapan mo e.

Tingin ko sa mga ganitong pagkakataon, you should let go of your fucking pride and makipagusap sa person involved. Kasi you will never be okay with another person if you yourself is not okay.

Never every say “Hindi ako bitter a!” If you know, to yourself, that you are not even close to better. Kuha mo?

Tungkol sa OJT ko (siguro hindi mo babasahin)

Bilang tapos na ako sa aking internship sa The Manila Times, hayaan niyo akong mag kwento. At bilang wala akong care kung babasahin niyo to or hindi, ike kwento ko pa din. Sorry ganyan talaga.

So ayun nga nag OJT ako sa Manila Times pero bago yun, nag OJT muna ako sa People’s Journal. Sa People’s Journal, naka assign ako sa police beat, yun ang pinili ko kasi alam kong doon nagsisimula lahat halos ng reporters. Edi yung experience na nakakasama mo yung mga reporters na kahit hindi kilala, ang saya na sa pakiramdam. Yun bang kahit maingay sa press office, yung mga radio reporters, mag rereport pa din. Shit ang cool kaya. Tapos makikita mo sa Nico Baua paminsan minsan. Masaya na ako nun e.

Tapos biglang Manila Times na, Malacanang beat ako naka assign. Super big step di ba? Bigating reporters syempre. Tapos araw araw mong kaharap yung mga spokesperson, tapos minsan si PNoy, na parang tropa lang kayo. Tapos makikita mo sa TV yung mismong nasaksihan mo sa personal. Ang wow lang kasi di ba.

Siguro wala kang paki kasi kapag kine kwento ko din to sa pinsan ko deadma lang sila. Huhu. Di nila maramdaman yung tuwang nararamdaman ko.

Yung tuwa lalo na kapag nakikita mo yung pangalan mo sa dyaryo. Sa broadsheet!! Sobrang sarap ng feeling. Sobrang sarap!

Bahala na sa swelso in the future, basta ako, papanindigan ko ito.

Share

Nakakabilib kung paanong madalas mas binabasa talaga ng mambabasa ang mga tungkol sa pagibig na posts. Kapag medyo hindi kemberloo na post parang binabale wala lang. Hindi niyo ba naiisip ang effort ng nagsulat para maramdaman niyo naman yung nararamdaman niya?

Katulad ko, hindi kasi ako masyadong vocal sa mga kaibigan ko tungkol sa mga nararamdaman ko so lahat ng naiisip ko or whatso, sa blog ang bagsak.

Ang sakit lang isipin na pina follow niyo ako pero hindi niyo binabasa post ko.

It’s not about notes e. It’s about you feeling me. Wala lang. Maarte ako e.